Magkalapit na ang mukha nilang dalawa nang biglang napa atras si Haze.
"naiisip ko na,, kailangan ko na palang umuwi, past 8 na, may curfew na ko ngayon"
"last song na kami oh"
"Sorry talaga, but I need to go na ,medyo strict si Tito"
nagpaalam si Haze sa mga ka bandmate ni Chloe bago ito umalis. At niyakap si Chloe para di na ito magtampo.
"update me kung nakauwi kana ha?"
"okay" -Chloe
Pagtalikod ni Haze, inasar nila si Chloe
"Sayang"
May idea na sila na matanggal ng gusto ni Chloe si Haze, yun ngalang walang idea si Haze.
Habang naglalakad si Haze papunta sa sasakyan nya, nagulat sya ng biglang kumapit sa kanya si Gab. Yun pala nasa labas sila Trevor . Dapat ay tatawagin pa sya pero dahil kasama si Haze ay di na ito lumapit.
" Thank you"
Sabi ni Gab pagkatapos bumitaw kay Haze at nagmadali sumakay sa sasakyan nya. Naunang umalis ang sasakyan ni Gab para nadin makaiwas kay Trevor . Magkasunod silang dumating ng bahay. Dahan dahan dahil baka magising ang parents nila.
"Nakauwi na ko " -Chloe
"Good, magpahinga kana" -Haze
"Haze"
"yes"
Dumiretso sa kama si Haze dahil medyo nahilo eto sa nainom nya.
"Gusto kita"
Napaupo si Haze ng mabasa yung chat ni Chloe, di sya mapakali kaya tinawagan nya eto
"Drunk message?"
"No"
"eh ano?"
"gusto nga kita, higit pa sa kaibigan"
"seryuso ka Chloe?"
"seryuso"
"so? ano gagawin ko?"
"di ko alam,gawin mo na lahat, wag kalang iiwas dahil bibigwasan kita"
Narinig nya yung konting tawa ni Haze
"tinatawanan mo ko?"
"Uy hindi, nagulat lang ako"
"Kakainis , wag mo na nga isipin, erase erase"
"eh, umamin kana eh"
"so wala kang reaction?"
"nagulat nga ko"
"Alam mo baka lasing lang talaga ako, tulog na nga tayo"
"Chloe"
"hmmm?"
"Mahalaga ka sakin"
"Bilang kaibigan? ok lang"
"Teka nga, patapusin mo ko"
"Alam mo Haze, Wala naman akong ineexpect eh, pinili ko lang talagang umamin say. Yes nagbabakasakali ako na baka meron, pero di ako umaasa"
"Dapat ba kong ma guilty?"
"Baliw hindi syempre, wala ka naman kasalanan,"
"di ko talaga alam sasabihin ngayon"
"I understand Haze, sige na matutulog na ko"
sabay pinatay yung call. Biglang nalungkot si Haze sa nangyari. Nagulat talaga sya at di nya alam paano mag rereact kaya ganun. Pero susubukan nyang kausapin si Chloe ng personal. Mas maigi yun kesa sa tawag.
Pahiga na sana sya nang nakaramdam sya ng uhaw kaya bumaba sya para uminom ng tubig. Di na sya nagbukas nang ilaw kasi saglit lang naman. Pabalik na sya sa taas ng magulat sa kanya si Gab na pababa din ng oras na yun. Napaatras si Gab at napatid sa Hagdan pero nahawakan sya sa bewang ni Haze. Papatayuin sana sya kaso di kinaya ng braso ni Haze kaya sabay silang natumba. Nakapatong si Haze kay Gab . Nagkatinginan sila at di alam ang gagawin habang nasa ganung position. May nagbukas ng ilaw kaya nagmadali silang tumayo. Isa sa mga katulong na gulat din ng makita silang dalawa. Yung tingin pa sa kanila ay may halong malisya
"Okay lang po ba kayo?"
nagtinginan sila bago sabay na sumagot. Di na maalala ni Gab ang gagawin nya dapat kaya bumaba sya, bumalik nalang sya sa kwarto. Habang si Haze bitbit ang baso na pinag inuman nya. Paglapag nya sa side table neto, napatingin sya sa salamin. At unti unting ngumiti ng maalala yung itsura ni Gab habang nakadagan sya.
