Sobrang kulit nito at hindi talaga ito tumitigil hangga't hindi nito nakukuha ang gusto. Kagaya na lang nang ginawa nito nung nagkakilala sila. Lahat ng kamalasang nangyari sa kanili ay bigla na lang nitong isinisi sa kanya. Pakiramdam niya no'n ay mamumuti na ang buhok niya dala ng sobrang kunsumisyon. Hanggang sa pumayag na siya sa gusto nito para lang matahimik na ito. Hindi naman niya inaasahan na talagang titigil ang pag-ulan. Alam niyang walang kinalaman ang nangyari sa pagtanggap niya sa pakikipagkaibigan nito. But still, for him that moment was really magical.

Pagkatapos no'n ay halos araw-araw na itong laging nakasunod sa kanya. Noong umpisa ay naiinis talaga siya dahil sa ginagawa nitong pagsunod sa kanya. Paulit-ulit niya itong pinagsasabihan hanggang sa magsawa na lang siya sa kakasabi dito. Hindi rin naman kasi ito nakikinig sa kanya. And before he knew it, nasanay na siya sa presensiya nito.

Sa kabila ng pagiging makulit nito at sobrang pasaway, hindi pa rin niya maitatanggi na talagang masaya siya kapag kasama ito. Napakadali lang kasi para dito na patawanin siya. She was like a breath of fresh air. Kahit na binulabog nito ang tahimik niyang mundo, binigyan naman nito 'yon ng kulay.

Naalala niya bigla ang mga sinabi sa kanya ni Allen tungkol kay C.C at sa mga kaibigan nito. Ayon dito ay isa daw typical spoiled brat si C.C pero hindi naman 'yon ang nakita niya. Oo, may mga pagkakataon nga na nasosobrahan ang kakulitan nito at kung minsan nasosobrahan na rin ang kawalan nito ng interes sa paligid nito, pero hindi naman ito maldita at spoiled.

Kung meron man sigurong maldita, si Alice 'yon. Nang ipakilala siya ni C.C sa mga kaibigan nito agad niyang namukhaan si Alice. Ito yung babaeng tahasang nakipag-flirt sa kanya sa cafeteria. Harapan nitong ipinakita ang pagkadisgusto nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nagtanim ito ng sama ng loob sa kanya dahil sa ginawa niyang pagtanggi dito. Ang isa namang kaibigan nitong si Nia ay tahimik lang at hindi palaimik.

Kung may magsasabi siguro sa kanya one month ago na magiging malapit sila ni C.C, baka pagtawanan lang niya ang kung sinumang magsabi no'n. Pero ngayon, hindi na niya ma-imagine ang isang araw na wala ito at kinukulit siya. Hindi niya alam kung dahil lang 'yon sa nasanay na siya na lagi itong nandiyan o dahil sa talagang sobrang napalapit na ito sa kanya.

Napabuntung-hininga na lang siya. Hindi niya talaga gusto ang mga damdaming ginigising sa kanya ng dalaga.

Pagkatapos ng klase ay agad na siyang lumabas ng classroom. Pagkalabas niya ay nakatanggap siya ng text mula kay C.C na nagsasabi na nasa labas na ito ng building nila at hinihintay siya. Dali-dali siyang lumabas. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ito. Nakaupo ito sa isang bench at matamang naghihintay. She looked so lovely just sitting there.

Agad siyang lumapit dito. "C.C,"

Nag-angat ito ng mukha. Nang makita siya nito ay isang ngiti agad ang sumilay sa labi nito dahilan para lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Kapag nakikita niya ang ngiti nito, it always made his heart flutter.

"Hi Zero," Tumayo na ito. "Saan mo gustong kumain?"

"Kahit saan mo gusto."

"Hmm... sa cafeteria na lang. Tinatamad din naman kasi akong lumabas."

At nagsimula na silang maglakad patungong cafeteria. Habang naglalakad ay napansin niya na tahimik lang ito. Which was very unusual dahil madalas ay wala itong tigil sa pagkukwento sa kanya.

"May problema ka ba?" hindi na niya napigilang itanong dito.

"H-ha? Wala. Bakit mo naman naisip na may problema ako?"

Lalo naman siyang nagkahinala na meron nga itong pinoproblema. "Well, simply because it's written all over your face."

"T-talaga? Mukha talaga akong problemado?"

Betting Hearts: Memories in the RainWhere stories live. Discover now