"May, hintayin mo ako mamaya, ha?"
Ngumiti si Mayelle habang iniayos ang mga papel sa mesa. Si Mary, ang pinakamatalik niyang kaibigan, ay parang laging may kakaibang energy. Pero sa araw na ito, may kung anong lungkot sa mata niya. Hindi niya agad napansin, pero naroon 'yon—yung mabigat, tahimik na klaseng tingin.
"Oo naman," sagot ni Mayelle. "Sabay ulit tayo."
Wala pang dalawang oras pagkatapos ng klase, kumalat na ang balita.
“May estudyanteng natagpuan sa likod ng lumang science building.”
Kumalat agad sa buong paaralan ang bulung-bulungan. Ambulansya. Police line. Mga sirena. Isang katawan.
Si Mary.
Hindi makapaniwala si Mayelle. Parang kahapon lang, nagtatawanan sila sa ilalim ng puno. Ngayon, laman ng balita. Wala nang buhay.
Umuulan nang dumalo sila sa burol ni Mary. Puno ng puting bulaklak ang silid, pero walang makakabura sa malamig na presensya ng pagkawala.
Tahimik si Mayelle. Nakatitig lang sa kabaong. Sa mga larawan ni Mary na naka-display. Sa mga ngiti nitong parang sumisigaw ngayon ng tulong.
“Hindi siya dapat nawala.”
Bulong ng utak niya, paulit-ulit. May kung anong bumubulong sa kanya tuwing tahimik ang paligid. Sa loob ng kwarto, sa likod ng klase, sa ilalim ng unan sa gabi.
Parang tinig ni Mary.
“Elle… tulungan mo ako…”
Hindi niya alam kung hallucination ba ‘yon. Pero gabi-gabi, 12:00 AM—gumigising siya. At palagi, bukas ang lumang relos ni Mary sa desk niya. Gumagalaw. Pero… paatras ang ikot.
Nung una, akala niya coincidence lang. Pero nung ikalawang gabi, may katok sa pinto. Mabilis. Tatlong beses.
Tok. Tok. Tok.
The school was quieter than usual.
Walang nagbibiruan. Walang nag-iingay sa hallway. Kahit ang mga teachers, tahimik lang habang naglalakad — as if every footstep echoed louder than it should.
Mayelle sat at her desk, staring blankly at her notes.
One day ago, Mary was alive.
One day ago, they were laughing in that exact seat together.
Now, her chair beside Mayelle… was empty.
"Okay ka lang?" tanong ni Elian, ang classmate na dati’y close kay Mary pero lumayo rin eventually.
She gave him a nod, too weak, too robotic. “Yeah.”
Pero hindi ‘yun totoo.
Kagabi, hindi siya nakatulog. Hindi dahil sa lungkot. Kundi dahil sa gulo.
Hindi niya matandaan kung anong ginawa niya nung gabi ng pagpatay.
Ang alam lang niya, nagising siya kinaumagahan — pagod ang katawan, masakit ang ulo, at may putik ang talampakan niya.
> Pero nasa bahay lang siya buong gabi… diba?
---
“Mayelle,” tawag ng isa sa mga teachers, si Ma’am Chua. “Can you come with me to the guidance office?”
May kumislot sa dibdib niya.
---
Pagdating niya sa office, nandoon si Detective Cruz, the assigned officer sa kaso ni Mary. Bata pa ito — mukhang mga early 30s — pero may awra ng seryosong tao. He nodded to her as she entered.
YOU ARE READING
When Clock Strikes
Short StoryMary haunts Mayelle to justice her death. The following clues are she get shot and the killer is anonymous. It wears an hoodie with a person. Would Mayelle success and justice for Mary will be served or not?
