"Pasensya, ha? Sabunutan kita, eh." Inirapan lang siya ni Bobbie. Hindi naman niya pinansin ito dahil kinuha niya ang pizza na dala nito kanina at nagsimula nang kumain.

"Ano bang problema mo?" Narinig niyang tanong ni Bobbie mula sa kusina niya. Hindi siya sumagot. Basta kinain niya ang pizza na dala nito habang nanunuod ng isang movie.

"Zyline, what's wrong?" Tanong ni Bobbie nang umupo sa tabi ko. Nagdala din siya ng juice at baso.

She looked at her friend lazily and sighed wearily.

"Hunter Ezekiel Dela Cruz."

Iyon naman talaga ang mali. Si Hunter. Mali na pumasok ito sa buhay niya. Mali na naaapektuhan siya nito. Maling-mali!

"Oh, what is your problem with that hunk?" Bobbie asked her with excitement. She looked at him with amusement. Tumingin naman sakanya si Bobbie bago nagkibit ng balikat at ngumiti. "What?" He asked again. "He's really a hunk, isn't he?" Halata namang kinikilig si Bobbie kay Hunter.

Napailing nalang si Zyline. "He's a pain in the ass." Ani niya bago muling kumagat sa hawak na pizza. "Nakakainis siya. Ang yabang yabang niya. Feeling niya lahat ng babae magkakagusto sakanya."

"He has all the right to show off, my dear Zyline. I've met him and he's drop dead gorgeous, I must say. Ang bad boy ng dating pero parang gugustuhin mong makasama siya at maging bad girl niya." Ani Bobbie bago kumuha ng pizza at tumingin sa akin. "And... he's asking me about you." He grinned at me.

Agad namang napatuwid ng upo si Zyline at humarap kay Bobbie. "He asked you about me? What did he say? Anong tinanong niya? Anong sabi mo?" She asked Bobbie excitedly. Ano kayang itinanong ng binata tungkol sakanya? Kaya ba sila nagmeeting kahapon? Siya ang pinag-usapan nila? "Ano?" Hinawakan ko ang braso niya at hinila-hila.

"OA ka, sis!" Pinalo nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "He just asked me if I know you, I said yes. 'Yon!"

Bigla'y parang nanlumo si Zyline. Kinuha nalang niya ulit ang pizza slice bago kumain. Zy scoffed as she picked another pizza slice.

"He's the brother of our client, right? Si Mika..." tanong ni Bobbie sa akin. Tumango ako. "Since I researched about them, nakilala ko at naalala ko 'yon. Siya din ba ang sinasabi mong nakikialam sa project mo ngayon, right?" Tanong ulit ni Bobbie sa akin.

Tumango si Zyline sa kaibigan.

"Hayaan mo na siyang makialam, sis! Gwapo naman, eh." Nagniningning sa saya ang mata ni Bobbie habang nagsasalita. "Malay mo, siya na pala ang matagal mo ng hinahanap!"

Hindi mapigilan ni Zyline mapasimangot. "Hindi ako naghahanap!" Asik niya sa kaibigan.

"Whatever, Zyline." Natatawang sabi ni Bobbie bago siya inakbayan. "Zyline Cerise Dela Cruz. Hindi na masama, sis." Ani Bobbie kaya naman siniko niya ito ng malakas.

Matapos silang mananghalian ng pagkain na dala ni Bobbie ay nagyaya itong lumabas sila kaya naman basta nalang siyang kumuha ng damit at sumama dito. Halos isumpa naman siya ni Bobbie nang makitang sleeveless ang suot niya at napaka-iksing short.

Wala namang kaso sakanya ang pagsusuot ng mga revealing na damit bilang nagmomodel din naman siya, na-try na niya ang nude, pero maipagmamalaki naman niyang kahit ganoon, nananatili siyang virgin.

May alam din siya sa self-defense pero kapag nandyan na ang panganib, basta nalang siyang nanghihina gaya ng nangyari noon sakanila ni Hunter.

Hay Zyline... ayan ka na naman.

Nagpunta silang dalawa ni Bobbie sa mall para magtingin-tingin ng mga furnitures na pwede nilang magamit. Sinabi niya kay Mika na sa ibang bansa sila bibili ng gamit para sa condo nito noong nakaraan pero tumanggi ito. She said it's better kung dito nalang bibili. Good thing's Mikaela's not that picky. Pinilit niya lang talaga na strawberry ang theme ng kwarto niya.

Hunter's Temptation Where stories live. Discover now