Kaelen :
“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa’yo. Grabe, ang lakas ng loob mo para sabihin sa akin ‘yan. Hindi biro ‘yun, kaya saludo talaga ako sa’yo. Kung may Olympics para sa honesty, ikaw na siguro ang gold medalist—may bonus na standing ovation pa!
Pero seryoso muna tayo (kahit ang hirap). Gusto ko rin maging totoo sa’yo: sa ngayon, hindi pa ako handa para sa isang relasyon. Marami pa akong kailangan unahin—sarili ko, mga pangarap ko, at mga responsibilidad na parang traffic sa EDSA, hindi matapos-tapos. Kumbaga, nagpa-practice mode pa ako sa buhay at baka magka-game over kung magdadagdag pa ng relationship sa to-do list ko.
Alam ko, hindi ito ang sagot na inaasahan mo. (Oo na, wag mo na akong tingnan nang ganyan, ang bigat!) Pero gusto kong iparating na sobrang na-appreciate ko ang nararamdaman mo. Hindi lahat ng tao kaya ‘yan, kaya deserve mo talaga ang isang taong kayang suklian ang pagmamahal mo nang buo—yung tipong walang buffering o laging “404 Not Found” pag kailangan mo.
Sana makita mo ang taong iyon—yung kayang mahalin ka tulad ng pagmamahal na kaya mong ibigay. Pero habang wala pa siya, andito ako bilang certified kaibigan mo. Pangako, walang expiration date ‘to. Anytime, anywhere—parang 7-Eleven.
Kaya kung kailangan mo ng kakwentuhan, kakampi, o kahit taga-libre ng milk tea (pero baka ikaw magbayad, ha?), andito lang ako. Wala kang iisipin, nandito lang ako nandito lang ang cute mong kaybigan
Maraming salamat ulit, at sana magpatuloy kang maging ikaw—yung taong punong-puno ng pagmamahal, totoo, at minsan cheesy pero nakaka-good vibes. Idol kita, pramis!”
(MESSAGE SENT)
Pag-send ko ng reply, napahiga ako sa kama. Grabe, parang eksena sa telenovela ‘to, ah. Ang bigat sa dibdib pero ang gaan sa pakiramdam kasi alam kong naging totoo ako.
Napatingin ako sa kisame. “Baka nga red string of friendship lang talaga ang sa amin ni Jennifer,” bulong ko sa sarili.
Natawa ako bigla. “O baka naman, hindi ako ‘yung soulmate niya—baka si kuya!”
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at sumilip si mama. “Ano nanaman ang pinagtatawanan mo diyan, ha?!”
“Wala po, ma. Reflection lang po sa buhay!” sagot ko habang sinuklay ang buhok gamit ang kamay.
“Reflection daw oh. Parang salamin lang, hindi naman nakakakita ng future! Sige na, matulog ka na. Good night,NAKK MUAH MUAH!” sabay sara niya ng pinto.
Napailing na lang ako habang humiga ulit. Napangiti. Kahit medyo magulo ang buhay, ang saya lang talaga kapag surrounded ka ng mga taong mahal ka
Bukas ulit, bagong araw, bagong kalokohan,ipinikit ko ang aking mga nata at agad na nagdasal,
“Lord, sana po makapasok ako sa scholarship, kasi kung hindi, baka magtago na lang ako sa ilalim ng kama at magpanggap na may ‘important meeting’ na hindi nila ako pwedeng disturbin. Help me stay focused, kasi alam ko na kasi sa feeling‘yung mga times na ‘di ko na alam kung saan ko nilagay ang notes ko, parang ‘lost and found’ na lang,Sana rin po, tulungan Mo ‘yung family ko, para hindi nila ako pagalitan pag ‘di ko na nasama sa dinner kasi ‘study mode’ ako, mahal na mahal kopo sila. Salamat po, Amen!”
Maya maya pa ay dahan dahan kong anaramdaman ang pagbigat ng aking mga mata at ang dahan dahang pagbalot nga kadiliman sa aking kwarto.
(phone Vibrates)
Inbox:new message!.
Author: helooooo poo sana nagustuhan nyu firts time ko kasi and sorry for some typos and Corny jokes HAHAHAHAHA sana ma gets nyu humor ko and u can leave a comment naman if may suggest ba kayo and please Tell me if tatapusin koba to o wag na lang HAHAHAHAHAH THANKYOUUU GUYS 🙏🙏🙏
ВЫ ЧИТАЕТЕ
THE RED STRING THEORY (ONGOING)
Любовные романыThe Red String Theory Destiny is a thread that never breaks. Two souls, bound by an invisible red string, are destined to meet, no matter the distance or time. But when life pulls them apart, will fate bring them back together-or will the string sna...
CHAPTER 1 "RED STRING?"
Начните с самого начала
