Seduction 45 : BOOM

Magsimula sa umpisa
                                    

Wow i'm flattered that you still remember my voice! natatawang sambit nito.

What made you call? tanong ko ulit.

Well myluvs i need you to come over here for me! nangaakit na tugon nia.

No Gilbert no!!! Rinig kong sigaw ni Bernadeth.

Anong ginawa mo kay Bernadeth! sigaw ko sa kanya.

Wala pa naman pero kung hindi ka darating baka may gawin ako sa kanya! sinundan pa un nang tawa ni Margot.

Baliw ka na Margot! sigaw ko sa kanya.

Baliw sa'yo Gilbert kaya kung gusto mong makita buhay ang babaeng eto pupunta ka dito sa address na to 143 Kumabitna St. at wag na wag kang magsasama nang kahit na sino naintindihan mo! seryosong utos nia sakin.

Gilbert No wag kang pupunta dito!! narinig ko pang sigaw ni Bernadeth bago binaba ni Margot ang telepono.

Mabilis kaming sumakay nang sasakyan ni Jake, ako na ang nagdrive nang kotse nia.

Pare jan mo na lang ako ibaba sa Inaakit-akitpa Village, sobrang lapit na nun sa 143 Kumabitna St. susunod na lang ako sa'yo! pahayag ni Jake.

Mabilis kong pinatakbo ang kotse ni Jake para makarating sa address na sinabi ni Margot.

Nadatnan ko ang isang lumang gusali at walang pag aalinlangan na pumasok ako sa loob.

Nakita ko si Bernadeth na nakatali sa upuan.

Tumingin ako sa paligid pero wala akong makitang kahit sino. Mabilis akong tumakbo papalapit kay Bernadeth.

Nanlalaki ang mata nia nang makalapit ako sa kanya.

Urmmmmmm... urmmmmm.. Pinipilit magsalita ni Bernadeth pero nakaplaster ang bibig nia.

Third Person POV

Awang awa sa asawa si Gilbert kaya dahan dahan niang inalis ang ang plaster na nakalagay sa bibig nito.

Bakit ka pumunta dito?? Umalis ka na Gilbert habang wala pa sila! taboy ni Bernadeth sa kanya.

No hinding hindi kita iiwanan dito Bernadeth" tanggi ni Gilbert.

Mabilis na gumawa nang paraan si Gilbert para maalis ang pagkakatali nang kamay ni Bernadeth, pero natigilan sya nang makita niang nakakadena eto sa upuan at Lalong nalaki ang mata nia nang makita niang may dalawang bomba sa gilid nang upuan ni Bernadeth. Alam niang hindi nia basta basta maaalis ang kadena sa paa neto dahil eto nagsisilbing pin nang mga bomba.

Lumuhod si Gilbert para mayakap ang asawa, gusto niang iparamdam dito na hindi eto nag iisa.

Kinulong ni Gilbert sa mga palad nia ang mukha nang asawa.

Tumingin ka sakin Bernadeth" utos ko sa kanya.

Napatitig si Bernadeth sa mukha nang asawa, napakatagal na din nang huli nia etong mapagmasdan.

Unti unti lumalapit ang labi ni Gilbert sa mga labi nia pinikit na lang nia ang kanyang mga mata. Hindi napigilan kumawala nang luha sa kanyang mga mata after all these years hindi nia akalain na mangyayari pa to at sa ganito pang sitwasyon.

Mahal na mahal kita Bernadeth!! Ikaw lang at wala nang iba pa!! " taos pusong pahayag nia kay Bernadeth.

Bagamat puno nang takot ang dibdib ni Bernadeth kahit paano nabawasan iyon dahil sa asawa.

Mahal na mahal din kita Gilbert ni minsan hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo kahit na punong puno ako nang galit alam ko sa kaibuturan nang puso ko nagkukubli lang dun ang pagmamahal ko sa'yo! umiiyak na sagot nia kay Gilbert.

Seducing  My Ex-wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon