Make-Up

3 0 0
                                        


Humahalakhak pang pumasok si May sa kanyang kwarto, kakagaling lang niya sa school kaya agad niyang ibinaba ang bag sa kama.

Nag-inat pa siya ng panandalian sabay nagtungo sa paborito niyang salamin. Bitbit ang magandang ngiti sa mga labi.

"You made it May!" she giggle.

"Nakapasok kana sa Dean's list! scholarship is waving!" muli niyang inilabas ang matamis niyang ngiti.

Puno ng kolorete ang kanyang mukha. Tumunog ang kanyang cellphone, automatic na kasing komunekta ang WiFi nila sa bahay kaya sunod-sunod ang notifications.

Scroll dito, scroll doon. Puno ng mga reacts ang bawat picture niya mula sa Facebook, Twitter, IG at Tiktok. Isa lamang siya sa mga hinahangaan ng lahat.

Ibinaba niya muna ang cellphone sa kanyang mesa. Inilabas ang pang-alis ng make-up sa kanyang mukha.

Bago siya mag-umpisa ay muli niyang nginitian ang maganda niyang mukha. Ito lang naman ang minamahal ng karamihan, pinipilahan ng mga kalalakihan at iniidolo ng mga kabatch niya, mula sa ganda hanggang sa talino.

"You're too perfect May."

Sinimulan na niyang ipahid sa mukha ang wipes. Inaalis ang makapal na foundation, unti-unting lumilitaw ang mga itinatagong memorya ng nakaraan na s'yang nakaukit na sa mukha.

Mga pilat at pasa, mga bagay na hindi nakikita ng madla. Lumalabas na ang mga nakatagong sugat, peklat at kulobot na balat ni May. Ang kaninang matamis na ngiti ay nabura na, sa pagdaloy  ng mga luha patungo sa kanyang panga.

Matabunan man ng make-up ang bawat mga marka ng pangit na mukha ay di naman nito matabunan ang mga sugat ng kanyang ala-ala.

Sa kung papaano siya pagsamantalahan ng kanyang sariling ama. Sa kung papaano siya bugbugin ng kanyang ina dahil sa akala ay nilalandi nito ang kanyang ama. Sa kung papaano niya sinubukang tumakas sa mga scandal na pinakalat ng ex niya.

Ang masaya, matalino , palaban at magandang May ay unti-unti na namang nilalamon ng takot, pangamba, galit at poot.

Nakatakas na siya sa mga ito, ngunit ni hindi niya mapatawad ang sarili niya.

"Kailan ba muling ngingiti si April?" ani niya sa salamin.

"No, hindi na babalik si April. Hayaan mo na si May, manatili ka na lang sa pagkatao ni May!" sigaw niya sa repleksyon.

"Kinamumuhian ka ng mundo April and you'll never be good as May!"

Nabasag ang salamin sa pagsuntok niya dito. Tanging hagulgol lamang ang namutawi sa malungkot na gabi ng dalaga. Pilit nilalabanan ang pilat ng nakaraan.

ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now