"Oh, dahan-dahan baka mabulunan ka pa eh," si Lily.

"Daan kaya tayo ulit don?" aya ko sa kanya.

Umismid siya. "Wala tayong time!" Tama siya. Malapit nang matapos ang recess time namin.

"Mamayang uwian kaya?" suggestion ko.

"Baliw! Iikot ulit tayo sa campus bago makauwi?" sarcastic na sagot ng kaibigan ko.

"Eh sa lunchtime?" tanong ko.

"May baon tayong lunch, Via," sagot niya. Bumusangot ako.

"Eh kaklase naman ni Rico 'yung best friend niya. Sabihan mo na lang si Rico na crush mo si Nick para mailakad ka doon," walang kwentang suggestion ni Lily.

"Loko ka! Syempre hindi ko aaminin kay Rico na crush ko 'yung best friend niya! Tatawanan lang ako nun!" reklamo ko.

Mas naging madalas ang pagsulyap ko sa building nila habang papunta kami sa classroom. Gusto ko kasi ulit siyang makita.

"Via, baka madapa ka tapos makita ka pa ng crush mo!" si Lily.

Natatawa akong umiling. "Edi tulungan niya ako?"

"Tawanan kamo!" Epal talaga 'to.

Pagpasok namin sa room, si Lily lumapit muna kay Sabby dahil may itatanong daw siya.

Inabot ko naman kay Ylanna ang binili naming biscuits para sa kanya.

"Kumain ka muna," sabi ko.

"Thank you! Kakainin ko mamaya, busog pa rin kasi ako," sagot niya. Tumango ako at umupo sa tabi niya.

"Tapos ko na pala yung lecture notes niyo," sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Tinapos mo?" tanong ko at mabilis na kinuha ang notebook sa desk ko.

Tinapos niya nga!

"Ylanna, di mo na dapat ginawa. Gagawin naman namin ni Lily mamayang lunch. Pero salamat ng marami!" sabi ko.

"Ano 'yan?" nakalapit na si Lily.

"Tinapos ni Ylanna yung isusulat dapat natin sa lecture notebook," sagot ko.

"I have nothing else to do naman. Tapos na ako sa readings ko and konti lang naman 'yan," sabi ni Ylanna.

"By the way, thanks ulit dito!" dagdag niya at binuksan ang C2.

"You're welcome!" sagot ni Lily.

I can say na sa aming tatlo, si Ylanna ang pinaka-responsible pagdating sa academics. Talagang studious siya. Kami naman ni Lily, sakto lang. Minsan studious, madalas hindi.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang Filipino teacher namin na si Ma'am Rivera.

"Magandang umaga sa inyong lahat!" Bati ni ma'am.

"Magandang umaga, Ma'am!"

"Mag si-upo kayong lahat. Sa araw na ito, ating tatalakayin ang koridong Ibon Adarna," si Ma'am.

"Pamilyar ba ito sa inyo?" tanong niya.

"Opo! Ang koridong yan ay isinulat noong panahon pa ng mga Kastila at ngayon ay bahagi na ng panitikan at mitolohiyang Pilipino," sagot ni Lily.

"Magaling, Binibining Diaz!"

Ngumiti si Lily at nagsulat ulit sa notebook niya. Ganon din si Ylanna, todo sulat ng important notes sa notebook niya.

Ako naman ay nakikinig lang sa guro namin, tinatamad magsulat. Ilang sandali pa, nilagay ni Lily ang notebook niya sa desk ko.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Tignan mo," she mouthed. Binuksan ko ang notebook niya.

Nakita ko ang naka-flames na pangalan naming dalawa ni Nick na may resultang FRIENDS.

Mahinang natawa si Lily nung makita niya ang hitsura ko. "What's that?" tanong ni Ylanna.

Pinakita ko sa kanya ang nakasulat. Hindi niya agad nagets ang nakita.

"Nick? Who's that?" Nalilitong tanong niya.

"Crush ko," sagot ko. Nagulat si Ylanna sa sinabi ko.

"Girls, keep quiet," sabi ni Ma'am.

Mabilis kong binalik ang notebook ni Lily at nakinig ulit sa guro. Bwesit na Lily, akala ko naman importanteng-importante ang isinusulat niya sa notebook niya.

Forever in the Spaces Between UsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ