Chapter 26

532 9 1
                                    

Nagpatawag ng meeting yung visor namin, nabasa ko lang sa e-mail kanina pagka-time in ko. Alas otso daw. 7:56 PM na, so may ilang minuto pa ko para mag-ipon ng oxygen at magmuni-muni. Kala ko male-late na naman ako. Kaya pala wala yung mga kasama ko kanina pagkadating ko, kala ko tuloy walang pasok. Walang nakalagay na agenda. Bibihira magpatawag ng meeting ang visor namin, unless may problema sa team o may magaganap na pagbabago. Yung huling meeting namin tungkol sa 'pagbabago', hindi maganda. Kaya pag gantong may biglaang meeting, kinakabahan ako. Wala pa man, napapaisip na ko.

Pagdating sa meeting room, sinalubong ako ng mga matang nagtatanong at ngiting parang may kulangot ako sa ilong. Ako na lang pala ang inaantay, lahat sila nandito na. Usapan alas otso, sakto ako. Kaya hindi sila puwede magreklamo. Pumasok na rin pala si Tunyang na medyo natatawa sa'ken.

Bati na nga kaya kami? Tinatawanan na ko e? Tangina baka nga may kulangot ako a!

Pasimpleng sinundot-sundot ang ilong. Clear. Buti naman.

"Okey, so let's start since kumpleto na tayo," si Ma'am Glenda habang inaayos ang projector. Wala sa mood ang mukha pati boses. Anong araw ba ngayon? Huwebes? A, oo nga. May meeting nga pala ang mga boss tuwing Huwebes. Either uminit ang ulo nito sa meeting nila, o nasabon. Tsk tsk tsk, kawawa naman ang team namin. Baka kami pa ang bagsakan ng galit mula sa langit. Kapit lang Juan, Biyernes na rin bukas. "But before I proceed to our main agenda, gusto ko lang malaman niyo MUNA, na nagpasa na ng resignation letter si Ms. Tony last Monday. So sa mga nakakaalam na, for sure na hindi na 'to bago sa inyo. Sa mga hindi pa, now you know..."

Teka, tama ba narinig ko? Resign na si Tunyang?

Napatingin ang lahat kay Tunyang na nakayuko lang at pilit ngumingiti. Umingay bahagya ang buong meeting room:

"Bakit ka nag-resign?"

"Sa'n ka lilipat?"

"Hanggang kelan ka na lang?"

Mga tanong na hindi na bago sa pandinig ko tuwing may aalis. At bakit nga ba?

Mahirap sagutin ang tanong na BAKIT. Sa lahat ng naimbentong tanong, BAKIT ang kaisa-isang tanong sa buhay ng tao na pinakamahirap sagutin, masakit sa ulo at nakakaubos ng IQ. Subok na yan, kahit nung high school pa lang ako.

Takdang-aralin:

1. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga bagay na nagpapagulo sa love life mo? Bakit? Isulat ng hindi bababa sa 500 words.

Pag nakipag-break sa'yo ang dyowa mo, may afterschock yan na may halong pagtataka at 1.5 seconds na stun. Hindi man bumubuka ang bibig mo, naka-repeat one na ang tanong na 'bakit' sa utak mo habang automatic kang lumuluha at nagiisip ng mga bagay, kung may pagkakamali ka ba o nagawang mali. Automatic yan tuwing break up. Kasunod lagi ang tanong na 'bakit'. At kasunod din nun ang katakot-takot na explanation. Pero ang mas masakit, minsan walang sagot. Basta ganun lang. Yun lang.

Bakit ka kumakain? Kasi gutom ka. Bakit ka napagod? Kasi nagpagod ka. Bakit ka humihinga? Utos ng lungs. At bakit ka nag-iisip? Obligasyon ng tao.

Naikwento nga sa'ken dati ng katrabaho kong graduate ng Psychology na bawal daw tanungin ng bakit ang mga pasyente sa mga mental hospital. Parte kasi yung ng thesis nila, pero hindi na niya sinabi kung ano ang topic. Basta't sinabihan lang sila ng mga doktor at nurse doon na 'wag na 'wag tatanungin ang mga pasyente na nagsisimula sa bakit. Siyempre naintriga. Bakit kaya? Pero ako na rin nakasagot sa sarili kong tanong. Sa utak ko na lang sinagot. Na-gets ko naman na.

Ang Babae sa Kabilang UpuanWhere stories live. Discover now