Hindi ko kasi siya sinipot sa ocean park. Sorry siya, hindi ko siya trip. Once is enough ang motto ko sa buhay.

At tama nga ang hinala ko. Naglalakad na pabalik si Apa habang nasa likuran niya si LWB.

"Hi Tito!" bati niya kay Papa na halatang nagulat.

"Ian?" shocked na tanong ni Papa. "Anong ginagawa mo dito?"

"Ah, gusto ko pong makausap si Pamela" sabi niya.

Nagtatakang napatingin sakin si Papa samantalang tinutulak na ko ng walanghiyang apa palapit kay LWB.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garden alam ko namang susunod siya, common sense na lang yun kaya hindi na kailangang sabihin.

"Bakit hindi ka dumating? I've  waited for you for two long hours" sabi niya.

"Ayoko ng naaaksaya ang oras ko" sabi ko.

"Gumanti ka lang e, o well" sabi niya saka nilahad ang kamay "Give me back my phone"

Tinignan ko ang kamay niya at bored na binalik sa mukha niya.

"Wala sakin"

"What?!"

"Wala sakin. Slow ka ba? Narinig mo na kelangan pa talagang ulitin?"

"Damn! Where's my phone then?"

"Malay ko" sagot ko sabay alis sa harap niya.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatingil ako.

No one dares to touch me. Napupunta sa impyerno.

Ready na akong balibagin siya ng sumulpot sa harap ko ang hampaslupang apa.

"Here, bro" inabot niya kay LBW ang iphone. "Pasensya na kung naindyan ka nitong si Pam, nagpasama kasi ako sa mall"

"Ah, okay lang bro, salamat, eto lang naman ang kelangan ko, sige mauna na ko, pakisabi na lang kay tito na nauna na ko" sabi ni LWB saka umalis.

"Baka gusto mo na ding umalis?" tanong ko kay Cone pagkaalis ng sasakyan ni LWB.

"Atat ka naman! Paalis na nga ako. Pero babalik ako bukas, magluluto ulit ako kaya be ready, dadalhin kiya sa heaven!" nakangising aso na sabi
niya.

Kinginamels. May lahi talagang aso ito.

"Wag masyadong mahangin, baka pumutok ka" nasabi ko na lang saka siya tinalikuran at pumasok na ng bahay.

Bakasyon ngayon kaya pwede akong magpuyat. Nagbasa lang ako ng libro hanggang sa antukin ako.

Nagising na lang ako dahil may yumuyugyog sa balikat ko.

"Pam gising!" sigaw ni Yana.

"Ano ba?! Istorbo ka!" sigaw ko din.

"Erm! Bilis maligo ka na, samahan mo ko, pupunta tayo sa tito ko."

"Ayoko nga! Ikaw na lang" sabi ko sabay talukbong.

"Sige na please? Ang layo kasi nun sa Alabang pa, dala ko naman ang kotse ko kung gusto mo ikaw ang magdrive"

"Talaga?"

"Oo, alam na ni Tito, eto na nga yung student driver's license mo e"

Napabangon ako at nakita ko ang lisensya ko kaya naman mabilis akong naligo at nagbihis.

"Yuck Pam! Bat ganyan pa rin ang suot mo? Nakacap ka pa?"

"Walang pakielamanan!"

Lumabas na ko ng kwarto at iniwan siya. Sumakay na ko ng kotse niya at sumunod naman siya.

"Susi?" inabot niya sakin ang susi at inistart ko agad. Mahirap na baka biglang magbago ang isip ni Papa mabuti nang makaalis agad.

Nasa hi-way na kami nang mapansin ko ang oras.

Walanghiya! 5:40 pa lang pala kaya naman pala inaantok pa ko ng sobra! Loko talaga tong si Yanna.

"Coffee you want?" natatawang tanong niya.

"Tsk" niliko ko papunta sa starbucks ang kotse.

Umorder ako ng espresso at blueberry cheese cake at mabilis namin tinapos ang pagkain saka kami bumalik sa kotse.

Nagdadrive na ulit ako.

Pag may kotse na ko hindi na siguro ako tatambay sa bahay, baka makarating akong Palawan. LOL. As if makakatawid ang kotse ng dagat. Kinginang imagination yan.

"Iliko mo na jan! Jan sa puting bahay na blue yung bubong" sabi ni Yani.

After 2 hours nakarating na rin kami.

"Yanna?" bati ng magandang babae.

Mukhang bata pa, siguro girlfriend ng Tito niya. Ang alam ko kasi tatlo lang silang magkakapatid ni tita Britanny.

"Tita Honey! I miss you! Lalo ka pong naganda at bumabata! Grabe, im so inggit!" natawa lang yung tita Honey daw niya.

Conyo talaga tong si Yanna, mana kay Tita Britanny. Dapat nagnama na lang siya sa tatay niya para tahimik lang ang buhay ko. Tss.

"Haha. Talaga? Thanks! Teka, siya na ba si Pam? Pasok nga muna kayo"

Kilala niya ko?

"Naikwento ka kasi sakin nitong si Yanna, ako nga pala si Honey, asawa ng tito ni Yanna, tita na lang ang itawag mo sakin Pam" inabot niya ang kamay niya kaya nakipagshake hands ako.

"Ge po.. Tita" i smiled.

"Astig ng porma mo" sabi niya saka ako hinila papasok ng bahay nila habang si Yanna ay tatawa tawang sumunod samin.

Pinakain niya kami. Siya lang daw mag-isa sa bahay dahil may pasok ang asawa niya at ang mga anak niya ay nagbabakasyon. Nagulat ako ng malaman kong dalawa na pala ang anak niya, hindi kasi halata  parang ambata bata pa niya.

"Ang sarap niyo pong magluto" sabi ko.

Nginitian niya ko saka umiling.

"No, im not the one who prepared that. Asawa ko ang nagluto niyan. Marunong ako, pero ayokong mapahiya sa inyo kaya pinagluto ko muna siya bago siya umalis" natatawang paliwanag ni tita Honey.

Uso pala ngayon sa lalaki ang magaling magluto. Gender equality na talaga ngayon.

Nagkwentuhan lang kami, sabi nga niya nasabi daw ni Yanna na kasama niya akong pupunta kaya kilala na niya ko.

"Nasan po ang panganay niyo? Bakit walang picture?" tanong ko.

Wala kasi kahit isa. Nabanggit din kasi na matanda lang daw samin ni Yanna ng 2 taon.

"Haynaku, yung isang yun mana sa tatay niya na ayaw naeexpose kaya tinago lahat ng picture na may kuha siya. Ewan ko kung saan niya nilagay" naiiling na sabi ni Tita.

"Suplado na makulit, tita, yung ugali po ni insan halo ng ugali niyo ni Tito Great" sabi ni Yani.

"Tumpak! Masyadong bipolar. Hindi mo malaman kung kelan aatakihin ng ugali ng Daddy niya. Haha"

Ang dami pa niyang nakwento. Umuwi na kami kasi medyo malayo din ang QC sa Alabang at natraffic pa kami.

"Thank you bes! O siya, pumasok ka na" sabi ni Yani.

Pagpasok ko sa bahay, naamoy ko agad ang mabangong pagkain kaya tumuloy ako sa kusina at bumungad sakin ang nakaapron na apa. Pfftt. Parang ewan lang.

"So gay" sabi ko dahilan para mapalingon si Cone.

"Matatapos na to, ready ka na bang pumunta sa heaven?" tanong niya habang nakangisi.

"Anong heaven?" singit ni Papa. "Pam, may bisita ka"

Napatingin ako sa likod niya at nakita ko na naman si LWB.

Good To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon