6:00PM
Isang napakalakas na ulan ang tanging saksi sa pagbabalik-tanaw ni Maverick habang nakatitig siya sa isang matipunong lalaki na nakasilong sa isang tindahan na tila ba bagong sara.
Kahit sa layo, kilalang-kilala niya ang anyo ng taong iyon. Ang bawat galaw, ang paraan ng pagtayo, kahit ang senyas ng pagkalungkot sa katawan nito.
Si Ethan iyon. Si Ethan na matagal niyang pinilit kalimutan. Si Ethan na kahit kailan, hindi tuluyang nawala sa puso niya.
Maverick's POV
Nakatayo si Ethan sa gilid ng kalsada, suot ang hoodie ko na ibinigay ko sa kanya noong 1st anniversarry namin bilang live in partner. Ilang araw na rin siyang hindi nagrereply sa mga messages ko.
Ilang “Seen” na lang ang isinagot sa bawat “Miss you,” "Kumusta na?", "Love, kumain ka na ba? Wag kang magpapagutom ha." At ngayon, bigla kang tumawag. Parang wala lang. Parang walang ilang buwan akong nagtangkang intindihin ang katahimikan mo.
“Mav... Pwede ba kitang makita?” tanong mo sa boses mong palaging may halong pakiusap. Pero ngayon, parang may kaluskos ng pagsisisi.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko—galit? Lungkot? Takot? Pag-asa? Hindi ako sumagot agad. Pero narito ako ngayon sa kabilang bahagi ng kalsada. Hindi ko alam kung paano ka lalapitan. Closure ba ‘to? Confrontation? O baka... baka gusto ko lang malaman kung kaya pa kitang mahalin kahit ang sakit mo na.
Nag-angat ka ng tingin at napadpad iyon sa’kin. Hindi ako gumalaw. Hindi agad ako lumingon. Pero narinig ko ang sarili kong naghihingalo sa pagitan ng luha at paninigas ng dibdib. Kasi kilala kita. Kabisado ko ‘yung yapak mo kahit sa basang semento. Kabisado ko ang lungkot sa likod ng ‘di mo sinasabi. At sa lahat ng ‘yon, nakita ko pa rin—ikaw pa rin.
Tumawid ka. Mabagal. Mabigat. Parang bawat hakbang mo may dalang kasalanan.
“Sorry…” bulong mo. Halos hindi ko marinig sa lakas ng ulan. Pero ramdam ko. Kasi alam ko—minsan, hindi mo kailangan ng malakas na salita para maputol ang puso ng isang tao. ‘Yung boses mo, ‘yung pagpipigil sa luha, sapat na.
“Grabe! My beloved Ethan! Bat parang ang dali mo lang magsabi ng sorry, I'm impressed" sarcastic at nanginginig na sagot ko.
“Pero nasan ka nung hinihingi ko ‘yan sa’yo? Nasan ka nung gabi-gabing umiiyak ako sa dati nating kwarto? Nasan ka nung araw-araw kong tinitignan ‘yung huling chat na ‘seen’ lang ang sagot mo?”
Hindi ka sumagot. Tumango ka lang.
Pero hindi ko kailangan ng tango. Kailangan ko ng paliwanag. Kailangan ko ng dahilan kung bakit iniwan mo ‘ko sa gitna ng lahat ng pinaglaban ko.
“Hindi ko alam kung paano… paano haharapin lahat. Natakot ako,” bulong mo.
Napalunok ako. Tumingin ako sa mga mata mo, at kahit malabo sa ulan, kita ko ang takot—pero mas nakita ko ang hiya. At doon, pumutok ang damdaming ilang buwang kinimkim.
“Tangina! Natatakot din ako, Ethan!” napasigaw ako kahit pa may mga taong nakatingin na sa amin.
“Nung mga panahon na kailangan ko ng yakap—nasan ka? Nung mga gabing nagmamakaawa akong ‘wag mo akong iwan sa ere, pinili mong manahimik.”
Nanginginig ang kamay ko.
“Nakikita mo ba ‘tong mga sugat ko sa braso?” Hinawi ko ang manggas ng jacket ko.
“Hindi ito aksidente. Ethan, I am clinically diagnosed with depression. Dahil ‘yan sa mga ginawa mo. Sa lahat ng iniwan mong tanong, sa lahat ng panahong pinili mong hindi ako pansinin.” sabi ko habang nangingilid ang luha.
"Pero anong sabi ko sayo? Ethan naaksidente ako, puntahan mo naman ako dito sa ospital. Ethan please. Tangina!"
Napaatras ka. Namutla. Hindi mo alam kung lalapit ka ba o lalayo.
“Akala mo ba madali ‘to sa’kin? Akala mo ba hindi ko sinubukang intindihin ka?” Tumulo ang luha ko sa pisngi ko, tila bay humahalo sa ulan.
“Pero sa bawat araw? Buwan? na lumilipas na wala kang paliwanag, unti-unti akong nawawala sa sarili ko ethan!.”
Lumapit ka, halos mahulog na sa pagkapos ng hininga. “Mav, I didn’t know… God, I didn’t know. Ang tanga tanga ko!”
“Dahil hindi mo tinanong! Dahil iniwan mo akong tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang. Samantalang ikaw nasan ka? Ethan nawala ka nalang bigla.”
“Sorry…” bulong mo, at ngayon, nanginginig na ang boses mo.
“Sorry kung naging duwag ako. Patawad kung sinaktan kita.” Sabi mo sabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang pag agos ng luha sa iyong mukha.
Tumitig ako sa’yo, diretso sa mga matang minsan kong minahal nang buo. “Ang tanong, Ethan, humihingi ka ba ng tawad dahil alam mong mali ka? O dahil alam mong wala nang ibang tatanggap sa’yo kundi ako?”
Hindi ka sumagot. Hinayaan mo lang akong magsalita. Hinayaan mong buhusan kita ng lahat ng sakit na kinimkim ko. At kahit wala akong nakuha pang sagot sa ‘yo—kahit wala pa rin akong kasiguraduhan kung bakit ka nandito—sa huling pagkakataon, alam kong narinig mo ako.
Hindi lang ng tenga mo, kundi ng konsensya mo.
At doon, nagsimula ulit ang kwento natin. Hindi sa simula. Kundi sa pagkakataong akala nating tapos na. Pero marahil, ito pa lang ang tunay na simula—ng pagharap sa lahat ng hindi natin piniling pag-usapan noon.
STAI LEGGENDO
He left but the rain stayed
Storie d'amoreUlan. Sa bawat patak nito, may mga alaala akong pilit binabaon, pilit kinakalimutan - pero parang ulan, hindi ko mapigilan bumuhos. At sa bawat pagbuhos ng langit, bumabalik ka. Ethan. Ang lalaking minahal ko sa paraang hindi niya kailanman naintind...
