• Chapter 1 - Part 1/20

3 0 0
                                        

"Listen to me Adelei, wala na siya, iniwan ka na niya," Ronjay said to him, pero wala ni-kahit anong salita nito ang naintindihan niya, kasi nasa malalim siya nang kan'yang pag iisip. "Adelei look at me!" pabulyaw na pukaw nito sa kaniya, ngunit tinitigan niya lang ito saglit tsaka siya humakbang paatras at tsaka niya ito tinalikuran at naglakad palayo rito.

Narinig pa n'yang tinawag siya nito pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang syang maglakad.

Nang mahawakan niya ang doorknob ay tsaka naman ito biglang bumukas at bumungad sa kanyang harapan ang hingal na hingal at duguan na lalaki sa harapan niya.

"A-Ad-" hindi nito naituloy ang sasabihin nang mapahinto ito at makita s'yang nakatayo sa harap nito, "Ad-Adele-" patuloy nitong banggit sa pangalan niya ngunit hindi na nito natapos banggitin ang pangalan niya nang bigla niya itong yakapin nang mahigpit.

"J-Jared...!!!" naluluhang niyakap niya ito at parehas silang napaluhod sa sahig sa bungad ng bahay.

"Adelei-ka-kaila-kailangan na nating u-umalis rito!" pautal utal nitong sabi sa kaniya.

"Yes Jared! We will leave this fucking house! Hinding hindi na tayo babalik sa lugar na ito, pangako Jared!" naghihinagpis na litanya niya.

Nanghihina man si Jared ay pinilit nitong makatayo para maka alis sa lugar na iyon.

Nang maisara ang pinto ng kotse ay pinaandar na ito ni Adelei, ngunit hindi ito mag start at ilang ulit pa ngunit hindi pa rin ito gumana.

Napa sigaw nalang si Jared at napa mura nang maalala ang ginawa nung dalawa nilang kasamang babae.

Hindi siya makapaniwala na mangyayari ito sa kanila.

Hinaplos ni Adelei ang mukha ni Jared na may mga dugo, nagtatakang tinanong niya ito, "J-Jared, hey Jared?" pukaw nito sa kaniyang kaibigan, nang lingunin siya nito at titigan ay napatulala siya saglit, "Jared, what happened to you?" may pag aalalang tanong niya rito, "Ilang araw kang nawala, saan ka nagpunta? B-bakit ganito? Bakit m-may d-dugo sa damit, ulo at mukha mo?" sunod sunod na tanung ni Adelei kay Jared.

"This is not the right time Adelei, lets talk about it later, ang mahalaga ngayon ay maka alis tayo dito!" sambit nito na may pag aalala.

Tumango si Adelei atsaka sinubukang ulit na paandarin ang kotse.

Nagulat sila nung may kung anong bagay ang bumagsak sa harapan ng kotse.

Bumaba ng kotse si Jared ngunit pinigilan siya ni Adelei, "Where do you think you're going!?" tanong ni Adelei kay Jared.

Tinitigan siya ni Jared sa mga mata, ramdam niya ang sensiridad sa mga tingin nito sa kaniya, "I need to find out kung ano yun-" hindi na natapos ang sinasabi ni Jared nang mag salita siya, "Look at you, you are injured Jared you need to stay here, ako nalang ang lalabas," at pagka sabi niyon ay binuksan agad niya ang pinto ng kotse tsaka siya lumabas.

Napatakip siya ng kanyang bunganga nang masilayan ang kung anong bumagsak kani-kanina lang sa harapan mismo ng kotse.

Nanghihina syang naglakad pabalik sa loob ng kotse at naluluha nung tumingin at titigan si Jared sa mga mata, "Ja-Jared!!!" hindi na niya napigilan pa ang mapaluha at napahagulgol nalang siya kay Jared.

To Be Continued...

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jul 01 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

He's Not My Type, But...Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ