CHAPTER 62 : BLESSING

Start from the beginning
                                    

My Dad is a corporate lawyer. Pinagkakatiwalaan ng malalaking businessman sa bansa. Ang main client niya ay ang mga de Vera. He's also one of the board members of De Vera Industries. Ang Equité Law Firm ang nag-iisang business na pinuhunan ni Dad. Hindi pa kasama ang share niya sa infrastructural company ng sa Spain na pinamahalaan ng mga Tito ko.

The pressure was there but Dad makes sure that I wouldn't be bothered by it. Pinalaki niya akong may disposisyon kahit sandamakmak ang responsibilidad ang nakalagay sa balikat niya at hindi lingid sa kaalaman kong ipapasa niya 'yon sa akin pagdating ng panahon. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit lumaki akong competitive sa lahat ng bagay. Hindi siya mahipit sa akin sa ngayon. I know he wants me to enjoy my youth dahil alam niyang pagdating ko sa tamang edad, malaki ang magbabago sa takbo ng buhay ko. Hindi niya pinagkait sa akin na maranasan ang malayang pamumuhay.

It's a shame for me to say that I'm not in the line of business. Dad wants me to train, hands-on. Nitong nakaraang buwan lang ay pumunta ako ng Spain para paluguran siya. Hindi ko lang tahasang masabi sa kanya na hindi gano'n kataas ang pangarap ko para sa sarili ko. I want to please him. Oh, I know I can but I also want a simple life.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Biglang sumulpot si Rhea sa tabi namin ni Tito Robi. Napatikhim si Tito. Ngumuso ako at hinawakan ang kamay niya. Sinundan 'yon ng tingin ng Papa niya.

"Tapos ka na makipag-usap sa organizer, anak?"

Tumango si Rhea at tumingin sa akin. "Ano 'yon? Parang ang seryoso niyo kanina?"

Nginitian ko siya. Niyaya ko na lang siyang kumain para mawala sa isip niya kung ano ang pinag-uusapan namin ni Tito pero hindi niya ako tinantanan.

"Ren, ano 'yon?"

"Wala, beh."

Pinalo niya ang braso ko. "Ano nga 'yon?"

"Wala. Tinanong lang ako ni Tito kung may napili na tayong university."

Gusto ko i-open up ang topic na 'yon dahil baka ma-pressure din siya. Hindi ko alam kung nasa isip niya na rin 'yon. Siguro, wala pa. Naiintindihan ko naman. Ang gusto ko lang manatili siya sa tabi ko. Kasal na lang ang mahihiling ko sa aming dalawa. Napangisi na lang ako nang may pilyong ideya na pumasok sa isipan ko. Really, Lawren? Don't you want to have children?

Hampas ni Rhea ang nagpagising sa akin. Napangiwi ako dahil masakit 'yon pero hindi ko mapigilang matawa nang makita ang inis niyang mukha.

"Bakit ka ngumingisi?"

"Masama na ba ngumisi, beh?"

"May tinatago ka sa akin! Kayo ni Papa."

"Wala nga." Niyakap ko siya at akmang hahalikan sa pisngi nang lamukusin niya ang mukha ko.

"Mahiya ka nga!"

Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at nginisihan siya ulit. "Bakit?"

"Nagpapatay-malisyang manyak ka na naman." Umingos siya. "Maraming bisita ngayon. Nandito pa si Papa. Ang imoral mo talagang kumag ka."

"Ikaw kaya patay malisya sa atin kasi alam kong gusto mo din. Ayaw mo lang aminin."

Napanganga siya kasabay ng pagpula ng kanyang mukha. Natawa ako nang malakas at pinaghahampas niya ako. Hinuli ko ang mga kamay niya pagtapos ay niyakap siya.

"Ren!"

May mga oras talagang parang ayoko humiwalay sa kanya. Nung nasa Spain ako, walang oras na hindi ako mapapaisip sa kung anong ginagawa niya. Hindi madaling mag-adjust. Hindi ko sinabi sa kahit kanino na nahirapan ako, even to my Dad.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now