Chapter 27

1.5K 51 11
                                    



DJ's POV


"Putanginang Dominic Roque, talaga naman oo!" Napamura ako ng nakita ko ang tweet ni Dom kay Kath.


Hi, @bernardokath. You're very pretty and I hope to see you soon. ;)


"O, DJ. Bat ka nakabusangot dyan? Magready ka na. Tatawagin na kayo ni Liza sa stage." Sabi ni Kuya Mark.


"Ah! Kuya Mark, may number ka ba ni Dominic Roque?"


"Pfft. Bakit?"


"Wala.. Gusto ko lang makalaro ng basketball. Weak ng mga kalaro ko eh." kakaibiganin ko lang. Mali kinakabangga eh.


"Ikaw pa magtatago sakin? Kalat na kaya yung tweet ni Dom kay Kath. Ikaw talaga! Grabe ka magselos, brad, ah. Yun lang eh."


"Hindi ako nagseselos noh! Gusto ko lang talaga siya maging kaibigan!" Bat naman ako magseselos dun? Di hamak namang mas gwapo ako dun!!! Hehehe. Alam ko na gagawin ko. Tinweet ko yung picture namin ni Kath nun na nasa hospital pero stolen. Nakahawak ako sa kamay niya habang parehas kaming tulog. Si Mama lang nagsend neto eh. Akalain mo yun noh? May nagawang maganda ang nanay ko bukod sa pagsilang ng gwapong katulad ko.


I don't care kung tambak na tambak na ako ng trabaho sa pagleleave ko, maalagaan ka lang.


Syempre, sigurado akong nakita na ng hinayupak na yun yung tweet ko dahil finavorite niya.


"Magandang hapon, ah, Dj and Liza." Bati ni Tito Boy. Bat ba kailangan kasama ko sa interview tong si Liza? Tss. Kaya kong ipromote ang movie namin without her at mas lalong kayang mag big hit ng movie namin without her.


"Magandang hapon din ho, Tito Boy at sa mga nanonood, magandang hapon ho."


"Good afternoon, Tito Boy!"


"Ako eh hindi na magpapaligoy ligoy pa, DJ. Itatanong ko ito bilang isang fan mo, who is this girl na nalilink sayo? Who is Kathryn Bernardo?" Di ko maiwasang mapangiti tuwing binabanggit ang pangalan ni Kath. Tangina. Naramdaman ko naman ang patagong pagkurot ni Liza sa tagiliran ko.


"Si Kath.. she's close to.. my heart." Makasuhan na kung makasuhan pero di ko na kaya itago eh. Boto naman si Ma'am Charo, diba? Hehe.


"Woah! Ikaw, Liza. Hindi ka ba nagseselos kay Ms. Kathryn dahil malapit siya kay DJ? Hindi lang sa kanya ngunit pati sa pamilya at mga kaibigan niya." Parang mas gusto ko kalbuhin ang kilay ni Tito Boy sa mga sinabi niya. Promotion ng movie namin to pero bakit si Kath ang topic?! Hindi naman sa ayaw ko siya pag usapan pero ayokong nababanggit ang pangalan niya pag nandyan si Liza. Naaalala ko lang yung video na pinakalat niya. Tss.

My Wonderwall (KathNiel and Parking 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon