KABANATA IX: Manong Driver

Start from the beginning
                                        

Yung nangyari kanina ay hindi iyon totoo. Namamalik mata lang ako, panaginip lang lahat 'yon. Tuluyan pumikit ang mata ko, pero bago pa ako nakapikit ay nakita ko pa ang isang babae at bata bago ako dalawin ng antok.

Nagising ako sa alarm clock ng phone ko. Hinampas ako ni Dayday para patigilin ang ingay. Kinuha ko iyon sa bedside table at tinignan. Tumatawag lang pala si Jennifer.

On calling. . .

"Bakit?"

"Bad news." Napamulat ako sa pagkakapikit. Kumatok na rin si Mama sa pintoan para sabihin kakain na.

"Anong bad news?"

"Gary is dead." Para akong nabingi.

"Sino?" Paulit ko sa kanya.

"Gary is dead, natagpuan ang bangkay niya sa cr." Napatakip ako sa aking bibig. Diba, nagkita pa kami kagabi? Paano siya namatay? Nakasama ko pa siya kagabi. Sinabihan niya pa akong tumakbo.

"Mara, are you listening? Hey, we need you right now. Nasaan kaba?" Napalingap ako sa paligid, okay nandito pa pala kami sa Mansyon ng Caravanio.

"Nandito kami ngayon sa bahay ng  pamilya niya, binuburol na siya." Napatulala muna ako ng ilang saglit. Totoo ba talaga 'yon kagabi? Hindi ba talaga 'yon panaginip? Si Gary ba talaga ang nakita ko kagabi? Kasama ko siya, diba? Kung wala na siya, sino ang kasama ko sa gabing 'yon?

"Pupunta ako. Ipaliwanag mo sa akin lahat mamaya." Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at dumiritso sa cr. Naligo ako doon at nagbihis, may nadala kasing damit si Mama.

End Calling. . .

Bumaba agad ako sa hagdan at nakita ko sila kumakain. Masayang nakipagkwentuhan si Dayday kay Kuya Henry, ang lakas nga ng tawa.
Tumikhim para agawin ang atensyon nila.

"Mara, kumain kana. Kakain na tayo. Umupo ako katabi nina Mama at Papa. Napasulyap ako banda kay Kuya Henry, nagtama ang mata namin, tipid siyang ngumiti sa akin kaya tipid ko rin siyang nginitian.

"Pa, pwede bang mauna na ako umuwi ngayon? Namatay kasi kabarkada ko, makikiramay lang sana."  Napatigil si Papa sa pagsubo.

"Sino?" Tanong nito.

"Si Gary po, yung dinala namin noon na kaklase namin." Hindi niya pinakain ang sinabi ko.

"Magpaalam ka sa Ate mo," tumingin ako kay Ate. Ngumiti siya sa akin.

"Ate, pwede ba?"

"Of course, kailangan ka rin ng kaibigan mo. Ipapahatid kita sa driver ng Kuya mo."

"Salamat Ate," tumayo ako, pumunta ako sa kinaroroonan niya at niyakap siya ng mahigpit.

"Kumain kana."

"Doon nalang Ate, nagmamadali ako." Niyakap ko ulit siya bago sina Mama at Papa. Siyempre hindi ko rin nakalimutan yakapin ang nag-iisa namin bunso.

"Tawagan mo ako kapag nakarating kana." Tumango ako sa kanila bago sumaludo.

Dali-dali akong lumabas sa main door, may nagpark agad na kotse. Lumabas ang isang lalaki nakabarong.

"Kayo po ba ang maghahatid sa akin?" Tumango siya, pero hindi sumagot, tango lang talaga.

Bakit siya nakabarong?

At dahil nagmamadali ako ay sumakay na ako sa kotse, pero pagkapasok ko ay alikabok, hindi ba ito nilinisan.

Pinaandar niya ang kotse haggang sa makalabas kami sa gate.

"Manong may okasyon ba? Bakit po kayo nakabarong?" Hindi siya sumagot.

"Ituturo ko nalang po sa inyo ang daan." Hindi ko nakita sa side mirror ang pagtango niya, kaya ayun kamot batok lang ang nagawa ko.

Minsan ay nakikita ko siya tumitingin sa side mirror, kapag nakikita ko iyon ay nginingitian ko siya. Tahimik sa loob kaya hindi na ako nag-abalang magsalita, mapapagod pang ako. Nonchalant yata 'tong driver ni Kuya Henry.

"Manong, pwede po bang pakihanaan yung aircon, malamig kasi." Hindi niya ulit pinansin ang sinabi ko. Napabuntong hininga ako at hindi nalang siya pinansin, titiisin ko nalang muna ang lamig..

Nakarating kami sa bahay ng pamilya ni Gary, lumabas ako at nagpasalamat sa driver.

"Salamat po, at sorry ulit sa abala." Hindi niya ulit ako pinansin. Bigla naman lumabas si Jennifer kasama ang mga tropa.

"Mara, bakit ngayon kalang? Kanina ka pa namin hinihintay."

"Sino naghatid sayo?" Si Jarren ang nagtanong.

"Ahh yung driver ni Kuya Henry, Teka ipakilala k-- halah! Nasaan iyon?" Hinanap ko ang kotse pero wala na iyon sa harapan ko.

"Nandito pa yong kotse kanina. Nasaan 'yon? Umalis na ba si Manong?" Tanong ko sa aking sarili. Hinawakan ako ni Jennifer. Tinignan ko ang unahan, wala naman. Kinausap ko pa nga si Manong kanina, nonchalant nga.

"Clyden nakita mo bang may umalis na kotse?" Umiling siya.

"Ikaw Harold?" Umiling din siya.

"Kanina? May katabi akong kotse, nakita niyo ako may kinakausap, diba?" Natataranta sa boses ko, hindi dapat ako magkamali.

"Wala kaming nakita kotse Mara, kanina pa kami nag-aabang sayo, wala namang naghatid sayo, ikaw lang mag-isa ang nakita namin." Paliwanag ni Jarren, napahawak ako sa aking buhok.

"May kasama ako bago ako nakarating dito Jarren, maniwala kayo." Naiinis na ang boses ko.

"Mara, wala talaga e, nakita ka namin mag-isa, akala ko nga ay naglakad kalang papunta dito."

"May kasama nga kasi ako." Depensa ko. Wala akong pakialam kung mukha ako baliw.

"Huminahon ka muna," si Harold ang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Baka pagod lang yan." Na-iestress na ako. Sino ba'yong kausap ko kanina? Nakasakay ako kanina sa kotse, diba? Nagpasalamat pa ako kay Manong.
Nakabarong pa siya, kahit nonchalant yon ay totoo siya, hindi ako namamalik mata.

"Hindi ako pagod, totoo ang sinabi ko Harold. Maniwala ka naman sa akin." Hinalikan niya ang tuktuk ng ulo ko.

"Okay, I believe on you, kaya huminahon kana. Naniniwala kami sayo." Tumingin ako sa mga kaibigan ko, tumango sila at ngumiti sa akin.

Napatingin ako sa aking cellphone na marinig kong nag-message si Ate.

Ate Nara sent messages for you.

Ate Nara: bakit ka umalis agad? Nag-aalala kami dito, bakit di mo hinintay ang driver ng Kuya Henry  mo? Nasaan ka ngayon?

Nahulog ko ang aking cellphone, kinuha iyon ni Clyden.

Hindi ito totoo! Ibig sabihin multo yong nasakyan ko kanina?

Baliw na ako!

Who Is The Killer?Where stories live. Discover now