Chapter 23 PART 1: 2nd Ending

Start from the beginning
                                    

“Kahit konti man lang, walang nagbago sa’yo.” He used that same gentle voice as he said these words, making me feel sick. Alam ko na kasi ang susunod niyang sasabihin matapos nito.

“Hindi ka tumanda, Chenee.” Sinabayan ko pa siya nang sabihin niya ito at kahit hindi ko siya nililingon ay alam kong nagulat siya na alam ko ang sasabihin niya.

“There’s nothing to be surprised of Kester. Alam mo na ‘yong sagot kung bakit ganito pa rin ang itsura ko. Ayaw mo lang maniwala.” sabi ko habang patuloy na naglalakad patungo sa... Hay. Hindi ko rin alam. Basta malayo sa AFU.

“Wala akong alam, Chenee.” narinig kong inosente niyang sabi sa akin.

“Meron.”

“Pa’no mo naman alam eh hindi naman ikaw ako?”

“Because you said it yourself!” sigaw ko nang tuluyan na nga kaming mahinto sa isang children’s park. Hinarap ko siya at bakas sa mukha niya ang pinaghalong gulat at pagtataka nang titigan ako.

Napatitig ako sa distansyang nakapagitna sa’min at naalala ko ang nangyari kanina. “If I step forward, what will you do?” tanong ko sa kanya at bago pa niya masagot ito ay inunahan ko na siya. “You’d make a step backward to keep the distance between us... Right? Bakit? It’s either natatakot ka sa’kin, naguguluhan, o ayaw mo na talagang mapalapit sa babaeng nang iwan sa’yo. But no matter what the reason is, the thing I know is that you’ll keep a safe distance whenever I try to get near you.”

“Pa-”

Bago pa niya maituloy ang tanong niya ay itinaas ko na ang kanang kamay ko sa harap niya. I don’t want to hear it.

“How old am I when we met?” tanong ko.

“Seventeen? Eighteen?”

“Seventeen.” sabi ko at tinitigan siya sa kanyang mga mata. “If I told you, I’m still seventeen today, what will you say?” Lumaki ang mga mata niya at halatang pailing na siya sa kanyang ulo nang inunahan ko siyang muli. “Sasabihin mong imposible. Pero kapag sinabi kong ‘yon ang totoo, iisipin mong bampira ako. Tama ako, Kester?”

Tila tumigil siya sa paghinga nang igalaw niya ang kanyang ulo, taas-baba. “Paano?” Halos hindi ko na marinig ang boses niya, buti nalang at kahit papano’y tahimik sa lugar na kinatatayuan namin.

“Isipin mo. Or shall I say, alalalahanin mo ang mga nabasa mo sa notebook ni Ginny.”

Then, he held his breath and I knew that on that moment, he already understood what I meant.

His stared at me and I knew that sooner he’ll burst into fury so before it happens, I turned my back against him.

“Magagalit ka na. Alam ko. Kasi hindi ko sinabi sa’yo pero alam ni Kervin. You can now have the floor. But please, allow me not to look at you. Dahil hindi ako sanay na nakikita kang galit sa’kin.”

Huminga ako ng malalim habang hinihintay ang pagsigaw niya sa’kin. Pero nang magsalita na siya ay hindi ito pasigaw. Ramdam kong nagpipigil lang siya sa galit niya marahil na rin sa nauna kong sinabi. “Alam mo na pala ang ikinagagalit ko, hindi ko nalang uulitin. Pero sagutin mo pa rin kung bakit.”

“Kasi bawal. Hindi ka taga AFU and we’re not allowed to directly divulge anything about the happenings in the school with those who aren’t part of our community. ”

“Ah.” That was his only reponse and I heard a stone rolling on the ground. Sinipa na naman yata niya ito. “Can I ask you a question?”

“Yes.”

“Kanina nang makita mo ako... sabi mo nabuhay ako ulit. Ibig sabihin ba non namatay ako Chenee?”

Ako naman ang natigilan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I know I could just answer him with a Yes but what will he say when I answer him so? Hindi naman niya ito naitanong noong una naming pagkikita.

DESTINEDWhere stories live. Discover now