Chapter 5: Meeting Mr. Vampire

226 7 0
                                    

Lumabas ako sa kuarto na may scarf sa leeg. Ito lang ang tanging paraan na alam ko para itago ang mga pasa ko. I've tried concealing it pero mahahalata padin ng konti. Manipis lang na scarf to parang panyo lang kaya hindi masyadong mainit.

Bumaba ako sa kusina nandun na silang lahat, kumakain ng breakfast.

"Oh Yulla, halika na" sabi ni mama.

"What's with the scarf ate?" biglang tanong ni Elliot.

"Shut up Elli" sabay kindat sakanya.

Sinabi ko kina Mom at Dad na masakit yung lalamunan ko. I think they buy my lie. Na guguilty ako hindi kasi ako nagsisinungaling sa kanila.

Pumasok ako sa classroom ng first period. All eyes on me again. Yung iba ang sama talaga ng tingin. Titignan ako tas mag bubulungan. Naglakad ako sa upuan ko. Wala pa si Aria sa upuan niya. Wag sanang mag absent yun.

Bago pa man mag ring yung bell nakita ko si Aria na pumasok sa classroom. Ay buti naman at pumasok to. Nag hi siya saakin at umupo sa upuan niya. Natapos ang klase namin at lunch na. It means wala na akong gagawin. Naglakad kami ni Aria papunta ng dining hall.

Nakarating na kami sa table at nandun na ulit yung tatlo.

"Oh Yulla, Okay ka naba?" tanong ni Cole saakin.

Naala ko bigla yung sabi ni Elliot na may nag buhat daw saakin sa clinic.

"Ah, Ikaw ba yung nagbuhat saakin sa clinic na sabi ng kapatid ko?" nahiya kong pagtanong sakanya.

Kinamot niya yung batok niya at ngumiti saakin.

"Ah, Oo. Malapit ako nun eh" sabi niya.

"Thank you ah" sabi ko. nagiinit yung pisngi ko.

"Ano ba ang nangyari sayo Yulla?" biglang tanong ni Aria.

"Dehydrate" tipid kong sinabi.

Narinig ko naman na tumawa si Venus at ngumisi.

Sumama ako kay Cole sa Field no. 2 para kausapin ang mga kapatid ko. Naglalakad kami sa hall palabas ng building hindi kami nag iimikan basta naglakad nalang ako at sinundan ko siya. Tamang tama na lumabas kami sa building isang malaking field ang tumambad saakin.

"Nandito na tayo. Umupo ka nalang sa bench na yun at ako na ang magtatawag sa mga kapatid mo, Ano palang mga pangalan nila?"

"Ah? Naku Okay lang na.." natigilan ako nung nakatitig lang siya saakin. Para bang sinasabi niya na sabihin ko nalang yung pangalan ng mga kapatid ko.

"Elliot at Piper" pag kasabi ko nun umalis na siya ant pumunta sa napakaraming students sa field.

Naghintay ako sa bench at nag basa muna ng libro.

"Ate!" narinig ko ang sigaw ni Piper. Ibinaba ko ang libro ko at nakita ang kapatid ko na tumatakbo papunta sa direction ko. Nakasunod naman si Elliot sakanya.

"Ate ano yun?" Pagtatanong ni Piper.

Hinintay ko munang makalapit si Elliot bago magsalita.

"Hihintayin ko na kayo. Text oh tawagan niyo ako pagtapos na kayo at kita-kita tayo sa lobby" paguutos ko sakanila.

"Okay!" Sabi ni Piper at tumango lang si Elliot. At bumalik na sila sa field.

Naglakad ako papasok sa building. Pumunta ako sa locker ko para ilagay yung mga gamit ko. Isasara ko na sana yung pinto ng may narinig akong nagtatalo sa hallway. Hindi ata nila ako napansin dito. Sabagay parang nakatago ako sa isang maliit na pader.

Tinignan ko kung sino sila, Isang babae at isang lalaki Vampire ang mga ito.

"Bat mo naman ginawa yun? Tanga ka na ba?" Sabi ng babae.

"Nagulat ako! Her scent is different. " biglang sabi nung lalaki

"Are you insane? Kahit na! Tao siya and we never hurt a human tandaan mo yan!" Sigaw nung babae.

Ako ba ang pinaguusapan nila?

"Tss, why are you even making a fuss out of it, She didn't die?" Bored na sagot nung lalaki.

"What if she did? Paano kung hindi mo nakuntrol ang bloodlust mo? Malaking gulo yun!" Sigaw ulit ng babae.

Bat ba ako nakikinig dito? Hindi na ako nakagalaw sa pwesto ko. Ni hindi ko maisara ang locker ko. Baka malaman nila na nandito ako.

"Urgh! Okay I get your point! You can go now" narinig kong sabi nung lalake.

Narinig ko ang pagyapak ng heels ng babae. Hanggang sa nawala na ito.

Tapos na sila? Buti naman.

Maglalakad na sana ako nung biglang nag salita yung lalake.

"Eavesdropping. Alam kong nandyan ka" sabi nung lalaki. Hindi ako gumalaw. Baka mabisto na narinig ko yung away nila.

Narinig kong palapit na yung lalaki at nakatayo parin ako sa locker ko.

Naramdaman kong may kumuldit saakin sa likod. Ayaw kong humarap shet natatakot ako. Waaa.

Ano ba Yulla! Humarap ka nalang at sabihin na wala kang narinig! Sigaw ng isip ko. Tama!

Humarap ako at nakita ang pinaka gwapong nilalang sa mundong ito!

Ang mga mata niya ang una kong nakita. Violet. No Dark Violet! Nakakapangilabot pero nakakamangha! Ang tangos ng ilong nito at ang mga labi nito at napaka kissable! Ang tangkad din niya 6 footer ata to eh.

"Done checking me out?" Narinig ko an boses niya. Ay so masculine. Hindi siya mababa hindi rin matinis. Perfect lang.

"Ha? Feeling!" Bigla kong sabi sakanya.

Tumawa siya at tinitigan ako sa mata. His dark violet eyes are so beautiful, I could stare at it all day! Inalis ko ang tingin ko sakanya.

Nagulat ako nung bigla niyang kinuha yung isa sa mga notebook ko.

"Hoy! Ala! Wag mong kunin yan!" Sabi ko habang hinihila ang notebook ko.

Nabitiwan ko ito at tumakbo na siya. Hahabulin ko sana siya pero nagulat ako nung nag ring yung bell ng break sa hapon at nagsilabasan na ang mga students.

"Oh! I'm Lucas Thompson" sigaw nung bampira na kumuha ng notebook ko.

CASSIOPEIA SCHOOLWhere stories live. Discover now