CHAPTER 66 : COUSIN

Magsimula sa umpisa
                                    

Georgia : Ang ganda naman ng joke. Death-defying. Uunahan na kita. Yari ka sa practice bukas.

Ako : Seriously, Georgia. Don't believe in them. I have a name to maintain.

Well, I don't care about mine but Rhea's involvement on the issue is something that I can't tolerate.

Georgia : Okay. Sabi mo, eh.

Ako : At hindi ko rin ata kayang gawin 'yon sa girlfriend ko.

Of course, I can. Pero ang daming istorbo kaya alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para ipilit ko 'yon. Darating kami ro'n. Though, nauuna na akong magplano kay Rhea. That's a serious matter for me. Kapag kasi in-o-open up ko 'yon sa kanya, ang akala niya palagi ay minamanyak ko siya kahit hindi naman. I can't blame her. Gano'ng ang nakatatak na imahe ko sa maduming isipan ng girlfriend ko.

Nakapasok kami sa Finals at umapaw ang tuwa ng buong team pati na rin lahat ng sumusuporta sa university namin. Naulinigan ko ang usapan ng mga kapwa ko players habang papunta kami sa arena sa unang laban namin sa Finals.

"George, malapit na birthday mo, ah?"

"Birthday mo na, Manager?"

Naging maingay ang mga tao sa likod ko at napatingin ako sa kanila.

"Kailan birthday mo, Georgia?" Hindi siya ang sumagot kundi si Ervis.

"Five days for now. Kung sakaling mag-tie tayo sa series. May game 3 pa. Sakto 'yon sa birthday ni Manager. Kaya dapat ma-sweep natin ang Blitz para makapag-celebrate tayo ng birthday niya."

Kumunot ang noo ko. "Five days from now?"

Sa araw na 'yon ang flight ko pabalik ng New Zealand. Ipinagkibit ko na lang ng balikat ang sagot ni Ervis. Kung sakali man na umabot nga ng Game 3 ang laban, manalo o matalo, kailangan ko pumunta ng New Zealand. I'm missing Rhea so much. Alam kong sobrang busy niya ngayon at sinisingit-singit na lang niya ang panunuod ng mga laban ng team. Hindi ko na patatagalin ang pagpunta ko ro'n.

Nagkatotoo ang sinabi ni Ervis. Umabot nga ng game 3 ang laban. Birthday 'yon ni Georgia. Pressured ang lahat kaya hindi nila masyadong napagtuunan ng pansin. Mas nag-focus kami sa kung paano makukuha ang tropeo sa huling game.

"Pilitin nating kunin 'to. 10 years na tayong hindi nagcha-champion. Huwag na nating dagdagan ng isa pang taon." Nakatitig kaming lahat sa team captain habang nagsasalita siya sa harap. Nagtipon-tipon kami sa dug-out.

Hindi ako kinakabahan tulad nilang hindi pa naglalaro pero pinagpapawisan na sa tensyon. I can feel it, yes, but I handle it well. I keep my cool. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nag-ayos rin ng sintas. Si Kenedic 'yon.

"This is the right time to win."

"What made you say that?" Nilapat ko ang paa ko sa sahig. Pinasadahan ko ang buhok ko. "What makes this day special?"

Lumingon siya sa akin, kunot-noo. "Ayaw mo bang magchampion tayo?"

"Gusto. Sino bang hindi? Pero alam naman nating lahat na biglaan pagbabago ng sistema. May excuse kung hindi man tayo magchampion and I'm sure the viewers would buy the alibi because it's half-truth."

"I don't care. I want to win. Simula ng pumasok ako sa varsity, ito na ang pinakamalayong narating ng team. Ba't hindi pa samantalahin?"

Tumayo ako at uminom ng tubig habang patuloy sa pakikinig.

"Wala na si Ervis at Leo next year. Malaking kawalan sila. Matatagalan kung aasa sa panibagong adjustments."

"Ang haba ng sinabi mo. Akala ko idadahilan mo lang na birthday ng Manager."

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon