"Malayo pa ba tayo panget?"
"Malapit na Sungit, kanina kapa tanong ng tanong huh! Manahimik ka muna!"
"Tsk Oo na! Ito na nga oh"
Yan ang kanina pa maririnig mula sa dalawang magkaibigang nagtatalo habang nasa daan, Kasalukuyan silang naglalakad pauwi mula sa underground ng gangster society. Katatapos lang ng laban ni Reign at as usual ay sya na naman ang panalo. Mabuti na lang at may kaibigan syang handang damayan sya sa kahit saan, At ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Lucas Gabriel Magbanua, Ang boy best friend nya.
"We're here Sungit. bukas na ako uuwi, dito na muna ako matutulog sa unit mo" Humihikab na sambit ni Lucas. Antok na ito dahil halos ala una na ng madaling araw, hindi na lang umimik si Reign at dumiretso papasok ng kwarto at pabagsak na humiga para matulog.
"Morning panget" Maikling bungad ni Reign kay Lucas na pupungas pungas pa dahil sa antok, alas nuebe na ng umaga at parehong kagigising lang nila. Sandali syang napalingon sa kaibigang tahimik at dun nya nalamang nakatulog ulit ito habang nakaupo sa sahig at nakasandal ang ulo sa sofa. Hinayaan nya na lang ito at nagtungong kusina para magluto, day off kase ng isang kasambahay na kasama nya sa condo unit nya.
YOU ARE READING
Way back 1893 (On-going)
General FictionTheir paths will be collided. two persons from different centuries. She is Feisty She is Cold She is Fearless And she's his QUEEN. Meet Aiana Reign Suarez the Gangster princess from present time. On the other hand, there's a cold and a ruthless g...
