PROLOGUE

2 0 0
                                        

"Minsan, hindi mo mararamdaman kung gaano kabigat ang mundo... hangga't hindi ka na makahinga."

Hindi ito kwento ng bayani. Hindi ito fairy tale.

Ito ay kwento ng tatlong kabataan - si Pia, si Jane, at si Sam - na sa likod ng mga ngiti at katahimikan ay may bitbit na mga sugat na hindi madaling makita.

Tatlong kaluluwang dahan-dahang binasag ng lipunan, ng sariling pamilya, at ng sarili nilang takot.

Tatlong boses na pilit pinatatahimik ng mundo.

Ngunit kahit pa nasaktan, kahit pinatahimik, kahit nawala...

May natira pa ring liwanag.

At sa liwanag na iyon - may boses. May lakas.

At higit sa lahat...

May dahilan pa ring mabuhay.

Kaya kung ikaw ay nagbabasa nito ngayon... sana, hawakan mo ang bawat salita.

Dahil minsan, ang isang kwento ay hindi lang para aliwin ka...

Minsan, ito ay para iligtas ka.

Plagiarism is a crime

Life (Tagalog)Where stories live. Discover now