1

399K 5.5K 308
                                    

Big eyeglasses, thick eyebrows, braces and messy hair, iba rin ako manamit, wala sa uso, tapos laging libro ang kaharap, walang kaibigan, well, that's me, ayokong baguhin ang sarili ko, hindi ako ang mag-a-adjust para pakisamahan ng ibang tao.

Palabas na ko ng room ng may bumangga sa akin, agad kong naramdaman ang malamig na bumuhos sa uniporme ko. Nagtaas ako ng tingin at masamang tiningnan ang lapastangang nagtapon ng shake sa akin.

"Oops, sorry." Maarteng sabi ni Jennica kasama ang barkada nya. These girls really pissing me off, sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala silang ginawa kung hindi perwisyuhin ang buhay ko.

Agad ko silang iniwan at dire-diretsong naglakad doon bumangga ako sa isang lalaki. Damn it, si Jules. Nakakahiya!

"Don't go near my boyfriend!" Sigaw ni Jennica. Well, I don't freaking care, palibhasa, hindi nya alam na magkasama kami ng boyfriend nya sa iisang bahay.

"Sorry." Sabi ko kay Jules at saka tumakbo papuntang ladies room ng university.

Humarap ako sa salamin. Doon ko nakita ang strawberry shake na nagmantsa sa damit ko.

Nakakahiya. Humarap ako kay Jules ng ganito ang itsura. Sabagay, araw-araw namang ganito ang itsura ko, ang pinagkaiba lang ay ngayon, madumi ang damit ko.

"Kasidee..." Napalingon ako sa kakapasok lang sa C.R.

"Jenina..." Sambit ko sa pangalan nya.

"Sorry sa ginawa ng kapatid ko, alam mo namang ganon ang ugali non." Paghingi nya ng tawad sa akin. Sya si Jenina Martinez, kapatid ni Jennica. Sa lahat ng tao sa school, sya lang yata ang nakikipagkaibigan sakin. Madalas nya kasi akong samahan kapag nakikita nya kong mag-isa o kaya naman sya lagi ang humihingi ng tawad kapag may ginagawa sakin ang kapatid nya at barkada nito.

"Sanay na ko, di na nga ko nagulat sa ginawa nya." Sagot ko sa kanya.

"Sorry ulit ha,"

Napabuntong-hininga na lang ako. Lumabas ako ng c.r. dahil may exam pa ako sa susuonod kong klase. Pagdating ko ng room, lahat ng kaklase ko ay nakatingin sa akin. Sanay naman ako na nakatingin sila sa akin dahil sa itsura ko, pero iba ngayon e, tumitingin sila sa cellphone nila at saka ibinabalik sa akin. Yung tingin na para bang kinokumpirma nila kung ako ung nasa cellphone nila.

"Jen!" Sigaw ng isa kong kaklase. Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Jennica na galit na galit sa akin, agad syang sumugod at hinila ang buhok ko.

"Itigil mo na yan, Jennica!" Rinig ko pang sigaw ng isa naming kaklase.

Huminto si Jennica sa pananakit sa akin dahil sa pagpigil sa kanya ng ilan naming kaklase.

"You, bítch!" Sigaw nya sa akin.

"Ano na naman bang kasalanan ko sayo?" Matapang na sagot ko rito. Buong buhay ko, wala akong ginawang masama sa taong 'to, hindi ko alam kung bakit ang init ng dugo sa akin.

"Really?! May lakas ka pa ng loob itanong 'yan?!" Ganting tanong nya habang mahigpit na hawak ang cellphone nya.

"Jennica, buong buhay ko, wala akong ginawang masama sayo! Tapos sasabihan mo ko na may lakas pa ko ng loob na itanong kung anong nagawa ko sayo?! Well, news flash! Ikaw... at isama mo pa yang mga kaibigan mo ang makakapal ang mukha sa atin!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nahanap ang lakas ng loob kong sumagot sa kanya.

"At least ako, diretso kung may gawin sayo, hindi tulad mo na... Argh! Walang hiya ka!" Sigaw nya at ibinato sa akin ang cellphone na hawak nya. Mabuti na lamang at nasalo ko ito. Tiningnan ko ang cellphone, doon ako nagulat sa nakita ko.

Litrato namin ni Jules habang papasok ng gate, pasakay ng kotse at habang kasama ni Lolo na mag-breakfast sa garden.

'What's the real score between the campus nerd and the campus heartthrob? Living under the same roof? What do you think, guys? Is there something going on between the two of them... secretly?'

Ilang beses akong napamura sa isipan ko bago ibaba ang cellphone sa lamesa at humakbang palayo, pero bago pa man ako makalabas ng room, hinila na naman ni Jennica ang buhok ko saka ako itinulak kaya ako tumama sa kanto ng table. Bigla akong nakaramdam ng sakit at likidong tumutulo mula sa noo ko, hanggang sa magdilim ang paningin ko.

-

Nagising ako dahil sa nagtatalong boses na naririnig ko.

"So, what the hell is going on between you and that girl?" Rinig kong sabi ni Jennica.

"Nothing. Jen, nothing. Yes, we're living under the same roof but it's not my decision, it's Lolo, Mom and Dad's. Ung magulang nya ay matalik na kaibigan nila Mommy at Lolo, kaya nung namatay sila sa airplane crash, nagdesisyon sila na alagaan si Kasidee, isa pa all of them likes her. That's all, Jen. Si Lolo at ang magulang ko ang nagdesisyon at hindi ako." Paliwanag ni Jules.

"So you want to get rid of her, huh?" Tanong ni Jennica.

"Yeah. If it is possible, ako na mismo ang nagpaalis sa kanya sa bahay." Bored na sagot ni Jules na lalong ikinasakit ng damdamin ko. Damn them! Screw them all!

Muli kong ipinikit ang mata ko. Inantay kong lumabas sila ng clinic bago ako bumangon. Nagpaalam ako sa nurse saka lumabas, agad akong nagtungo sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ay tinanggal ko ang kuwintas ko na rinegalo sa akin ni Jules noong 18th birthday ko, ang pendant noon ay pangalan ko na kulay silver at bawat letra ay may maliliit na diyamante, alam kong binigay nya iyon ng napipilitan dahil kay Lolo. Agad kong ibinulsa ang kwintas at nagdrive.

Sa kagustuhan kong makauwi agad ay dumaan na naman ako sa shortcut, alam kong delikado dito, ang gilid ng daan ay parang bangin at tubig ang baba, madalas ay marami akong private yacht na nakikita rito na tingin ko ay mga namamasyal. Napatingin ako sa babaeng mabagal na naglalakad sa tabi ng daan, tingin ko ay kaedaran ko lamang ito. Agad akong huminto dahil mukhang nangangailangan sya ng tulong.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya ng makalapit ako.

"A-ayos lang ako. T-tulungan mo ko, may mga humahabol sa akin." Paghingi nya ng tulong. Magulo ang buhok nya at may karumihan na rin ang damit na suot nya.

"Sige. Tara na sa sasakyan, ihahatid kita sa madadaanang presinto para makapagsumbong ka." Sabi ko sa kanya. Agad kaming nagtungo sa sasakyan, pasakay na ko ng nagkamali ako ng tapak, na-twist ko ang paa ko at masakit ito.

"H-hey, marunong ka bang magdrive?" Tanong ko sa babae.

"O-oo. Ayos ka lang ba?" Sabi nya.

"Ikaw na muna ang magdrive, tingin ko na-sprain ko ang paa ko." Sagot ko sa kanya. Agad kaming nagpalit ng puwesto.

Maayos syang nakapagdrive, paliko na kami ng magsalita sya.

"Kwintas mo ba-" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng may sasakyang bumangga sa side nya, nagpaikot-ikot ang kotse at saka ito bumangga pa ulit sa gilid ng bangin. Sa sandaling iyon ay nagdilim ang paningin ko.

"M-miss..." Hirap kong tawag sa babaeng kasama ko. Umuusok ang harapan ng sasakyan, malaki ang posibilidad na sumabog ito anomang oras.

"L-labas tayo..." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt nya.

"H-hindi, l-lumabas ka na. I-iligtas mo ang sarili mo." Hirap nyang sabi habang itinuturo ang nag-aapoy na ngayong harapan ng kotse.

Dali-dali akong lumabas, kahit na hirap maglakad ay pinilit kong layuan ang sasakyan pero ilang saglit lamang ay sumabog ito, sa lakas ng pagsabog, tumilapon ako sa dagat sa gilid ng kalsada. Malamig na tubig ang bumalot sa sistema ko, doon ko naramdaman ang pagod, sakit at hirap bago ako mawalan ng malay.

Malakas ang nagawa kong pagsinghap nang magising ako sa masamang panaginip na iyon. Ayoko ng balikan ang pangyayaring minsang sumira at nagpabago sa buhay ko.

"Kaydee, nasa Pilipinas na tayo." Napatingin ako sa labas ng bintana ng eroplano.

Hello there, Philippines, it's good to be back.

Her Greatest ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon