chapter 50: Newfound resolve

386 12 4
                                        

Malia: Jade ano ba mag 3 months na hindi pwede ganito ka na lang lagi, kelangan mo magpatuloy, alam kong mahal na mahal mo si Gia pero may mga magulang ka pa. Nakokonsensya na ako sa tuwing tinatanong nila bakit hindi ka umuuwi. Tingnan mo yang katawan mo ang payat payat mo na parang onting ihip lang ng hangin magiging saranggola ka na, may buhay din ako hindi pwede lagi akong nakabantay sayo.

Jade: Eh di lumabas din ang totoo na pagod ka na sa akin, sino ba kasi nagsabi sayo na araw araw ka pumunta dito? Pabayaan nyo na ako

Malia: Wow! Alam mo! (Took a deep breath trying to control her temper) Inintindi kita sa lahat, tapos sa sagutin mo ko ng ganyan? You know what, that's it! sasabihin ko na kina Tito at Tita kung anong nangyayari sayo.

Malia dialled tita Jane's number and called her.
Tita Jane answers:

Tita Jane: hello, Lia? Napatawag ka? Hello? Hello!
Malia: tita may sasabihin po ako

Jade suddenly stood up and grabbed Malia's phone and turned off the call.

Malia: Akin na phone ko!

Jade: Ate, Hindi pwede malaman nila mommy na wala na kami, ayokong masira imahe ni Gia sa kanila, please ate

Malia: Si Gia pa rin?!!! anak ng tinapa!! Jade ano ba! Wala na yung tao, iniwan ka na! Sya pa rin iniisip mo!? Mag move on ka na please!!

Jade: Paano??? Paano ate??
How can you move on when moving on and dying means the same thing.
Kung mag move on ako eh di patayin nyo na lang ako or mabuti pa magpakamatay na lang ako!!!!

Malia slapped her "PAK!"

Malia: Hindi lang si Gia ang tao sa mundo Jade, may mga magulang ka pa, mga kaibigan, ako, ako na ate mo, mahal ka namin, Wala ba kaming halaga sayo at si Gia at puro Gia lang ang alam mo?! Hindi ka ganito, kilala kita Jade. Nasaan na yung Jade na matapang? Nasaan na yung Jade na pinaglalaban ang gusto nyang marating or makuha? Nakita kita kung paano ka nag tiis at nagsikap para mapansin ni Gia, kahit Wala syang pagtingin sayo dati hindi mo sya sinukuan, nanatili ka at naghintay, nagmahal ng walang kapalit, nasaan na yung Jade na yun? Nasaan na yung Jade na hindi sumusuko? Yung jade na laging buo ang loob at Punong Puno ng determinasyon?  Ba't di mo ibalik yun? Bumangon ka Jade! Build yourself back again. Baka, baka sakali pag ginawa mo yun mapansin ka nya ulit. Baka sakali pag makita ka nya, ma realize nya kung anong sinayang nya, baka lang, baka sakaling bumalik pa sya sayo.

Malia left the room, leaving Jade thinking, contemplating on her actions.

++++++++++++++
---at the Bar---
Bartender: hello ma'am Shelley, the usual pa din po ba

Shelley: yes, please

After a few minutes Ashley also came.

Shelley: oh ba't andito ka na naman, pwede ba Ashley hindi na ako bata, di mo ko kelangan bantayan

Ashley: sino may sabi sayo binabantayan kita? Hindi ba pwedeng gusto ko din uminom at maghanap ng prospect?

Shelley rolled her eyes.

Over the past three months, Shelley has stuck to a relentless routine. She takes on extra shifts at the dance studio during the weekdays and spends her weekends drinking at different bars until she passes out. Ashley has been keeping track of her behavior, even going as far as hiring someone to keep an eye on her, and sometimes joins her during her weekend drinking sprees if her schedule permits.

Shelley: seriously Ash, you have to stop.
Ashley: stop with what?
Shelley: nakausap ko yung hinire mo si Mang Rudy, alam ko na pinapasundan mo ko
Ashley: oh ok, alam mo na pala
Shelley: kaya nga tumigil ka na
Ashley: eh kung ayaw ko? May magagawa ka? And besides kawawa si Manong Rudy kasi mawawalan sya ng trabaho, Hindi ka ba naawa? Titigil lang ako kapag titigil ka na din sa sad girl era mo. Ako naman ngayon ang magsasabi. Seriously Shel, you have to stop. Aren't you tired of your routine?

Secrets (S1)Where stories live. Discover now