Chapter 23 PART 1: 2nd Ending

Start from the beginning
                                    

*~*~*

Nang nasa guard house na ako ay inaasahan ko na ang tanong ni Manong na “May boyfriend ka na, iha?” At tulad nang ginawa ko kanina ay nginitian ko lang siya bago tuluyang tumapak sa labas ng school premises.

And everything felt like deja vu. Mula sa pagdaan ng mga parehong jeep sa harapan ko hanggang sa pag-alok ng Ale ng upuan sa’kin para ako’y maupo. Hindi ko alam pero tumaas lahat ng balahibo ko nang tinanggihan ko siyang muli. Hindi kaya dahil alam kong parating na si Kester ilang minuto mula ngayon? O dahil alam kong ginugulo kong muli ang oras?

Sh*t, wala naman sigurong ibang pwedeng mangyari ngayon, diba? I mean, I was given a chance and what else will I do with it? Edi gagamitin ko para maitama ang lahat ng nangyari. Hindi ba’t tama naman itong gagawin ko?

Pero bago ko pa masagot ang sarili kong tanong ay narinig ko na ang boses niya. Kaparehong-kapareho sa narinig ko kanina, “Chenee?”

And everything slow down once again. Naramdaman kong muli ang pagbagal ng oras na tila may kung sino mang gumalaw rito. Halos hindi ko na rin maigalaw ang katawan ko. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Hearing his voice once again, calling my name was just so overwhelming that tears started to form in my eyes.

Nang tuluyan na akong napaharap sa kanya, hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumakbo ako at niyakap siya nang mahigpit na mahigpit. I know it has just been hours since he I saw him dead but I couldn’t help but cry seeing him breathing, looking at me in the eye, and feeling his warm body against mine.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at palipat-lipat ang tingin ko sa bawat bahagi ng mukha niya. May kulay pa siya. Gumagalaw ang mga mata niya. At humihinga siya.

Pinisil ko rin ang pisngi niya at hindi ko mapigilang matawa habang umiiyak nang dumaing siya sa sobrang lakas nito. Sh*t, hindi siya imahinasyon. Totoo siya!

“Nabuhay ka ulit. Hindi ako makapaniwala, Kester!” Muling bumuhos ang luha ko mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa mukha niya. I don’t think I ‘d want to let him go.

“Chenee, anong ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong habang titig na titig sa’kin.

I wiped my tears away and tried to talk normal. “I can’t say it right now. Can we find a more suitable place to talk?”

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid upang makapaghanap nang magandang lugar na pag-uusapan pero muling nabalik ang atensyon ko kay Kester nang sumagot siya.

“Pwede namang dito nalang.”

“Hindi pwede!” halos pasigaw kong sagot sa kanya nang maalala ang nangyari kanina. Mukha siyang nagulat sa inasta ko dahil namilog ang mga mata niya kaya kaagad akong napahigpit ng hawak sa damit ko sabay baba ng boses ko upang bawasan ang tensyon na nararamdaman ko. “Please Kester. We really need to get out from this place. Trust me. I don’t want to lose you for the second time.”

Napatitig siya sa’kin at sa bawat segundong lumilipas na hindi siya sumasagot ay mas lalo akong kinakabahan. Naisip ko na ring kaladkarin nalang siya kapag hindi siya pumayag pero sobrang pasasalamat ko na sumama siya sa’kin na wala ng kahit ano mang tanong pa. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagmamakaawa ko kaya siya pumayag, basta ang mahalaga mailayo ko siya rito sa harap ng AFU.

Naglakad na kami palayo sa University. At ang ingay lang sa kalsada ang tanging pumapagitna sa’min. Hindi kasi siya nagsasalita habang ako naman ay abala sa paghila sa kanya upang mas mabilis kaming makalayo.

Ngunit, hindi na yata kinaya ng kuryosidad niya ang katahimikan. He blurted those same sentences he said to me earlier.

“You did not change.” Yes, I did not.

DESTINEDWhere stories live. Discover now