Una

312 6 1
                                    

"Hi!!!!!!"

Isang umagang kay ganda! Kasing ganda ko! Hahahaha! Kontra ka? Sige ka, papangit ka! Hahahahaha!


"Inay! Ang ganda ng umaga! Kasing ganda ng anak niyo! Hehehe!" sabi ko kay inay



Ngumiti sa akin si nanay. Napangiti din ako ng tipid. Lumapit ako sa lamesa namin at kinuha ang isang botelya ng gamot. Magaan na.


"Haaay, mukhang paubos na ang gamot ng nanay ko ah. Di bale! Raraket mamaya ang maganda niyong anak!" sabi ko paglapit kay nanay


Umupo ako sa gilid ng kama. Inalalayan kong tumayo si nanay para inumin ang natitira niyang gamot.


"Nay, magluluto lang ako ng kakainin natin ngayon ha? Mahiga kana ulit 'nay. I love you 'nay!" hinalikan ko ang hapis na pisngi ng nanay ko at saka ko nagdiretso sa kusina



Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Pepper. Ang paborito kong pusakal. (Pusang Kalye)




"Peppeeeeer my labs!!! Inubos mo na naman ang ulam kagabi?!!! Hay nakuuuu!! Na-iistress ang beauty ko sayo!" sabi ko atsaka siya kinuha sa ibabaw ng lamesa ay dinala sa labas ng bahay



Bumalik ako sa kusina at nagkalkal sa ref namin na puro lalagyan ng tubig para maghanap nang pwedeng ipang hain ngayong umaga. Buti nalang at may nakita kong isang itlog at isang pack ng noodles. Okay na 'to. Pansamantala.




Pagtapos kong magluto, dinalhan ko na si nanay ng makakain niya. Nagtira ko ng konti para sakin. Mamaya nako kakain, pagtapos kong pakainin si nanay.






"Nay, baka gabihin ako mamaya ha? Hahanap ako ng bagong raket. Pambili ng gamot mo 'nay. Sabihan ko nalang mamaya si Timay na samahan ka dito."






Umungol si nanay. Nag smile ako ng tipid sa kanya tapos pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo niya.






"Nanay, ayos lang ako. Walang kaso sakin yang pagraraket ko. 'Yaan mo 'nay, maghahanap nako ng stable na raket."






Pagkatapos kong pakainin si nanay, nagayos nako ng sarili ko. Kinuha ko ang cellphone kong nagpapatay sindi na sa tagal ng panahon.





"Naman oh! Makisama kanaman plith!" kausap ko dun sa cellphone ko







Tinawagan ko si Pauline, bestfriend ko.





"Paw? Wala ba tayong raket dyan?! Kelangan ko ng pera eh, wala ng gamot si nanay."





"Maine?! Nako nakoooooo!!!! Tamang tama!!! May offer talaga ko sayo!"! tili ni Paw sa kabilang linya






"Makasigaw naman! Wagas masyado! Anu ba yun? Dali at kailangan ko talaga ng pera." sabi ko




"Okay okay, ganito kasi. Yung boyfriend ko, nachika sakin sa pinapasukan niya na naghahanap daw ng yaya ang donya."




Namilog ang mata ko. Yaya? Ako?! Enebenemen yen.




--------------
A/N:

Sino nakapanood ng #Aldub3rdweeksary kanina? Waaaaaaaa! Kilig to the bones!!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nothing's Gonna Stop Us Now (ALDUB Story)Where stories live. Discover now