The author's last note

126 5 0
                                        


"I'm so sorry, Quin, but this is the higher-ups' decision. They've decided to terminate your contract. Your story is no longer appealing to the readers, and I have already asked for another chance on your behalf, but... you still haven't submitted a new one."

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Quin. Inaasahan na niya ito. Binigyan siya ng kumpanya ng pagkakataong makabawi, pero paano siya makakalikha ng bagong kwento kung mismong buhay niya ay isang trahedya?

Kung hindi lang sana siya nagtiwala sa nobyo niya, hindi siya magkakaproblema sa pera. Hinayaan niyang gamitin nito ang pangalan niya para makapag-loan, at ngayon, siya ang tinutugis ng mga money lending company. Pati ang kanilang mga kaibigan na pinagkakautangan nito—siya na rin ang sinisingil. At ang pinakamasakit sa lahat? Natuklasan niyang may pamilya na pala ito.

Pinagkatiwalaan niya. Minahal. Pero sa huli, kahihiyan, utang, at matinding trauma lang ang iniwan nito sa kanya.

"Naiintindihan ko po..." mahinang sagot niya, halos pabulong.

"Anong balak mo ngayon? Maghahanap ka ba ng bagong trabaho? Sana huwag kang tumigil sa pagsusulat, Quin..."

Manipis na ngiti lang ang isinagot ni Quin sa kanyang manager. Alam niyang nag-aalala ito para sa kanya, pero hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong nito. Ano nga ba ang gagawin niya ngayon? Saan siya pupulutin ngayong wala na siyang trabaho, at ang kanyang apartment ay halos araw-araw dinadalaw ng mga maniningil?

"Aayusin ko lang po ang mga gamit ko..." aniya bago tumalikod at tinungo ang kanyang station.

Naririnig pa niya ang mga kasamahan niyang pinaguusapan siya. Gusto man niya silang sagutin, wala na siyang lakas para makipagtalo. Wala na rin siyang oras para mag-alala—wala pa siyang almusal. Mamaya na niya iisipin kung saan siya pupunta. Ang importante sa ngayon, mailigpit niya ang kanyang gamit.

"Sir Hiro, paparating na po ang lolo ninyo."

Agad napatingala si Hiro sa narinig. Paulit-ulit na niyang ipinagbilin sa mga nurse ng kanyang lolo na huwag na itong palabasin, lalo na't mahina na ang katawan nito at hindi na dapat magbiyahe.

"What the hell are they thinking!? Why did they let him travel!?" sigaw niya, bakas ang inis at pag-aalala sa kanyang boses.

Sanay na ang kanyang sekretarya sa ugali niya kaya hindi na ito nagulat sa naging reaksyon ng binata.

"Let's meet him outside. Huwag niyo na siyang paakyatin dito," utos niya habang inaayos ang nagkalat na mga papeles sa kanyang mesa.

"Yes, sir..."

Sumunod naman ang kanyang sekretarya palabas ng opisina.

Pagdating nila sa ground floor, masaya at may halong pag-aalala na sinalubong ni Hiro ang kanyang lolo. Simula nang mamatay ang kanyang mga magulang, ito na ang nag-alaga sa kanya. Hindi lang pagmamahal ang ibinigay nito sa kanya kundi pati ang kumpanyang itinayo nito.

Galing pa ito sa Japan kung saan nagpapagamot. At ngayong nakauwi na ito, balak ni Hiro na samahan ito sa kanilang probinsya—kahit sandali lang.

"Ojiisan! Napakatigas talaga ng ulo niyo. Sabi ko naman na sa bahay na tayo magkita, hindi ba?"

Hindi sumagot ang matanda at sa halip ay mahigpit na niyakap ang kanyang apo.

"Ahiro," mahina nitong sabi habang hinahaplos ang likuran ng binata.

"Hiro po, hindi Ahiro. Jiisan naman, ikaw si Ahiro, ako po si Hiro..." sagot ng binata, halatang sanay na sa paulit-ulit na pagkakamali ng kanyang lolo.

The author's last noteWhere stories live. Discover now