Chapter 23 PART 1: 2nd Ending

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit mo pa kasi sinalo ‘yong bala Kester? It was meant for me, wasn’t it? You should have allowed me to take it. Because it was suppose to be my end, not yours!

“Sana hindi nalang kayo nagkita. Sana hindi ka nalang niya pinuntahan!”

Ang mga salitang binitawan niya ang tuluyang pumukaw sa akin.

Sana. Sana hindi...

Pero hanggang sana nalang ‘yan Ginny dahil nangyari na, eh. It was like a movie. Each scene directed to be that way. Nagkita kami. Napagmasdan ko ang pagbabago na nangyari sa kanya simula nang iwan ko siya. Tinanong niya ako. Sinagot ko siya. Nagalit siya. Nagtanong siya ulit. Pero hindi na ako nakasagot. Dahil may namaril. And it was supposed to be me. Ako dapat ang matatamaan. Pero siya ang sumalo ng bala at namatay.

But unlike movies, I could have acted according to my own will. Because I’m in reality! Wala akong script na sinusunod at ako ang direktor ng sarili kong buhay. I could have done something different to change the ending. Kaso nang mga panahong ‘yon, nawala ako sa isipan ko.

Kung sana nga lang naiintindihan ako ang mga nangyayari ng mga oras na ‘yon habang nakatitig ako sa kanya... Kung alam ko lang na rin na may kung anong mangyayari sa’kin... O kahit sana nakinig man lang ako sa mga salitang isinigaw niya... buhay pa sana siya ngayon.

Tinitigan ko si Ginny na may nag-aakusang tingin sa’kin at sa ‘di inaasahan, narinig ko nalang ang sarili ko na nagsabing, “Sorry, Ginny.”

Ginny’s eyes widened for a split second but her brows slowly formed a creased and I heard her shout at me again. “Mababalik ba niyang sorry mo ang buhay ni Kester? Ha Chenee?!”

Binalot ako ng hiya nang marinig ang tanong niya. Maibabalik nga ba? Siyempre hindi. Kahit ilang sorry pa ang sambitin ko, hinding-hindi ko na siya maibabalik. Hindi na ulit siya hihinga pa. Hindi na muling titibok ang puso niya.

“Ano, Chenee? Hindi, diba?” Her tone was mocking me. And I suddenly felt so small under her gaze. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag alam mong kasalanan mo ang lahat?

“Sumagot ka Chenee! Maibabalik ba ng walang kwenta mong sorry si Kester?!”

I locked up my gaze on her as I slowly uttered my answer, trying to find the right words to explain to her how I feel for this lost. “Hindi. Hindi maibabalik ng sorry ko si Kester, Ginny pero...”

“Pero ano Chenee?”

And realization hit me! Parang sa isang gabing sobrang dilim tulad ngayon ay biglang sumikat ang araw at binigyan ulit ako ng pag-asa. I know it sounds like a miracle because it is actually a miracle! A miracle that is yet to be witness by me.

Mabilis akong napatayo at napatingin sa matigas katawan ni Kester na nasa kama pa rin.

I could still make him breathe the same air as I do. I could make his heart beat once again. I could still bring him to life... because I could start all over again!

“At sa’n ka pupunta?!” Bago ko pa siya tuluyang malagpasan ay nahawakan ako ni Ginny sa braso.

I abruptly turned to her and said these words in one breath, “Pwede ko pa siyang buhayin. Mabubuhay ulit si Kester.”

Her brows turned into a knot but I used her confusion to get away from her grip. Atsaka ako tuluyang tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ginny sa’kin pero hindi ko na siya nilingon.

Ginamit ko nalang ang lahat ng natitira kong enerhiya para madaling makalabas ng ospital at makauwi sa dormitory.

And inside my room, the solution lies.

DESTINEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon