Sixty ♥ - Hurt, Broken, Pain

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tss. Whatever. Kung di lang sa inyo, di talaga ako pupunta. Kayo kasi, mapilit." -Ako

"Malapit na rin naman eh. Napakareklamador eh." -Colette

Kainis talaga. Ayaw ko talaga pumunta. Sana makatulog na ako dito sa kotse at di na magising hanggang sa umaga.

"Ayan na tayo." -Lewis

Bumaba na kami ng starex except West.

"Park ko lang tong kotse. Una na kayo sa loob." -West

Pumasok na kami sa loob pero kailangan pa akong tulakin nila Lewis at Rence para makapasok. Ehhh kasi naman. Ikaw kaya pumunta birthday party ng mortal mong kaaway na bruha. Grr.

"Hi boys. Hi......Perrie and Nicolette and uh......you're here.......Shay." -Lexi

Grr. Parang diring diri naman banggitin yung pangalan ko. Saksak mo sa ngalangala mo buwiset! Kung di lang talaga dahil sa mga friends ko nako wala ako dito! Sarap dikdikin yang mukha mo! Feeling social! Ay social naman talaga. Mansion eh. Hehe. ^^

"Anong gusto mong gawin ko dito? Uuwi nalang--" -Ako

"Tss. Manahimik ka at kumain." -Rence

Hinila niya ako sa may kainan at siya pa mismo nagbigay saakin ng pagkain. Buhay nga naman oh. Boring na, ang gulo pa.

VINIEL'SPOV

I saw from the corner, nakarating na si Shay. Buti naman. Napakaganda niya talaga. Pero nakikita kong, ayaw niya dito sa party. Well sabagay, sino bang nagcecelebrate. Binigyan ni Rence si Shay ng pagkain at sinubuan pa ito ng marshmallow with chocolate.

Di naman ako nagseselos kung iniisip niyo............alam naman ni Rence na magpopropose na ako kay Shay. Bestfriend ko yan eh.

Wohoo eto na. Yayain ko na siyang sumayaw. I made sure na nakatago sa bulsa ng tux ko yung ring. Lumabas na ko mula sa sulok at lumapit kay Shay.

"Ayan na ayan na yiiiieee.." -Perrie

Nakita kong nagsmirk si Rence nung nasa likod na ako ni Shay. Narinig kong nagplay na yung slow dance music. (PLS CLICK THE EXTERNAL LINK)

"Aherm.......um......" -Ako

Lumingon na si Shay pero di man lang siya ngumiti. Nakasalubong pa rin yung kilay.

"M-May I have this dance?" -Ako

"Wow ah. After what you did... -Shay

Siniko siya ni Rence.

"Ano ba yan. Tss. Sayaw na." -Rence

Nangirap lang si Shay at kinuha yung kamay ko pero masama pa rin ang tingin saakin. Nagstart na kaming magslow dance.

This is awkward. Ayaw tumingin saakin ni Shay. :((

"Um.......Shay......about doon sa rockwell--" -Ako

"Wag mo kong simulan. Kung sasayaw ka, sumayaw ka." -Shay

"I just wanted to say sorry." -Ako

Tinignan niya ako with hateful look.

"Di ka ba nakakaintindi ng "Wag mo kong simulan."? Ha?" -Shay

"Di mo man ako patawarin, gusto ko lang magsorry." -Ako

Umiwas nanaman ng tingin si Shay.

"Aru jusmiyo. Di talaga nakakaintindi." -Shay

"At mahal na mahal pa rin kita..." -Ako

Mr. Guwapito nainlove kay Ms. BungangeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon