I rolled my eyes at him.

Corny kasi niya eh hahaha.


It turned out na nilagang baboy at lumpia pala ang niluto niya. Guess what? Ang kunat ng baboy at walang lasa yung lumpia. Ano pa nga bang inasahan ko? Di nga pala marunong magluto itong mokong na ito.


At first, nagpanggap akong masarap yung niluto niya. Syempre ayoko namang saktan ang feelings ng blueberry babe ko. Nageffort siya para pasayahin ako kaya naman ayokong madisappoint ko siya.


Kaso nung nakakalimang subo na ko, bigla na lang nagsalita si Nate.

"Ugh, magorder na nga lang tayo" Nayayamot na sabi niya.


"Huh? Bakit naman?"


"Don't even try to say nice things about this food. Alam ko namang nakakakasuka lasa, kahit yung dila ko sumusuko na"


Natawa na lang ako at nagprisintang magluto. It's a good thing na narealize niya ring hindi masarap yung luto niya, atleast hindi ako mafi-feel bad na hindi ko kinain yung mga yun.


Naisip kong magluto ng steak dahil parang nagke-crave ako don.

Naghugas muna akong kamay tapos nagstart na kong magluto.


Habang nilalagyan ko ng asin at paminta yung steak, sumilip ako kay Nate. Tahimik lang siya na nanunuod at nakatitig sa ginagawa ko. Gusto yatang matuto.


"Ikaw na magluto" Biro ko.

"Gusto mo ba talagang maging kulay itim yang steak na yan?" Inis na sagot niya.

"Hindi nga, seryoso ako"

"Seryoso pero natawa ka?"


Ang totoo kasi niyan, ayoko lang matalsikan ng mantika kaya siya yung paglulutuin ko HAHAHA.

Kinuha ko na yung frying pan since wala namang grill pan dito tapos nilagay ko sa kamay niya yung bote ng mantika.


"Pag mainit na yung pan, lagyan mo ng kaunting mantika"

"Potek, ikaw na magluto!"

"Buset ka noh, Nathan? Tinuturuan nga kita eh!"

"Di ko naman kasi kailangan matuto, strawberry bunch. Pag nagpakasal na tayo, magtatrabaho lang ako tapos ikaw, maiiwan ka sa bahay para ipagluto ako"


Inirapan ko siya pagkatapos ay nag-cross ako ng arms ko.

"Aba! Hindi naman yata pwede yan! Ano ko? Magiging katulong mo lang?"

"Parang ganun na nga. Tsaka bagay naman sayo yun e. Mukha ka naman talagang katulong he he he"


Pinatay ko muna yung apoy sa kalan kasi umuusok na yung frying pan.

"Ay hindi! Magtatrabaho din ako noh! Gusto ko rin naman ma-experience magka-work. Tsaka hindi ako nagaral ng ilang taon para lang maging may bahay mo!"

Stuck with my Forever (Stuck Series Book 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon