Chapter 23: Intrams

6.9K 104 46
                                    

Intrams

After that night, nagbalik kami sa dati naming gawi.. Asaran, kulitan, at syempre di mawawala ang competition.. Para bang walang nangyare sa kanya pero, para sa kin, mas lalo ko siyang naintindihan at nirespeto. Although minsan, di ko alam kung respeto nga ba to..

At di rin mawawala ang isa ko pang problema.. ang sagot kay Xylo. Di naman sa na pepressure ako pero, sa araw araw bang ipinapakita niya na he's willing to wait, sino bang di magiisip ng ipangsasagot everyday? I can't say naman na wala na talaga akong feelings para kay Xylo pero, ewan ko ba, para bang meron ng iba eh.. 

Hay nako, ewan. Tsaka na lang yan. Ang nasa isip ko ngayon ay ang Intrams. Ang section na mananalo ay magkakaron ng 5,000 budget at trophy..

"Alex.."

"Dale."

"Kamusta ang schedule para sa training ng DREAM TEAM?"

"DREAM TEAM?"

"WAHAHAHA!! Pangalan ng team ng section naten!! Because we're the best!! SA ATIN ANG TROPHY!! WAHAHAHAHAHAHA!!"

"Ewan ko sa'yo. Eto na sort ko na ang schedule ng gym at field para pagpractisan natin.."

"Very good.. very good.. Naamoy ko na ang tagumpay..! Sa akin- este sa atin ang pera!! WAHAHAHAHA!!!!"

Pagpasensyahan nyo na tong praning na to.. Siya si Dale. Siya ang leader ng varsity. Kahit eng eng yan, magaling siya sa kahit anong game na salihan nya. Mr. Buff ang tawag sa kanya dahil sa mala chocolate hills nyang braso. Dahil sa galing nya, he was banned sa kahit anong game. Kaya naman, siya na lang ang mag cocoach sa section niya. And, unforunately, ka section ko siya. At ako ang kinuhang secretary...

"Alex, alam mo na bang sumali si Mr. Transfer student bilang varsity ng soccer?"

"Si Xylo?"

"Yun na nga yon. At, magaling siya actually.. Nataob niya ang mga star players ng soccer team ng school. Pinasok ko na siya agad.."

"Ah.. Ganun ba.."

"Ang mas surprising ba dito, si Ryan.."

"Bakit naman napasok yun?"

"Diba, matagal na siyang kinukuha ng iba't ibang teams para sumali sa kanila, pero ni isa wala siyang sinalihan.."

"Anong big deal dun?"

"Bigla siyang sumali sa basketball team.. Basketball varsity na siya!"

"Ba-bakit naman daw bigla niyang naisipang sumali?"

"Ewan ko lang.. Pero buti naman kasama siya sa basketball team ng school, malaki ang chances nating manalo.. ay! di ko pa ata nasasabi sa'yo.."

"Ano yun?"

"Diba volleyball varsity ka?"

"Ay hinde, ikaw nga nagtetrain sa men eh.."

"Ito naman.. Kasi may labanan ng schools next month sa Cuyo island sa Palawan!! haha.. Mga varsity lang ang pwedeng sumama!!"

"WOW!! wait, libre ba?"

"Oo syempre.."

"W-O-W.."

"After mismong mag sign up ni Xylo, nag sign up din si Ryan. Baka siguro nalaman nila ang about sa Cuyo Palawan.."

"Ba-baka nga.."

Di naman pwedeng coincidence to.. Ano na namang binabalak ng dalawang to..

"May list ka na ba ng players ng section naten?"

(ON HOLD) In love with my RivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon