PROLOGUE
Evicted and Unlucky
Naranasan mo na bang maging malas buong buhay mo? Yung tipong pagod kana sa kakaisip ng mga problemang patong-patong tapos sasasalubungin kapa ng kamalasan. Oh fvck! This feeling svcks my brain!
Nandito ako ngayon sa labas ng paupahang apartment. Tanginang buhay 'to! Hindi lang nakapagbayad agad dahil hindi pa nakakasweldo sa gig ko, pinalayas ba naman agad ako! Hinagis pa nga ng kahera nito ang gitara ko na muntikan nang masira, kapag talaga nasira 'to isasampal ko 'to sa pagmumukha niya, mas mahal pa kaya 'to sa kaniya. Argh!! Saan ako ngayon tutuloy!?
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa-lowbat na rin. Hinanap ko sa contacts si Josh, kaibigan ko, at tinawagan siya.
Si Josh pala ang matalik kong kaibigan. Halos sampung taon na kaming magkaibigan. Siya rin ang una kong nakilala pagdating ko rito sa Maynila.
Hindi nagtaggal sinagot niya ang tawag.
"Hmmmm." halinghing nito sa kabilang linya, halatang kagigising lang nito mula sa pagkakatulog.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Kailangan ko ng tulong, pinalayas na ako ng landlord dito sa pinapaupahan niyang apartment. "
Oh fvck! Are you okay? Wait there, I'll pick you up!" sambit niya. Alam kong nag-alala siya dahil sa tono ng boses niya, pero hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin at pinatay ko na lang ang tawag.
Gan'to kami mag-usap ni Josh-kulang na lang bilangin namin ang mga salitang lumalabas sa bibig namin. At kapag sumobra, parang bawal na. Crazy, right?
Halos thirty minutes rin ang paghihintay ko bago ko makita ang papalapit na Porsche na kotse nito. Wow yaman! Sana lahat.
Huminto siya sa harap ko at bumaba. Nakasuot siya ng puting sando at black pants. Bakat na bakat ang nakaumbok sa pants niya. Napalunok ako ng laway. Lord, patawarin niyo po ako huhu.
Napabalik ako sa aking huwisyo nang makita ko ang ngisi nito sa labi.
"Sanchez, agang-aga pinagpapantasyaan mo nanaman ang umbok ko. "
Naibato ko ang hawak-hawak kong wallet rito, ngunit mas mabilis pa sa alas kwarto na nasalo nito ang wallet. Tangina! Halata ba ako masyado?
"Biro lang, hindi ka naman mabiro. " sambit nito kasabay ng nakakagigil na halakhak nito. Hindi ko alam pero ang halakhak nito ay parang musika sa aking tainga. Nakakainis.
"Dalhin mo ako sa sinasabi mong naghahanap ng roommate, I need a room for myself." walang kaemosyon-mosyong sambit ko rito at pumasok sa shotgun seat.
"Hoy! Pa'no 'tong mga gamit mo!? " nagtatakang tanong nito.
"Sa tingin mo anong gagamitin kong damit kapag wala 'yan? Lagay mo sa likod ng kotse mo! Yung gitara ko ingatan mo." Nakakainis na talaga 'tong lalaking 'to, minsan nagdududa ako kung bakit naging kaibigan ko pa 'to mokong na ito.
"Pwede ko naman 'to bilhan ng bago, marami kaya akong pera. " Rinig ko pa ang pahabol nito, bago nagsimulang buhatin ang aking mga gamit.
Ilang sandali pa, pumasok na ito sa kotse at banayad nitong inukyupa ang driver seat. Kitang-kita ko ngayon ang butil ng pawis sa noo at sa braso nito.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pants ko at inabot ito sa kaniya. Kitang-kita ko ang psgtataka nito sa kaniyang mukha.
"Para sa pawis mo!" iritado kong sambit rito.
YOU ARE READING
Shared rent, Shared heart (BXB) (Ongoing)
ActionWhen two people who couldn't be more different share a city apartment to save money, sparks do fly... but nothing like what you'd imagine. They disagree about dishes, loud music, and the clutter that never seems to go away. But in between the small...
