Chapter Twenty-Seven:

1K 20 0
                                        

Alex POV

"Dad?" tawag ko kay daddy habang nasa terrace kami ng bahay, siya kasi umiinom ng coffee niya pag ganitong palubog na ang araw.

"Yes ija?"

"I knew where to study." Excited kong sabi habang nagba-browse ng internet sa laptop ko.

"Where is it?"

"Paris dad. Is it ok with you? Marami kasing sikat na designer doon ee."

"Its all up to you ija. You can go."

Ngumiti naman ako sa sagot ng tatay ko "thanks dad. I plan to build my clothing company here in the Philippines after kong mag-aral para pwede ko ring isabay kapag may mga conventions and meetings ng mga entreprenuers, nagawa ko na iyong hilig ko, kumita pa ako at the same time, matutulungan din kita."

"That's my baby. Mana ka talaga sa akin, madiskarte."

"Haha dad, masyado lang kayong supportive sa mga gusto ko kaya sino ba kayo para biguin ko? Syempre tayong dalawa na lang nga."

"Your mom will be very proud of you."

"I know dad." Nakangiti kong sabi

This is it pancit!

Excited kong binalita kay Jo ang plano ko. Maybe this is the right time na rin para maayos namin ang anumang gusot na meron kami.

Nami-miss ko na si bessy ko ee. Gusto ko na siya maka-bonding ulit.

Nag- sent ako ng email sa kaniya bago kami kumain ni dad ng dinner.

Joana POV

First thing na routine ko in the morning ang mag open ng emails ko, bago ako mag asikaso ng ibang work sa office.

Usually mga patungkol sa trabaho ang emails na narereceived ko since sa akin dumadaan ang mga emails na para kay sir. Ako kasi ang may access sa email na ginagamit niya sa calling card niya, ako ang taga-filter kung important ba or urgent or hindi naman kailangan iyong emails.

Minsan email add ni sir ang binibigay ko para sa mga humihingi ng personal email add ko, ee minsan ko lang buksan ang personal email ko ee, kaya ito na rin lang binibigay ko.

Sender: Alex Virdida

07-31-15 06:30 PM

Hi bessy! How are you? Nami-miss na kita, sobra!

Sorry di tayo nagpangita noong umuwi ka rito, busy kasi ako sa business ni dad. But...

I found my way para makatagpo ulit kita, excited na nga ako ee.

I plan to study fashion designing, ang short course lang, mga 6 months lang. Balak ko kasing magpatayo ng clothing company rito sa Philippines pagnakatapos ako. Diba alam mo namang matagal ko ng gusto iyon? Guess what? Pumayag na si dad pati sa kung saan ako mag-aaral and that is... there in Paris.

See you soon bessy. Inform lang kita pagpapunta na ako at kung saan ako tutuloy, so far nagreresearch pa ako if saan magandang school, baka may mai-recommend ka. I will appreciate it so much, pero kung wala ok lang, alam ko namang di mo line iyon ee.

Anyways, best regards. Ingat ka lagi riyan bessy. I love you. Godbless.

- Alex

Napangiti ako sa nabasa ko, who wouldn't? Na mimiss ko na rin naman si Alex.

Nakaramdam din ako ng excitement sa sinabi niyang papunta siya rito. Wow! Iba talaga pag mayaman ka noh? Well, rich kid kasi si Alex pero di halata napaka simply niya lang kasi kaya ko nga siya naging friend tapos di rin maarte. Iyon nga lang, dahil sa lalaki kaya kami nagkaroon ng gap but anyway, past is past. Magmove-on na tayong lahat.

Nag iwan ako ng reply baka kasi magtampo pa.

Hello there bessy, I miss you too. Wow! Me is excited na rin. Goodluck sa career na papasukin mo bessy, sana mag success ka, but I know you will. Ikaw na iyan!

Sige, just inform me ng update sa pagpunta mo.

Sorry bessy, wala akong alam tungkol diyan ee pero magtatanong-tanong ako sa mga kakilala ko rito baka may alam sila. Inform kita kung meron.

Take care. God bless.

- Joana

Ang gaan-gaan tuloy ng pakiramdam ko buong araw.

Kinahapunan, sinundo ako ulit ni Jimmy ng mag-uwian na kami.

Heto namang tao na ito, walang pasabi kung pwede magsundo. Paano pala kung may lakad ako?

Hay, ayaw ko masira ang araw ko, erase-erase.

"Mukhang masaya tayo ngayon aa, na promote ka na ba?" tanong ni Jimmy habang bumabyahe kami pauwi.

"Hahaha pag masaya na promote agad? Diba pwedeng in-love lang? Joke. Hahaha hindi kasi papunta rito iyong bestfriend kong si Alex."

"Aa. Akala ko totoong na in love ka na. haha talaga? Kailan daw? Matagal ko na ring hindi nakikita iyon ee."sabi niyang biglang natuwa ang aura

"Kilala mo ba siya?" usisa ko

"Oo. Sa mukha at pangalan. Remember stalker mo ata ako dati, lagi mo iyong kasama ee pati si Donna."sabi niya naman na parang nagbago uli iyong aura niya. Ewan, baka paranoid lang ako, baka dala lang ito ng kasayahan ko.

"Aw. Oo nga pala. Haha stalker na rin. Anyway, speaking of Alex, may alam ka bang school for fashion designer dito? Naghahanap kasi siya ng magandang school na pwedeng pasukan, mag-aaral daw kasi siya."

"Ganoon ba? Meron, doon sa kaharap na building ng office namin. Ang alam ko kasi school iyon ng mga fashion designer, madalas nga kaming makakita roon ng mga models ee. Ang Americans next top model nakita namin iyon doon nag shoot."

"Talaga? Sige sabihin ko kay Alex."

"Mag inquire ako roon pag may free time ako."

"Thanks Jimmy." Sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa labas ng bintana.

Nagagawa ng connection.

Jimmy POV

"Papunta dito iyong bestfriend kong si Alex." Naalala ko pa ring sabi ni Jo kanina habang hinahatid ko siya pauwi sa tinitirhan niya.

Bigla tuloy akong nagpanic ng kaunti. Makikita ko na naman pala ang bestfriend niya.

Flashback

"Hey, boy! May gusto ko ba sa bessy ko?" tanong ni Alex mula sa likod ko, nanunuod kasi ako kay Joana mag volleyball, hindi ko napansing nakalapit pala sa akin ang bestfriend niya

"Bakit di ka sumali roon sa kanila?" tanong ko rin sa kaniya

"Sino bang naunang nagtanong?" nakataas ang kilay niyang tanong bago naupo sa tabi ko.

"Ikaw."

"Iyon naman pala ee, bakit di ka muna kaya sumagot sa tanong ko bago ko sagutin tanong mo."

"Sinagot ko na rin naman ang tanong mo aa? sabi mo sino nauna nag tanong, sabi ko ikaw. Sagot naman iyon aa" sabi ko kahit hindi nakatingin sa kaniya pero sa nakita ko sa sideview na tumaas ang kilay niya.

"Wow! Heto lang masasabi ko ha? Hindi ka papasa kay bessy." Sabi niya sabay tumayo na.

End of flashback

Pinagsisihan ko nga iyong araw na iyon, siguro na ikwento niya kay Joana iyong nangyari kaya hayon tuloy basted ako noong magtapat na ako.

Naalala ko tuloy sabi ng bestfriend kong si Jerome noon,

"Kasi pay, maniwala ka bang, kapag may nagustuhan kang babae, yung bestfriend niya muna ang ligawan mo bago siya para makakuha ka ng simpatya. Maliban pa doon sa mas makikilala mo iyong taong mahal mo sa bestfriend niya, since nga halos iisa lang bituka ng mga iyon."

Malay ko ba noon. Bagito pa ako noon kumbaga, hilaw pa. Wala pa akong muwang sa ganiyang mundo. Ang akin lang naman e-try-try lang ba.

Naiiling na lang ako. Hindi niya naman siguro ako matatandaan. Nakalimutan na nga ako ni Joana ee.

Her Admirer (Commit #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora