He told me he had to go but never told me why.
That's the thing about people who are determined to leave yet hope that their absence will not scar us. Magbibigay sila ng napakalabong dahilan sa pag-aakalang masasaktan lamang tayo ng tunay na rason.
But the truth is, being oblivious hurts us more. Not knowing will keep us hoping. It will keep us hanging on an unbreakable thread of remembering.
He came along with the first summer ray. Mainit pero magaan.
Hindi ko naman inasahan na kasabay ng huling oras ng tag-araw at ng unang patak ng ulan, ay siya ring paglisan niya.
Maulang buwan ang sumunod. Tila nangungulila rin ang ulap at pilit inaabot ang lupa. Nagbago na ang panahon pero parang hinahanap ko parin ang init ng araw sa aking balat.
And just like how summer returns every year, we're back in each other's line of path. Ilang taon na ang lumipas pero bakit parang hindi man lang ako umusad? Samantalang abot-kamay niya na ang mga bituin na sabay naming pinangarap marating noon.
Sa gitna ng nagkukumpulang mga tao, umaasa akong mapapatingin siya saakin. Kahit ilang segundo lang, sapat para maalala niya ako.
But would a shining star ever long for the warmth of a past embrace? Would he ever want a rerun of the summer when he first knew love?
____________________
with love,
lila
0311725
ESTÁS LEYENDO
Midsummer Rerun
RomanceCould a shining star ever long for the warmth of a past embrace?
