[39] Tonight, I've fallen. And I can't get up.

Start from the beginning
                                    

Nagsitayuan na sila Ruselle, Regine, Jess, Sol at Cory ngunit hindi ako gumalaw sa aking upuan. Naiwan na lang tuloy kami ni Grey dito. Naalala ko kasi ang bilin sa akin ni Sage kanina. Huwag kang aalis dito. Baka naman parating na yon.

“Let’s dance?” Alok ni Grey.

Tinignan ko ito ng mabilis. “Ikaw na lang.”

“Tss. Eto oh, uminom ka muna. Baka nauuhaw ka na.” May inabot siya sa akin na baso.

“I don’t drink.” I said. Tulad nga ng sabi ni Sage, don’t drink.

Tumawa ito at ini-insist yung drink na binibigay niya. “C’mon ano ka ba? Juice lang to no. Muka ka namang hindi umiinom kaya ito na lang kinuha ko sayo.” 

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw nila Jessica, nakuha pa niya akong tignan ng masama at bigyan ng ‘kunin-at-inumin-mo’ look. Hay nako talaga tong mga to! Ano bang meron kay Grey at muka silang baliw na baliw sa lalaking ito? (-.-’)  

“Sige na, inumin mo na. Aalis rin ako after.”

“Hay. Okay, fine.” I gave up. Kinuha ko ang drink at diretsong ininom yon. Sabi niya aalis na daw siya kung inumin ko iyon, so I did. Binalik ko na sa kanya ang baso sa kanya para hindi na mangulit. “Osha, umalis ka na dito.”

“Okay, sure.” Ngi-ngising ipinatong ni Grey ang baso sa table ngunit hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Anong problema nito? Tss.

“Oh, bakit hindi ka pa umaa—argh.” Napatigil ako sa pagsasalita kasi parang may gumuhit sa lalamunan ko at parang bigla na lang umikot ang paningin ko.

“Nagbago na pala ang isip ko. Hindi na ako aalis.” Sabi nito ng nakangisi at mas lalo pang lumapit sa tabi ko na halos hindi na uso ang space saming dalawa.

“Ano ba!” Kahit na umiikot ang paningin ko, aware pa rin ako sa ginagawa ni Grey. Dinapo niya ang kamay niya sa hita ko at pilit ko naman iyong inaalis kahit na nahihilo na ako. 

“Haha. Idiot. Naniwala ka naman sa akin na juice ang ininom mo? You drank 40 proof liquor that’s why it effect you in one shot.” 

Tinanggal niya ang jacket ni Sage na suot ko and he starts to kiss my neck. Sheet. Naalala ko ang huling sinabi sa akin ni Sage, don’t removed my jacket. Kahit na ibalik ko iyon, lagi lang niyang tinatanggal. I tried pushing him away kaso lang sobrang nahihilo ako at nanghihina. Umiikot na ang paningin ko. I can’t even ask for help kasi parang nawalan ako bigla ng boses. There are only tiny voices that came out from my mouth tsaka sobrang maingay sa bar na to kaya kahit na anong pilit kong ipagtulakan siya, wala akong magawa. 

“Stop it.. please. Sage.. help me..” I tried calling Sage for help. Kaso wala talaga siya. Kinain na ba siya ng inidoro dun? I really need him right now. 

Feeling ko wala na akong magagawa sa isang to. Hindi na talaga ako makakil—

*BOOGSHH* 

The next thing I knew, biglang nawala si Grey sa tabi ko. I tried to open my eyes at tignan kung sino ang anghel na tumulong sa akin. Medyo blurred nga lang kaya hindi ko agad napansin.

SAGE? ISDATYOU? (-__-’)

“You better know how to respect a girl, dude.” And with that he dragged me palabas ng Neverland at dire-diretsong nagpunta sa Parking Lot. 

“Hey! Ano ba? Let me go!” Pinilit kong tanggalin ang pagkaka-hawak niya sa wrist ko. Feeling ko bumakat na yung kamay niya sa balat ko e. Alam kong sinave ako ni Sage sa chonggong yun pero huwag naman sana niya akong saktan no.

Bizarre Love SquareWhere stories live. Discover now