SYNOPSIS

6 0 0
                                        


☾: Moonlight Academy

"Oh tapos?"

Palihim akong napa-irap dahil sa kadaldalan ni Yulo. Imbes na suwayin siya at pag aksayahan siya nang laway ay itinuon ko nalang ang pansin sa daan.

Simula nang paglalakbay naming dalawa ay hindi na matigil ang pag putak nang bibig niya. Kung ano-ano nalang naiisipan nitong sabihin o itanong basta lang na kumibot ang bibig niya.

"Ano bang gagawin mo do'n?"

Nakasimangot itong nakatingin sakin habang sinasabayan ang paglalakad ko. Kanina pa kami lumulusot sa masisikip na iskinita, sa hilagang bahagi ng central capital. Ang alam ko ilang liko nalang ay nasa liwasan na kami.

"Bibisitahin ko si Qwin."

Maigsing sagot ko. Sampung taon narin ang lumipas nang mamatay siya, at sa ikalawang pagkakataon pa lamang akong makakabisita sa puntod niya.

"Alam mo namang delikado ang academia."

Pagbababala nito. Ang puntod ni Qwin ay nasa tuktok ng burol na katapat lamang ng academia. Andito nalang rin ako sa central capital ay pagkakataon ko na ito para puntahan si Qwin.

Delikado, oo. Dahil maraming mga guardians ang nag kalat sa paligid nang academia. Hindi lang basta mga guardians pati narin ang mahika.


Ilang sandali pa ay nasa tapat na kami nang liwasan.

"Psst."

Nilingon ko si Yulo na ngayo'y naka nguso ang bibig sa direksyon nang mga kabayong naka tali sa gilid nang tindahan. Tinanguan ko lang siya saka ngumisi nang bahagya.

Maingat Kong ibinaba ang isang sako nang kalakal namin saka sinuyod ang paligid. Medyo malayo ang tindahang ito sa kabahayan dahil nasa labas na ito nang liwasan sa gilid mismo nang malaki at matatayog na pader nang central capital, nasa labas ito naka tayo.

"Anong kailangan nyo?"

Palihim akong napamura nang lumabas ang isang matandang babaeng kuba na may hawak-hawak na palakol. Madungis ang suot nito, nakapaskil pa sa kanyang mukha ang ngiti na labas ang sira-sirang ngipin.

"Mga manlalakbay ho kami, gusto naming bilhin ang kabayong ito"

Sagot ko sa kanya pansin ko naman ang pagka balisa ni Yulo bukod kasi sa Wala kaming ginto ay Wala ring halaga ang kalakal naming dalawa.

"Sampung pilak para sa isang to."

Nakangising Ani nang matanda. Sa totoo lang nakakabahala ang pagmumukha nito halatang walang dulot na maganda saming dalawa ni Yulo.

"Sige."

Sambit ko. Marahan akong lumapit kay Yulo.

"Mabuti nalang may kunti akong kaalaman."

Sambit nito. Kabado ma'y dumampo't ito nang sampong maliliit na bato at inilabas ang puting maliit na papel na may kaunting kinang sabay nang pag usal nito sa bawat salita nang  encantasyon na naka sulat roon.

"El vieoro sev."

Ilang sandali pa'y nag iba ang itusra nang maliliit na bato, naging pilak ito kasabay nang pagka abo nang papel.

Mabilis na ibinigay ko ang pilak saka madaliang kinuha ang kabayo. Hindi na ako nag aksaya pa nang oras at hinila sa Yulo pasakay sa kabayo saka kami umalis nang walang lingon.

Moonlight Academy Where stories live. Discover now