Uno

16 0 0
                                        

Celeste POV

"Babe, payagan mo na ako sumali sa santakrusan. Si Lesley lang naman yun e. sobrang kailangan niya lang talaga ng partner." pag mamakaawa ni Angelo saakin habang ako kanina pa naka tagilid humiga para hindi ko makita ang paawa effect niya.

Hay naku! sasabayan pa talaga niya yung toyo ko ngayon. Nakaka urat ba naman, kanina na nasa mall ako. Bibilhan ko sana ng relo si Gelo para sa Birthday niya at anniversary namin. Nang nasa Store na ako, may lalaking sumulpot at binili agad yung relo na pinipili ko.  

nakipag sagutan pa ako, pero wala na akong choice kasi ibang iba ang tingin niya saakin. Hindi porket simple lang ang damit na suot ko, hindi ko na kayang bilhin yung relo na binili niya. Akala niya madadaan niya ako sa pera. 

Binigyan ba naman ako ng cheke para daw pambili ko ng damit. 

Like what the hell! baka pati guard niya kunin ko e. Tsk! ang panget-panget naman at  ang jejemon mag suot. Pag talaga nakita ko yung lalaking mapanlait na yun yari talaga yun saakin. 

bumalik na ako sa wisyo at napaisip sa mga sinabi ni Gelo tungkol sa kanila ni Lesley.

lagi naman siyang ganito saakin, pero pagdating kay Lesley hindi siya maka tanggi. pag ako gusto ko mag santakrusan ang dami niyang dada, kung hihindi naman ako mag aaway lang kami ni Gelo so ano pa bang magagawa ko.

umayos ako ng pagkahiga at tinitigan ko si Gelo. nag papaawa effect parin talaga sakin na akala mo na agawan ng laruan tong bakulaw na to. umupo akong maayos at tinitigan ko siya sa mga mata.

" bakit hindi nalang ako yung i-partner mo dun, para magkasama tayo." " biglang nag bago yung timpla ng mukha niya at nag dabog pa upo sa tabi ko.

"Alam mo naman na wala kang pera pambili ng mga ganung gamit kasi sakto lang pera mo para sa buwanan, tapos di mo pa sahod. Tapos sasabay ka pa saakin edi mas mahihirapan tayo niyan mag ipon, kaya ako nalang dapat sasali sa santakrusan. edi, sa susunod na taon ikaw naman." sambit niya na may kasamang singhal sa tabi ko.

sa araw-araw na pag tatalo namin, ako na naman palagi ang mali. walang tama sa desisyon ko. pag gusto ko isama ang sarili ko sa buhay niya parang pinag bagsakan siya ng langit at lupa. Ni hindi ako kayang maisama sa future niya.

Hindi ko alam kung kahiya-hiya ba ako, pero wala naman akong choice kasi mahal ko eh. sadyang na spoiled ko lang siguro siya gawa ng hindi na susunod ang mga gusto niya nung bata pa siya.

Wala namang bago ginamit ko na naman ang matamis kong 'Oo' sa lalaking to.

"Btw, nag text pala si mama saakin--"

" Ano bibigyan ka ba niya ng allowance natin?" sambit nito ng parang na natutuwa sa nabanggit ko.

" Alam mo namang hindi ko tatanggapin yung pera na binibigay ni mama diba. Alam mo namang gusto ko tayo yung kumayod para sa sarili natin. Ayoko mamihasa na palaging humihingi ng pera kay mama" mahinhin na sambit ko.

Inikutan lang ako ng mata at ngumuso siya ng parang duck face na naka simangot.

" Alam mo isipin mo maigi ha. Kailangan natin ng pera ngayon lalo na't mag sasantakrusan tayo at ano pa silbe mo sa buhay ko kung yung 375 pesos per day mo, ay di kaya ng isang araw natin. Gamitin mo yang kukote mo" anong tayo??

Beh pasarap buhay ka nga lang dito sa bahay. nag papalaki ka lang ng bayag dito eh.

Natameme lang ako sa mga sinabi niya at hindi na ako tumugon pa sa mga masasakit na salita na sinabi niya saakin.

Ano bang mali sa nasabi ko?

Trinato ko naman siya na parang prinsipe sa buhay ko, pero bakit ganito yung balik saakin.

Meet You TwoWhere stories live. Discover now