My Scary Girl 02.1

Start from the beginning
                                    

Nakangiting bumalik si Mama sa dining. Para siyang baliw.

"Bakit sino yun?", tanong ni Papa.

"You'll be surprise Samara."

"Bakit sino yun, Mama?"

"Si Aljun!"

Muntik ko nang malunok yung kutsara sa sobrang surprise.

"Ha!! Bakit daw po?!"

"He's inviting you to tour the subdivision..Aren't you happy, Samara.? May kaibigan kana besides kay Alona..."

"Mama naman..Alam niyo namang -----------------"

"Enough for that Samara...! Give yourself a break..Magsaya ka habang bata ka pa...", si Papa.

Pag si Papa na ang nag-uutos tiklop talaga ako sa kanya.

"Go..Bilisan mo ang pagkain. Nasa salas si Aljun and he's waiting for you..", sabi ni Mama.

Pagkatapos kong kumain pumunta ako sa salas. Andun nga si Aljun. He smiled at me.

"Hi..I want you to tour with me sa subdivision..", sabi niya.

"Ano kasi---------------"

"Sasama siya sa iyo Aljun..", biglang singit ni Mama.

Pinandilatan ko si Mama.

Masyadong mabait si Aljun. Ayokong masaktan siya sa huli kung magkakagusto siya sa akin. Ayokong pagsisihan sa huli ang lahat..Ayokong masaktan...

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

"San ba tayo pupunta?", tanong ko.

"Alam mo..Maganda ang park dito..Punta tayo dun.."

"Ikaw bahala..", sabi ko na lang.

Ayokong ilapit ang sarili ko sa kanya...

Kaya nga ako nagpapaka-weird para layuan ng mga tao..Pero bakit iba si Aljun???

Bakit lalo siyang lumalapit sa akin imbes na layuan niya ako.....

----------------------------==============================--------------==============----------------

My Scary Girl (Finished)Where stories live. Discover now