Swipe Right

9 1 0
                                        

Haay... May mga araw talaga na parang wala kang makapitan. Tahimik sa group chat, walang ganap, walang lakad, walang kahit ano. Ako na naman mag-isa dito sa apartment—kaluskos lang ng Aircon at notification ng mga delivery apps ang kasama ko. Gusto ko lang ng kausap, ng may makasama. Pero minsan kahit may kausap ka, parang lalo ka lang napapagod.

May dating app ako. Meron. Pero ewan, tinatamad na rin ako makipag-chat. Lalo na pag puro pa-cute, puro pick-up lines na paulit-ulit. Yung iba, kunwari hanap long-term, pero ang totoo, katawan lang ang habol. Ang hirap maging totoo, 'no? Hirap bang sabihin nang diretsahan kung ano talaga hanap mo?

Pero sige, minsan kailangan mo rin bigyan ng chance. Baka sakali. Kaya eto ako, balik swipe. Swipe left. Swipe left ulit. Swipe. Swipe. Swipe. Diyos ko, hindi ko naman sila pinepersonal pero... hindi talaga pasok sa type ko. Ayoko maging mean, pero Lord, give me a reason to keep swiping!

At ayun. May isang profile na medyo tumigil ako. Hmmm. Pwede na. May eroplano sa likod ng picture niya—pilot? O baka aircraft mechanic? O baka nagpapanggap lang? Haha. Pero sige, bigyan ng chance. Swipe right.

Bigla: "It's a match!"
Uy, may potential.

Bigla nag notif "Kennard sent a message" Pero hindi pa ako nakaka-reply sa kanya, biglang ringggg—tumatawag sina Kandall at Alexandra. Anong meron?

Pagka-sagot ko pa lang, bungad na agad ni Alexandra: "Namimiss ko na si Drew..."
Hay naku.

Eto na naman kami. Si Drew na naman. Yung lalaking nanira sa puso niya at binastos pa ang nanay niya, ngayon, gusto pa ring balikan? Iba talaga magmahal 'tong mga tropa ko. Kapag sineryoso namin, buhos lahat. Kahit nasasaktan na, kahit lumulunok ng pride at dignidad—kaya para sa pagmamahal?

Alexandra:
Friend, tingin mo i-chat ko siya...?

Kandall:
GO FRIEND! Gawin mo ang gusto ng puso mo! 

Ekaviera:
Hay naku! Ano ba kayo?! Nagkakampihan pa ang mga tanga. Alam mo, beh, tuwing namimiss mo si Drew, alalahanin mo nalang kung paano niya binastos si Mama mo. Know your worth, bestie. 😤

Alexandra:
Miss ko lang naman si Drew... 😢
Pero hindi ko siya babalikan, promise. Hindi na ako maghahabol. Don't worry!

Ekaviera:
Dapat lang, uy! Naiinis na 'ko sayo minsan eh! Hindi mo iniisip yung mga ginawa niya.
Ang dami-daming lalaki d'yan sa mundo, ba't sa basura ka pa kumakalkal?! 

Kandall:
Guys, chill.
Lunukin na lang natin yung mga decisions ng isa't isa. Mag-advise tayo, oo, pero in the end, kanya-kanyang learnings 'yan.
Eka, nilunok ni Alex yung mga wrong choices mo noon.
Alex, nilunok ni Eka yung pagkatanga mo kay Drew, Shan, Paul, at madami pa
Wag na tayong magalit sa katangahan ng isa't isa.
Magpaka-supportive nalang tayo, okay? 

Ekaviera:
Sige na nga. Bahala na.
Basta wag tayong maghahabol, okay?
The more tayo naghahabol, the more tayong hindi nila gusto.
Let's not make ourselves look desperate. Queen behavior only. 

Kandall:
Correct!

Alexandra:
Okay... huhu 🥺

Pagkatapos ng ilang minutong usapang puno ng katangahan at tough love, nag-end din ang tawag namin ng tropa. Tahimik ulit ang paligid. Back to reality. Back to being single, emotionally hungry, and overthinking.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boys Eventually Break Us (B.E.B.U)Stories to obsess over. Discover now