"Napakatigas ng ulo mo, hindi ka marunong makinig. Ang hilig hilig mong sumagot!" rinig kong sabi ni mama, umagang umaga galit na galit nanaman. Dahil siguro yun sa ginawa ko kanina nong naglalaba ako sa baba, eh pinaka ayaw ko na pagalitan ako't taasan ng boses eh kaya ayon nasagot ko.
Wala akong nagawa kundi ang pakinggan lahat ng sinabi niya at hayaan itong pasok-labas sa magkabilang tenga ko.
Ay ambot aning mama, akoa nalang ma memorize ning iyang mga gipangsulti! Di ko na mapigilan mag bisaya bahala kayo diyan kung naiintindihan niyo o hindi.
Hays isa lamang yan sa mga naalala ko nong nasa puder pa ako ni mama, di maipagkailang napakatigas ng ulo ko. May mga oras pa nga na sinasagot-sagot ko si mama eh HAHAHAHA at matatawa nalang talaga ako.
Pero syempre as a taong nag mamature na kuno, mapapasabi ka nalang na sana pwede pa maibalik ang mga panahong iyon. Kung saan wala pang problema na kinakaharap, kundi yung mga problemang pambata laang ba kagaya ng kung pano tatakas kay mama oag tanghaling tapat para gumala sa kabilang bahay para mag laro.
Ngayong no more teen age na nakakapanibago at napakalaki ang pinagbago. Nanaisin mo nalang maging hotdog sa ref.
May isa pa ngang pagkakataon na napalo ako ni mama ng tabo gawa nong narinig niya na kumikibot kibot yung bibig ko habang siya ay nag sasalita. Kaya ayon napalo ako, sira yung tabo eh ako pa nasabihan na kasalanan ko dahil wala na kaming magagamit.
Aba mama ha, sino ba ang nag palo ako ba? Naga joke guro ni si mama ba hmp!
Ang saya lang na balikan yung mga panahong iyon, kung san kasama ko pa si mama mag tanim sa bukid. Kasama ko na tumira sa bahay, kasama ko sa araw-araw. Ngunit alam kong hindi na maibabalik yung mga panahong iyon dahil wala na eh andito na tayo, ang magagawa nalang natin ay ipagpatuloy ang nasimulan.
UNANG PAHINA
DU LIEST GERADE
Ano nga ba ang Future ko?
KurzgeschichtenIto ay base sa totoong buhay, malikot na imahinasyon. May konting twist ito at naway inyong magustohan.
