CHAPTER 3

24 10 2
                                        

Unang tagpo.

Sabi nila, kapag excited kang pumasok, bibilis ang takbo ng oras. Kaya naging mabilis ang mga nagdaang araw dahil excited akong pumapasok.

Kasalukuyan kaming nagsusulat ngayon sa lecture notebook dahil may pinapakopya si Ma'am Chavez, ang science teacher namin.

"You study your notes because by Friday, we'll have our first quiz," saad ni Ma'am.

Tahimik lang kami ng mga kaibigan ko, habang umaangal naman ang iilan sa mga kaklase ko.

"Ano ba 'yan, tatlong quiz na agad by next week," angal ni Luke na nasa likuran ko.

Nagpunta kami ni Lily sa Faculty nung isang araw at sinabi sa amin ni Sir Jihoo na may blocking daw kami sa plaza sa paparating na Linggo.

Tumunog ang bell, it means, recess time. I heard the silent scream of joy sa mga kaklase ko.

"Goodbye and thank you, Ma'am Chavez. May God bless you always!" Sabi ng lahat.

Dumaan kami sa long building papunta sa cafeteria, kasama ko ay si Lily lang. Nagpaiwan kasi si Ylanna sa classroom dahil hindi daw siya gutom.

Maraming tao ang tumatambay sa long building ngayon dahil recess time. "Bilhan kaya natin ng biscuits si Ylanna?" sabi ko.

Tumango si Lily. "Oo, mag-aaral na naman siguro yun kaya ayaw sumama."

"Kaya nga eh," pag sasang-ayon ko.

"Psst!"

"Psst!"

Wag kang lumingon. Wag kang lumingon. Lumingon ako kung saan galing 'yung boses at agad kong nakita kung sino ito.

Bigla na lang nag-slow motion lahat sa paligid ko. Akala ko sa movie ko lang 'to makikita pero hindi pala. Nag-blur lahat sa paligid, at siya lang talaga ang nakikita ko.

Lalakeng may maamong mukha, mestizo, matangos ang ilong, maliit ang hugis ng mukha, pinkish na thin lips at nakangiti sa akin!

OH MY GOODNESS!

Mabilis akong tumingin ulit sa harapan at palihim na siniko si Lily, "Lily, ang gwapo niya!"

"Huh? Sino?" tanong ni Lily habang nagpatuloy kami sa paglalakad.

"'Yung lalake sa likod, left side, nakaupo sa bench at nakatingin sa atin!" mahina kong sabi.

Lumingon siya sa direction na tinuro ko. Tumawa ang kaibigan ko.

"Gaga ka, siya 'yon! Si Nick! Zachary Nick Cortez! Yung pandak, panget, mabaho, at bulakbol na sinasabi mo," saad ni Lily.

"Siya si Nick?! Binabawi ko na! Pogi pala! Crush ko na siya," declare ko sa kaibigan pagdating namin sa cafeteria.

Tumawa si Lily ng malakas.

"Ano ka ba! Crush ni Apple 'yon, 'yung kaklase natin nung elementary na nasa kabilang section?"

"Oh, tapos?" pabalang kong sagot. "Wala naman," natatawang sagot ni Lily.

"Grabe, literal na nag-slow motion lahat, Lily! As in, grabe! Hindi ko pa kailanman naranasan 'yon, ngayon pa lang!" kinikilig na saad ko.

Hindi ako mahilig sa crush-crush na yan! Wala naman kasi akong nakikitang pogi dati, nung elementary ako, sipunin lahat ng kaklase ko. Tsaka hindi ko naman priority dati yon.

Pero iba na ngayon!

Every bite I take of my snacks, all I can remember is his smile, his face!

Ang angelic niyang mukha, I can literally picture him out!

Forever in the Spaces Between UsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant