Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong tubig. Napatayo siya bigla ng makita niya akong tila nabulunan. Nabulunan sa tubig? Seriously, Jacky?

Hinimas-himas niya yung likod ko pagkalapit niya saken.

"Ayos ka lang ba?" aniya habang patuloy sa paghimas sa likod ko.

Tumango ako bilang sagot. Nakakagulat naman kasi yung tanong niya. Wagas na wagas eh!

Bumalik na siya sa upuan niya ng makasiguro siyang maayos na ako. Tumingin siya sa mga mata ko na tila naghihintay ng sagot.

"Bakit naman kasi ganun ang tanong mo!" yan ang nasabi ko.

Halatang nadismaya siya sa sinabi ko. Alam ko namang gusto niyang marinig eh "oo, gusto ko na ring magka-anak". Pero hello? Wala man lang ba munang "will you marry me?" anak agad-agad?

Natahimik na lang siya. Di na niya inungkat yung tanong niya na yun hanggang sa umuwi na kami.

__________

Malinis ang buong unit pagdating namin. Mukhang sineryoso ni Mica yung banta ni Maico kanina. Pati sahig sobrang kintab. Ayos ah, marunong naman palang maglinis eh.

"Good evening!" pasigaw pa na salubong sa amin ni Mica.

"Oh bakit nandito ka pa?" ani Maico bilang tugon.

Nag-pout si Mica saka kumapit sa braso ko.

"Buti napagti-tiyagaan mo yang isang yan. Alam mo nagbago na isip ko nung sinabi ko sayong bagay ka sa Kuya ko eh. Masyado kang mabait para sa kanya." pabulong yung pagkakasabi ni Mica pero alam kong naririnig ni Maico.

"Gusto mo talagang maputulan ng card?" pagbabanta ni Maico.

"Eto namang si Kuya di na mabiro! Bagay na bagay kaya kayo!"

Natawa na lang ako sa magkapatid.

"Kumain ka na ba Mica?"

"Yep! Nilubos ko na yung paglilinis ko dito. Nagluto na rin ako." nakangiting sabi ni Mica.

"Psss." napatignin ako kay Maico. Naka-smirk siya.

Tinignan ko siya sa nagtatanong na mata.

"Wag kang nagpapaniwala jan. Umupa yan ng maglilinis dito. Ni hindi nga yan marunong magwalis eh." ani Maico.

"Hehe." si Mica. Nakakaloko yung ngiti niya. Bumitaw siya sa pagkakakapit sa braso ko at lumipat kay Maico. "Malinis naman na dito oh. Ok na tayo ha Kuya? I love you!" aniya pa sabay yakap.

"Ayyy. Lumayo-layo ka nga saken." ani Maico habang hawak sa ulo si Mica at nilalayo sa kanya.

Bumitaw naman si Mica. Sumimangot siya na parang bata na ayaw bigyan ng candy.

"Oo na. Umuwi ka na. Di ko na ipapaputol ang card mo."

Ngumiti ng malapad si Mica saka yumakap ulit kay Maico "thank you Kuya!!"

__________

Katabi ko ngayon si Maico. Ayaw kasing umuwi. Dito daw siya matutulog at gusto niya akong kasama. Yung walang nakikiagaw na isip-bata. Yan mismo sinabi niya kanina. Si Mica naman, nasa kabilang kwarto. Ayaw ding umuwi.

"Beauty." si Maico sabay yakap sa akin mula sa likod.

"Beast." sabi ko.

Di siya nagsalita pero naramdaman ko ang mga labi niya sa buhok ko. Pati yung kanang kamay niyang nakayakap sa akin umangat at dinadama ngayon ang kaliwang dibdib ko. Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niya kanina na gusto niya ng anak. Naku naman eh hindi pa ako handa! Saka wala ba talaga munang kasal??

Hinawakan ko yung kamay niya para sana alisin yun pero napatigil ako ng maramdaman ko naman ang labi niya sa batok ko. Damang dama ko rin yung sandata niya na tumutusok sa likod ko. Mukhang di na talaga ito papipigil. Kunsabagay, mula nang bumalik siya at naging kami eh di pa kami nagsiping ni minsan. Oo magkatabi kami pero walang nagyayari. Magkayakap lang kami magdamag.

Iniharap niya ako at nagsimula siyang halikan ang mga labi ko. Sabik na sabik siya na tila mauubusan. Akmang aalisin niya ang blouse ko ng bumukas ang pinto. Agad akong kumawala sa yakap niya. Buti na lang at madilim. Mukha namang di niya napansin na gumagawa kami ng milagro.

"Patulog dito. Natatakot ako sa kabila eh." may takot pa sa boses ni Mica.

Tuluyan na siyang pumasok ng kwarto at isinara yung pinto.

"Kelan ka pa natakot matulog mag-isa?" pabalang na sabi ni Maico.

"Eh kasi naaalala ko yung pinanood kong horror kanina eh. Natatakot ako. Dito muna ako Ate Jacky, please."

"Di ka---" hinawakan ko sa braso si Maico para patigilin siya sa pagsasalita.

Saglit muna akong natahimik pero sumagot din. "Ok. Mahiga ka na dito."

"Yehey!" si Mica sabay higa sa tabi ko.

Narinig ko pa yung inis na pagbuga ni Maico ng hininga at saka siya nagdadabog na humiga ng maayos. Napangiti ako sa inasta niya. Naiintindihan ko naman eh. Ikaw na ang bitin!

to be continued...

The Nerdy Rebound GirlWhere stories live. Discover now