"Ayaw mo ba talaga?"
"Ewan ko sayo, hindi ako interesado sa party na 'yan, kung gusto mo pumunta, pumunta ka mag-isa."
"Sumama ka na! Mag mumukmok ka lang dito eh! Ngungudngod mo nanaman 'yang mukha mo sa libro mo, mas masaya mag party, Em!"
"Tigilan mo nga ako, sumama na nga ako sayo dito pero andami mo pa ring hiling."
"Ehhh! Dali na! Minsan lang 'to, malapit na ang pasukan, puro aral nanaman tayo!"
Iritado kong binaba ang binabasa ko at sinamaan ng tingin ang pinsan ko.
"At ayun lang habol ko dito, kung hindi lang dahil sa scholarship, hindi na ako aalis sa probinsya, kaya tigilan mo ko bago pa mag bago ang isip ko."
Mukhang sumuko na siya kaya sumimangot na lang sakin, umungot-ungot pa pero di ko na lang 'yun pinansin at nag tuloy-tuloy sa pag babasa. Istorbo.
Bagong lipat kasi kami ng school at nag-aaya itong pinsan ko na maki-party sa mga bago niyang kakilala, hindi naman ako mahilig don at pag-aaral lang ang habol ko, higit sa lahat... hindi ako fan ng alak, ayaw ko rin sa amoy ng sigarilyo dahil wala namang gumagamit noon sa bahay namin.
Hindi ba ganon naman ang meron sa pupuntahan niya? Baka mag inarte lang ako at makaaway pa ako ng tao.
"Bahala ka, basta 'wag mo ko isusumbong kay mama ha! Pinsan mo ko, tandaan mo 'yan!"
"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko at naka focus pa din sa binabasa.
Kung kelan nasa exciting part nako saka naman nang i-istorbo 'tong bubwit na 'to, gusto lang naman ako isama n'yan dahil baka isumbong ko siya kay tita. Pake ko sa kanya? Wag siya mag-alala dahil hindi ko siya isusumbong, bahala siya kung gusto niyang sirain ang buhay niya.
"Sige na umalis ka na, huwag ka na rin umuwi para walang maingay dito." Pamimilosopo ko.
Naka ilang angal pa nga sa akin bago umalis. Bwisit na 'yun, saan ba 'yon pinaglihi ni tita, napaka ingay.
Napa buntong hininga ako nang tuluyan kong matapos ang istoryang binabasa ko.
Grabe na rin talaga ang mga istoryang isinusulat ngayon, mayroong mga hindi na makatotohanan. Matalino, maitsura, matangkad, iyong pag ngumiti parang buong mundo ang kikiligin, iyong mala anghel raw at walang kahit isang flaws.
Tss. Kung papakinggan mo ng mabuti ang mga katangian ng bidang ito, hindi siya makatotohanan, na kahit ako ay alam kong hindi ko kayang maging ganon. Sa sama ng ugali ko? I don't think so.
"Imposibleng may ganyang tao sa mundo, kalokohan." Ani ko at tumayo.
Maganda 'yung libro, 9/10 kasi hindi gaanong makatotohanan yung male lead.
Maayos ko iyong itinabi sa maliit kong bookshelf at sunod ko namang kinuha ang librong may kaugnayan sa program na kinuha ko. Syempre hindi lang dapat puro novels ang binabasa ko, kailangan ko ring mag aral, para naman mayroong saysay ang pag punta ko dito.
Hindi rin magiging madali ang school year na 'to dahil isa na akong freshman, actually second sem na ang papasukan ko sa school na nilipatan ko dahil nagka-problema pa sa mga forms ko, meron tuloy akong kailangang habulin na mga subject, kaya kailangan ko rin ng extra aral.
Sana lang talaga ay maging worth it ang pag punta ko dito, hindi ko iniwan si Nanay sa probinsya para lang sa wala, kailangan kong mai-raos 'to.
'Tandaan mo, Emry... wala kang karapatang mag reklamo. Mapapagod, magpapahinga, pero lalaban uli.' Ayan ang lagi kong paalala sa sarili ko.
Naka ilang buklat ako sa iba't-ibang librong binili ko sa school, hindi ko na nga naalintana ang oras dahil sa sobrang focus ko sa pag-aaral, ang konting advance study ko ay naging anim na oras na.
ESTÁS LEYENDO
Perfect Version
Ficción GeneralThey saw perfection, but I saw the imperfections that made me stay - his perfect version.
