Chapter 9

737 11 6
                                    

Naalimpungatan ako sa sakit ng ulo. Umatake na ang hangover, badtrip. Ang sikip-sikip ng utak ko, parang namamaga.

Gusto ko ng tubig. Malamig na malamig na tubig. Natutuyot na lalamunan ko.

Teka, ba't parang ang dilim ata? Asan ako?

Pinilit kong i-focus ang mata ko kahit di pa ko totally gising. Gusto pa ng katawan ko mamahinga, pero di ko matiis ang sobrang pagka-uhaw. Pakirot na ng pakirot ang ulo ko. Mabilis ang pintig sa sentido, senyales na sumobra na nga ako sa alkohol. Paksyet na hangover.

Ano na ba nangyari kagabi?

Malamang, basag ka. Nalasing. Di mo na maalala kung gaano karaming alak tinira mo, di ba? Basag ka kasi.

Nasa tent ako, confirm. Kaya pala walang hangin. Paano ko napunta dito?

Bumangon ako. Tumingin-tingin sa paligid. Nasa kaliwa ko pala si Ada, katabi si Nina at Emily na halos magkasabay humihilik. Sarap picture-an ang bunganga. Mamaya ko na nga lang poproblemahin kung pano ko napunta dito. Kelangan ko talaga ng tubig.

Matapos makapa ang cellphone na safe sa bulsa, dahan-dahan akong lumabas ng tent. Muntik pa ko ma-out of balance, tsk tsk tsk. May text galing kay Tunyang at July. DAHAN-DAHAN S ALAK. GUDNYT. Na-received ko ng 10:42 PM yung kay Tunyang. EI, MUSTA N? Text naman July, 11:31 PM. Di ko na napansin. Baka nga tulog na ko. Madilim-dilim pa ang paligid. 4:48 AM pa lang. Maya-maya sisilip na si haring araw. Nag-unat-unat muna saka nagpalabas ng mahabang hikab. Hindi maganda ang amoy. Sandaling tumingala. Sarap tumitig sa kalawakan. Dami pa ring stars.

Naalala ko na kagabi. Magkausap nga pala kami ni Lyla. Tumabi siya sa'ken nung nakahiga ako. Pareho na kaming nage-enjoy sa view ng kalawakan. Tapos yun nga, magkikita daw kami sa Sabado. Ewan kung pano. Bahala na.

Wala pa rin akong idea kung pano ko napunta sa tent.

Naglakad-lakad ako. Kelangang mahanap ang cooler. Baka may natira pang yelo. Sana nga. Sana nga. Pati tubig.

May baga pa rin ang naiwang bonfire. Saka ko lang din napansin yung ibang mga kasama ko na halos magkakatabi ang pinuwestuhan. Lahat sila nakasalampak sa buhanginan, talo-talo na sa banig at kumot. Parang eksena sa evacuation center. Altenate naman ang paghilik-hilik nila, medyo comedy pakinggan. Tatlong maliliit na tent naman ang nasa likod ng pwesto namin. May ilang mga taong gising pa (o kakagising lang din) sa di kalayuan, at mukhang di pa rin tapos ang inuman session. Matira matibay.

San kaya natulog si Lyla?

Ako pa lang ata gising. Wala akong maaninag na kasama kong gising na, o gising pa rin mula kagabi. Di ko na rin alam kung anong oras sila natapos. Marami-rami ang baon naming alak. Kung tinapos nila yun, paniguradong late na sila natapos.

Nakita ko rin ang cooler. May mga bote, plastic cup at tira-tirang pulutan pang nakapatong. Dinampot ko ang walang lamang baso saka inamoy-amoy. Puwede na, kahit medyo amoy juice. Mabilisan kong inalis ang mga nakapatong sa cooler saka binuksan. Jackpot, may mga survivor pang yelo. At madami-dami pa. May tatlong bote pa ng Red Horse, parang tinutukso akong inumin sila.

Pakyu, masakit na ulo ko.

Nilagyan ng yelo ang baso, sumalok ng tubig sa mineral water na nakapatong sa case ng beer hanggang sa mapuno. Sandaling inalog-alog ang baso, saka ko ini-straight ang laman. Ang sarap. Umangat ang lamig sa utak ko. Maubo-ubo pa ko sa lamig, pero ayos lang. Medyo binugaw ang nagwawalang singaw ng alkohol. Naka-apat na ulit ako bago ko na-satisfied. Medyo um-okey ang pakiramdam ko. May ilang butil ng pawis ang kumawala sa noo. Maya-maya, nadighay ako. Amoy alak pa rin. Saka ako nakaramdam ng gutom. Nak ng teteng. Pero kaya ko pang tiisin. Mahirap maghalungkat ng pagkain ng gantong oras. Baka magkamali ako ng damputin, mahirap na.

Ang Babae sa Kabilang UpuanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon