𖦹
THE fact that I can no longer deny is . . . I like Daxton. Parang may tinik na nabunot sa dibdib ko, gumaan ang pakiramdan ko nang mapagtantuan 'yon but the biggest question here is, should I go with the flow and act normal?
Kaya ba parang may puwang at mabigat sa damdamin ko nung dinidistansiya namin ang isa't isa?
Sinabunutan ko ang sarili ko dahil nasapul ako no'n. Mabuti at walang mabigat na trabahong nakaatas sa akin kaya nagagawa kong malunod sa ibang bagay. Hindi maawat sa pagkabog ang puso ko at nag-iinit ang mukha, para akong highschooler sa inaakto ngayon.
Late bloomer ba ako? It feels like the first time to me.
But there's still more than that. Ngayong ito pala ang dahilan kung bakit parang may kiliti sa kalaman ko at gano'n na lang magwala ang puso ko kapag kaharap siya o sa mga paraan para ipakita na gusto niya ako, napapaisp ako kung anong magiging epekto no'n sa trabaho namin pareho.
Statistically, malaki talaga ang tyansa na magka-develop-an sa loob ng workplace but they're more likely to draw some boundaries because of professionalism. Mukhang kaya naman namin 'yon pero . . . hanggang kailan?
Bumuga ako ng hangin bago bumangon kahit na nawalan ako ng lakas pumasok. I think it's better to stay on what we are dahil dito na kami nasanay. One slowed down momentum, giba lahat ng sinubukan naming ayusin ulit. Kailangan ko ring umiwas sa issue at baka magkaroon ulit ng away kung susundin ko ulit ang damdamin ko.
What I realized might be good news for him but not for everyone. I still need to build myself up in Montessori, marami pa akong dapat makamit bago 'to.
"Nagkaroon ka na ba ng ex, Zaine?" Muntik ko nang mabuga ang latte na iniinom ko dahil sa tanong ni Xamiel. Mabilis kong inatras ang swivel chair ko para hindi ko matapunan ang mga kaka-print pa lang na mga report.
"Bakit mo nagtanong?" Kunot noo kong asik dahil sobrang out of nowhere ng tanong niya.
"Ah, curious lang ako."
Pinangkinitan ko siya ng mata, napansin kong bigla siyang nailang sa ginawa ko kaya umiwas siya ng tingin. Tinagalan ko ng kaunti at napakamot siya ng batok bago ko mapagpasiyahang sagutin na lang ang tinatanong niya.
"Wala pa," sagot ko at mabilis kong napansin ang pagbagsak ng balikat niya. "Mukhang hindi kita matutulungan d'yan sa problema mo."
"Problema?!" Nabigla ako sa paglakas ng boses niya. Marami tuloy ang pumihit na ulo patungo sa pwesto namin kaya dinapuan siya agad ng hiya. Lumapit siya sa akin saka bumulong, "I mean . . . hindi ko 'yon problema."
Binalik ko ang upuan palapit sa desktop, "Kanino? Bakit kailangan tanungin kung may ex na ako?"
"Basta," kinaway niya ang kamay at umiling. "Pero ito, hypothetical question lang. Galing 'to sa experience ng kakilala ko, sabi niya sa akin kung ayos lang maging down kung nahuli niya 'yung ka-fling niya ngayon kausap ang ex nito."
Napaisip ako saglit, "Fling?"
"Yeah . . . 'yung may intimacy kayo pero walang label?"
"May plano ba silang lagyan ng label?"
Tahimik siya ulit, ginilid ang tingin sa punto na gusto niya akong talikuran. Nagtaka ako at bago kong tanungin kung anong nangyari sa kaniya ay nagsalita siya.
"W-Wala raw."
"Kung gano'n, ayos lang ma-down siya sa nakita pero siguro huwag mag-expect kasi fling lang naman." Napansin ko ang pag-estatwa niya kaso hindi ko muna pinansin. "At baka, may gusto lang sila pag-usapan. Regardless, kung ano matters nung mag-ex, labas na siya."
YOU ARE READING
Amidst the City Lights (Montessori Series #1)
General FictionZaine hates the idea of home. After having the opportunity to live alone and work, he immediately left his house, burying the dark and traumatic past he had. He thought things would be better until he crossed his path to his step brother again, open...
