"Hindi ko naman yun.... gagawin sa iba."

"Good." Tango nya. "So... are you taking pill or something?"

"Hindi." Iling ko. "Hindi ako gumagamit ng ganun."

"Kailangan mo ng ganun ngayon. Don't worry, ako ng bahala dyan. Ipapacheck up din kita..." Inabot niya sa akin ang kaynang cellphone. "Give me your number. Para matext kita kung kailan."

Kinuha ko na ang cellphone niya para i save ang aking number. "I'll text or call you. Gusto ko ay agad kang magrereply sa mga text ko. Oh kaya naman ay agad mong sagutin ang mga tawag ko." Utos niya. Tumango na lang ako at ibinalik na ang kanyang cellphone.

Binaling ko ang tingin ko sa kabilang mesa na malapit sa amin. Parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang isang pamilya na sobrang saya. Batid ko sa mga mata ng batang babae ang kasiyahan niya dahil kasama niya ang kanyang mga magulang. Nag iwas na lang agad ako ng tingin. Naiinggit ako.

"You're not listening.." Napabalik ang tingin ko kay Victor dahil sa kanyang sinabi. "Tinatanong kita kung may naging boyfriend ka na ba o kung may boyfriend ka ngayon.." Ayan na naman ang galit na mukha niya.

"Wala... wala pa akong nagiging boyfriend."

"Really?" Tumaas ang kilay niya na para bang hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. "Kahit isa?"

"Oo.." Sagot ko.

"First kiss, wala din?" Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa mesa.

"Wala din..."

"Really?" Tumayo siya at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa kaya napasandal ako. Mabuti na lang ay may mesang namamagitan sa amin. "I am your first kiss.." Malamig na sabi niya. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa kanyang sinabi. Oo nga pala, nahalikan na niya ako. Kaya siya ang first kiss ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan ang mapula niyang labi. Para bang inaakit ako nito.

Natigilan ako sa pag iisip nang bigla niya ako hinila patayo. Nag iwan siya ng pera sa mesa namin pagkatapos ay lumabas na kami ng coffee shop. Nagkata ako sa kanyang ginawa. Ano ang problema niya? Bakit niya ako hinila? Ni hindi pa nga namin nagagalaw yung kape na inorder niya. Sayang lang ang kanyang pera!

Dinala niya ako sa parking lot ng bar na pinagtatrabahuan ko. May hinugot siya sa kanyang bulsa, isang susi. May pinindot siya, at halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang sasakyan na nasa harapan namin.

Binuksan niya ang pintuan sa may likuran at pinapasok ako dun. Sumunod naman agad siya sa akin at mabilis na sinara ang pintuan. Bumilis ang kabog ng dibdib ko lalo na ng lingunin niya na naman ako gamit ang malamig niyang titig.

"Uhmm..." Nilaro ko ang aking mga daliri.

Hinawakan niya bigla ang hita ko. Hindi napuputol ang aming tinginan. Gusto kong umiwas, hindi ko magawa. Parang may magnet ang mga mata niya kaya hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. Umurong naman ako ng umurong hanggang sa nakasandal na ako sa pintuan. "Sir..." Lumiit na ata ang aking boses dahil sa kabang nararamdaman.

Umakyat isang kamay niya sa aking batok. Hindi ko na nagawa pang magprotesta dahil mabilis niyang idinikit ang kanyang labi sa aking labi. Bukas ang mga mata niya, malamig pa rin ang mga ito. Walang pagbabago. Walang emosyon.

Napapikit na lang ako nang mag umpisang gumalaw ang kanyang labi. Ako naman ay tila nanigas sa aking kinauupuan. Hindi ko alm kung susuklian ko ba ang kanyang halik o mananatili na lang sa ganito.

Sweetest Lie #Wattys2016 Winner (#2)Where stories live. Discover now