Ang kamay niyang nasa hita ko ay unti unti ding gumalaw pataas. Kahit na nakasuot ako ng pantalon, nararamdaman ko pa rin kung gaano kainit ang kanyang haplos.

Pinigilan ko ang kamay niyang naglakabay na sa gitna ng aking hita. Minulat ko ang mga mata ko, tumigil siya sa paghalik. Lumayo siya sa akin. Binawi na din niya ang kanyang kamay.

"Why?" Tanong niya. Umiling ako. Kinagat ko ang aking labi dahil sa kabang nararamdaman. Natatakot ako sa kanya. Natatakot ako dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang tumatakbo sa isip niya. Natatakot ako dahil alam ko na habang ginagawa niya ito, ibang babae ang nasa isip niya. Natatakot ako sa lahat ng nangyayari. Natatakot ako para sa sarili ko.

"Wag ka ngang umasta na parang virgin ka pa.." Napayuko ako sa kanyang sinabi. Ang sakit. Gusto ko na lang bumaba sa kanyang sasakyan. Sanay ako na minsan ay kinuktya ng ibang tao. Pero ang mga salita ni Victor, nakakapanghina. Tumatagos sa aking puso.

"Sorry.." Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Ako na nga ang ininsulto niya pero ako pa rin ang humingi ng tawad.

"Tss.." Singhal niya. "Sige, bumalik ka na sa trabaho mo."

Hindi na ako nagsalita. Bumaba na ako sa kanyang sasakyan at pumasok na ulit sa bar. Pinigilan ko ang aking mga luha sa pagpatak. Hindi dapat ako umiiyak. Pinasok ko to, eh. Bakit ko iiyakan? Ginusto ko din naman ito. Bahala na kung ano pa ang mga maaaring mangyari sa susunod na araw.

Bumalik ako sa loob na tila walang nangyari. Normal lang ang lahat. Hindi ko ipinahalata kay Fin o kahit na kanino ang kalungkutan na nararamdaman ko. Ngumiti na lang ako para takpan ang sakit.

"Ria! May nakatingin sayo. Nandun siya sa counter." Kalabit sa akin ni Fin habang naghihintay kami sa gilid ng mga customer na mag oorder pa.

Nilingon ko ang tinutukoy niya. Hindi ako sigurado kung dito ba siya nakatingin, pero ngumiti siya nang mahagip ko. Kumaway pa siya. Iniisip ko na baka nakatingin talaga siya sa mesa na nasa harapan namin. Puro babae kasi ang mga nandito. Baka natitipuhan niya ang isa sa mga ito.

"Hindi siya dito nakatingin.." Sambit ko. "Sa kanila, oh." Turo ko sa mga babaeng nasa harap namin. Busy sila sa pagtatawanan.

"Sayo kaya!" Pilit niya. "Lapitan mo, te! Mas gwapo kay Papa V.." Asar pa niya at kinurot ang aking tagiliran.

"Ano ba... hindi kaya.." Tinapik ko ang kamay niyang kumurot sa akin. Humagikgik naman siya at hindi pa rin nag paawat sa pagsasalita.

"Naku, te! Mas maganda ka kaya sa mga babaeng ya.." Bulong niya.

"Tsk! Tigilan mo nga ako Delfin.."

Napatingin ako sa lalaking nasa counter nang bigla siyang tumayo. Hindi ko talaga alam kung saan siya nakatingin. Kung sa amin ba talaga o sa mga babaeng nasa harapan namin. Tumili pa si Fin dahil sa pagtayo ng lalaki.

"Ayan na..." Kantyaw niya sa akin. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang ginawa. Binaling ko na lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Hindi naman yan lalapit sa amin. Hindi...

"Hi, miss." Natigilan ako sa pag iisp nang magsalita ang lalaki sa tapat ko. Si Fin naman ay masyadong halata. Kinagat niya ang kanyang labi na tila ba nanggigigil sa nangyayari.

Tinignan ko na lang nag lalaking nagsalita. "Order po kayo?" Tanong ko. Nagbabakasakaling yun ang pakay niya sa kanyang paglapit.

Natawa siya sa aking sinabi. Lumitaw tuloy ang kanyang dimple. Maputi at pantay pantay ang kanyang mga ngipin. Pwede siya sa commercial ng isang toothpaste. Singkit ang kanyang mga mata. Ang buhok naman niya ay kagaya ng kay Victor, magulo ito. Parang hindi sinusuklayan.

"Uh, hi ulit, Miss..." Sinilip niya ang nameplate ko na nadikit sa kanang dibdib ko. "Aria.." Inilahad niya ang kanyang kamay. "I'm King.."

Tinanggap ko ang kanyang kamay. Customer siya, may patakaran kami na bawal bastusin ang bawat customer namin. Kahit na ano pang sabihin nila, o gawin nila, sila pa rin ang tama. Nagbabayad sila dito, sila ang nagpapasweldo sa amin.

Nilingon ko ang katabi ko nang magbitiw kami ng kamay ni King. Wala na si Fin sa tabi ko. Hindi ko na mahagilap kung nasaan siya. Lagot sa akin ang isang yun mamaya. Hindi ko na namalayan ang pag alis niya.

Tumabi sa akin si King. Hindi ko na siya binalingan ng tingin. Batid ko ang pagtitig niya sa akin. Sana ay may customer na umorder para makaalis na ako dito. Ayoko lang maging bastos, kaya hindi ako umaalis.

"Gusto mo bang magcoffee mamaya?" Tanong niya.

"Hindi po, sir." Iling ko. Hindi pa rin siyan tintignan.

Mabuti na lang at may customer na tumawag sa akin. Napaluwag ang paghinga ko dahil makakatas na ako.

"Excuse me po, sir." Paalam ko kay King bago umalis. Tumango lamang siya sa akin.

Hindi ko na nakita sa loob ng bar si King hanggang sa matapis ang trabaho ko.

"Hoy, Delfin! Iniwan mo ako kanina! Nakakainis ka.." Reklamo ko habang binubuksan ang aking locker.

"Sus! Para magka moment kayo ni Mr. Chinito.." Tawa niya. Napa iling na lang ako. Kinuha ko ang aking mga damit para makapagbihis na.

Habang naglalakad kami palabas ay panay prin ang kulit sa akin ni Fin kung ano nga ba ang pinag usapan namin ni King. Wala naman akong naisagot. Hindi naman kasi talaga kami nagnusap, eh. Kaya ano ang ikukwento ko?

"Hmp! Di bale, magkikita pa kayo bukas! Nafifeel ko.." Sabi niya.

"Ewan sayo." Iling ko, natatawa. "Sige na, sakay ka na!" Tinulak ko siya nang may jeep na tumigil patungo sa kanila. Agad naman siyang sumakay. Kumaway pa siya sa bintana hanggang sa makaalis na ang jeep.

"Kanino ka makikipagkita bukas?" Napahawak ako sa aking dibdib nang may magsalita sa likuran ko. Napaikot agad ako. Bumungad na naman sa akin ang malalamig na titig niya. Ang mga mata ni Victor.

"Uh... wala. Binibiro lang-"

Hinawakan niya bigla ang aking braso. Sobrang higpit ng kanyang hawak. Mahina akong napadaing dahil sa sakit. "Wag mo akong susubukan, Ria." Galit niyang sabi.

"Binibiro lang talaga ako ng kaibigan ko. Hindi naman ako... makikipagkita kahit kanino." Depensa ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Agad naman niya itong binitawan na tila ba napaso siya sa aking balat. Tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo.

**
-Kerbs

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Where stories live. Discover now