Di pala lahat ng lumalayo ay may galit sayo. Minsan, ginagamit lang ang paglayo para hindi sila tuluyang mahulog sayo.
-
Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi na ikaw yung gusto ko, mas lalo lang nagiging tapat yung puso ko sayo. Na para bang sinasabi ng puso ko na ikaw lang ang mamahalin nito.
-
Saktan mo ako sa katotohanan, wag mo lang ako protektahan ng iyong kasinungalingan.
-
Matuto kang pakawalan ang taong di ka binibigyan ng halaga kaysa naman lantaran ka ng BINABALEWALA, NAGSUSUMIKSIK ka pa.
-
Kung may taong nanghuhusga sa'yo, hayaan mo sila. Hindi mo naman obligasyon na ipaliwanag sa kanila kung ano ka talaga.
