PROLOGUE

5 1 0
                                        

Luna’s POV

“Mabilis ka, Luna!” sigaw ni Theo habang tumatakbo kami sa malawak na playground.

Natawa ako at lalo pang binilisan ang pagtakbo. Hindi ako pwedeng mahuli! Lagi na lang akong talo kay Theo sa lahat ng laro namin—tagu-taguan, luksong tinik, at kahit sa jackstone! Pero ngayon, pakiramdam ko, may chance akong manalo.

“Taya ka, Theo!” sigaw ko habang umiiwas sa kamay niyang pilit akong inaabot.

“Aba! Ang bilis mo na ngayon, ah!” sagot niya, hinahabol pa rin ako.

Pakiramdam ko, para kaming nasa sarili naming mundo, kami lang dalawa, walang ibang iniisip kundi ang saya ng paglalaro. Pero hindi nagtagal, nadapa ako. Napakapit ako sa damuhan, ramdam ang kirot sa tuhod ko.

“Luna!” agad na lumapit si Theo, nakaluhod sa harapan ko. Nasaktan ka ba?”

Napangiwi ako at tumango. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang maliit niyang panyo sa bulsa. Agad niyang pinunasan ang sugat ko, parang isang nag-aalalang kapatid.

“Dapat kasi, hindi mo na binilisan masyado” sabi niya, kita ang pag-aalala sa mukha niya.

“Pero ang galing mo kanina! Akala ko matatalo mo na ako.”

Napangiti ako kahit masakit pa rin ang sugat ko. “Talaga?”

“Oo naman! Ikaw ang pinaka-mabilis na bata na kilala ko!” sagot niya habang hinipan ang sugat ko, gaya ng ginagawa ng nanay niya sa tuwing may sugat siya. “Ayan, hindi na masakit, ‘di ba?”

Tumango ako. Totoo naman, hindi na masyadong masakit… o baka kasi nandito si Theo, kaya parang kaya ko na ulit tumayo.

“Tara na!” inalok niya ang kamay niya sa akin. “Lalaro pa tayo, ‘di ba?”

Hinawakan ko ang kamay niya, at kahit masakit pa ang sugat ko, ngumiti ako.

Kasi kay Theo, hindi ako natatakot madapa.

Alam ko kasing palagi niya akong sasaluhin.

O at least, ‘yun ang akala ko...

Mula sa playground, dinala ako ni Theo sa ilalim ng malaking puno sa tabi ng park. Doon kami madalas magpahinga pagkatapos maglaro. Umupo kami sa damuhan, at ramdam ko pa rin ang hapdi ng sugat ko, pero hindi ko na iyon masyadong iniinda.

"Sigurado ka bang hindi na masakit?" tanong niya ulit, nakakunot ang noo habang tinitingnan ang tuhod ko.

Ngumiti ako at tumango. "Hindi na masyado. Kasi ikaw ang naghilot!"

Napangiti siya, parang natutuwa sa sinabi ko. "Siyempre! Ako ang best friend mo, kaya ako ang tagapagtanggol mo!"

“Tagapagtanggol?” Napataas ang kilay ko.

Tumango siya nang seryoso. “Oo! Kapag may nanakit sa’yo, ako ang lalaban para sa’yo! Kahit sino pa ‘yun!”

Napatawa ako sa sobrang seryoso ng mukha niya. “Talaga? Paano kung lalaki ‘yung kalaban mo? Malaki?”

“Eh ‘di lalaban pa rin ako!” bumilog ang mga mata niya, halatang determinado. “Kasi si Luna ‘yon! Hindi ko hahayaan na may makasakit sa’yo.”

Ang simpleng sinabi niyang ‘yon ay parang isang pangako...isang pangakong pinaniwalaan ko ng buong puso.


Habang nakaupo kami sa ilalim ng puno, tinuro niya ang langit na puno ng bituin.

“Tingnan mo, ang daming stars!” sabi niya, ang mata niya nagniningning sa tuwa.

Tumingala ako at tumango. “Oo nga… Ang dami nila.”

“Gusto ko silang abutin...” bulong niya. “Gusto kong makuha ang pinakamaningning na star.”

Napaisip ako. "Pero paano kung habang hinahabol mo ang mga bituin, mawala mo ang buwan?"

Napakunot-noo siya. "Ano ibig mong sabihin?"

"Ang buwan," sabi ko, nakatingin pa rin sa langit. "Siya ‘yung nagbibigay ng liwanag sa dilim. Kahit wala masyadong bituin, nandiyan pa rin siya." Tumingin ako sa kanya.

"Paano kung sa kakahanap mo ng pinakamagandang bituin… hindi mo na napansin na nawala na pala ‘yung buwan sa tabi mo?"

Napangiti siya, hindi yata lubusang naiintindihan ang ibig kong sabihin. "Hindi mangyayari ‘yon, Luna. Kasi kahit anong mangyari, nandito ka lang naman palagi, ‘di ba?"

Bigla akong natigilan.

“Oo…” bulong ko, kahit may kung anong kirot akong nararamdaman sa dibdib.

Sa murang edad, hindi ko pa alam kung bakit may kakaibang lungkot sa puso ko nang marinig ko ‘yon.

Hindi ko pa alam kung bakit parang may isang parte ng sarili kong nagsasabing…

Baka isang araw, hindi na ako ang buwan na napapansin niya.

Dumaan ang ilang minuto na tahimik lang kaming nakatingin sa langit. Ang mga bituin ay kumikislap sa itim na kalangitan, habang ang buwan ay maliwanag na nakasabit sa itaas... parang isang matiyagang tagamasid.

Si Theo ang unang bumasag sa katahimikan. “Luna, kapag malaki na tayo, gusto kong maging astronaut.”

Napatingin ako sa kanya. “Astronaut?”

Tumango siya, puno ng determinasyon ang mukha niya. “Oo! Para makita ko nang malapitan ang mga bituin! Gusto kong malaman kung alin sa kanila ang pinakamaganda, kung alin ang pinaka-makinang!”

Napakagat-labi ako. “Eh… paano naman ako?”

“Huh?” Nilingon niya ako, halatang naguguluhan sa tanong ko.

"Paano kung… habang hinahanap mo ang pinakamaningning na bituin, makalimutan mo na ako?"

Natawa siya. “Ano ka ba, Luna? Paano naman kita makakalimutan?” Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. “Ikaw pa rin ang best friend ko! Kahit makarating ako sa buwan, babalik pa rin ako sa’yo.”

May kung anong init ang bumalot sa puso ko sa sinabi niya. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na kahit saan siya mapunta, kahit gaano kataas ang marating niya, hindi niya ako iiwan.

Kasi siya si Theo.

At ako si Luna...ang buwan na palaging nasa tabi niya.


“Luna! Theo! Uwian na!” sigaw ng nanay ko mula sa malayo.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo agad. “Tara na!”

Tumayo rin ako at tinignan siya. “Promise, Theo, kahit astronaut ka na, hindi mo ako kakalimutan?”

Napahinto siya saglit, tapos tumango. “Promise!” Sabay tinaas niya ang pinky finger niya.

Ngumiti ako at inabot ang pinky ko, sabay itali ang munting pangakong iyon. “Pinky promise ha?”

Ngumiti rin sya...

At doon, sa ilalim ng liwanag ng buwan, naniwala ako na kahit anong mangyari, hindi niya ako makakalimutan.

Naniwala akong hindi niya ako mawawala.

Pero ang hindi ko alam… may mga pangakong natutupad lang habang bata pa tayo.

Dahil kapag tumanda na tayo, may mga pangakong natutunaw… kasabay ng paglipas ng oras.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 02, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost the Moon Where stories live. Discover now