thirty two.

48 1 0
                                        

𖦹

"ANO 'tong nababalitaan ko sa department niyo, aber?"

Tumigil ako sa pagkain nang sagutin ko ang tawag ni Maeve. Makailang beses na siyang natawag at sa pangatlong pagkakataon, doon ko lang sinagot. Bumuntong hininga ako dahil paniguradong narinig niya na ang nangyari nung Biyernes.

"Hindi dapat ako 'yung tinatanong mo niyan," pag-iiba ko ng usapan.

"Dali, ikaw na magkwento!" Pagpupumilit niya pa. "Baka isipin ni Daxton na chismosa ako kung sa kaniya ko pa itatanong."

"Bakit, hindi ba pagiging chismosa 'yung ginagawa mo sa akin ngayon?"

Tagos sa telepono ang frustration niya, "Ikaw, para kang hindi kaibigan. Kalaban ka ba?"

Lumandas ang mata ko sa labas ng restong kinakainan, "Wala lang 'yon. Nag-dinner celebration lang kami."

"Eh ano 'yung naririnig kong tinakbuhan mo si Daxton?"

Napapikit ako nang matumbok niya ang kinukulit niya sa akin. Memories from that night flashes in front of my eyes, feeling the tension again. Kung paano naging spotlight ang mga mata nila at kaming dalawa lang ang nasa entablado.

But to be honest, I couldn't handle the pressure. Imbis na makapag-isip ako ng logical na desisyon, nag-flight mode ako. Wala ako masiyadong matandaan nung huli bago ko makita ang sariling makalayo sa restaurant. Nung mag-sink in sa akin ang nangyari, dumiretso ako ng uwi.

As if I'll go back there and act like nothing happened.

Concerned chats from Xamiel exploded the next morning. Kahit 'yung hindi ko close ay nagtatanong kung bakit umalis agad ako. Buong araw ay inuulan nila ako ng tanong pero wala ni isa sa kanila ang sinagot ko.

Aware ako sa magiging resulta no'n, inaasahan kong kahit sa pagbalik ay usapan 'yon sa office namin. Hindi ako nakaligtas kaninang umaga. Gustong-gusto nila malaman kung bakit kaya ang nasabi ko na lang ay sumama pakiramdam ko. Kumbinsido ang iba pero si Xamiel, hindi.

Hindi rin naman niya ako kinulit sa katotohanan.

I receive nothing from Daxton, which it stings. Isang beses ko lang siya nakita ngayong araw, noong papasok pa siya ng office niya at hindi na lumabas pa. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa nangyari.

Well, tinakbuhan ko siya noong binaklas niya ang pader na pumapagitan sa amin. What do I expect aside from disappointment?

Kaya ngayong lunch break, lumayo ako nang kaunti. Para sa peace of mind.

Siguro narinig lang ni Maeve 'yon nung pinuntahan niya ako sa office o baka kalat na talaga kaya nakarating sa kaniya ang nanyari. Either way, nothing can stop her from knowing what happened, even me who's refusing to say anything.

"Maeve . . ." I sound defeated. "Binigyan ko lang siya ng space."

Tahimik ang kabilang linya, natunugan ang emosyon sa tono ko. Hindi sa sinisisi ko siya pero sinunod ko lang din siya. That night was cooling us off from work, let alone breathe. May balak naman akong kamustahin siya ngayong araw kung hindi nangyari 'yon.

"Inaamin kong mali 'yung kinilos ko, ang nasa isipan ko lang no'n ay matapos ang araw na walang aberya." Pumait ang panlasa ko habang inaalala ang gabing 'yon. "I could've acted normal but the sudden hot seat? I wasn't ready for that. Na-clear ko naman sa iba kung bakit pero . . . nag-aalala ako naramdaman niya mismo."

Amidst the City Lights (Montessori Series #1)Where stories live. Discover now