Prologue

1 0 0
                                        

Si Choi Gabriela Seraphina, Isang babaeng matapang at medyo suplada sa Seoul Campus University. Maganda siya, oo, pero mas kilala siya sa pagiging independent at determinado. Mayaman ang pamilya niya, pero hindi siya spoiled brat. Kaya niya ang sarili niya, at hindi siya natatakot na ipagtanggol ang kanyang sarili, lalo na kung mali ang ginawa sa kanya. Medyo masungit siya, lalo na sa mga lalaki, kasi ayaw niya ng gulo. Pero sa loob-loob niya, may mabuting puso si Gab, isang puso na handang magmahal at magtiwala, basta't karapat-dapat ang taong iyon. Ang pag-uwi niya sa Nagoya, Japan, pagkatapos ng pag-aaral, ay pangako niya sa kanyang ina, para tulungan ang pamilya nila.

Mahilig siya sa sayaw, pagkanta, at pag-arte. Magaling din siya sa sports, pero mas gusto niyang sarilinin nalang kaysa sumali sa mga kompetisyon. Hindi siya naghahanap ng atensyon; ang mga talento niya ay nanatiling nakatago, pero di maiwasang mailabas nya ito dahil sa mga activity sa school.

Pero kahit ayaw niya ng atensyon, ang ganda niya ang nakakuha ng atensyon sa lahat. Medyo sikat na siya sa campus, pero hindi niya 'yun iniintindi. Hanggang sa maganap ang pangayayaring maaring makapukaw pa ng maraming atensyon.

Isang araw dumating ang grupo ng lalaki pero mas nakapukaw ng atensyon nya ang lalaking nangangalang-Kim Jaehyun: Gwapo, sikat, campus crush. Pero may pagka-bully siya, lalo na sa mga babaeng palaban. Ang unang pagkikita nila ni Sera ay isang banggaan-literal at matalinghaga. Pareho silang matigas ang ulo, kaya siguradong magkakaroon ng away.

Ang relasyon nila ay puro tampuhan, puro asaran. Pero isang araw, may nagawa si Sera na lubhang pinagsisisihan niya-sinira niya ang gitara ni Jaehyun. Nang malaman ito ni Jaehyun Nagalit ito at nasaktan sa nagawa ni sera. Pero di nya inaasahan yun dahil nagalit siya kay Jaehyun sa ginawa rin nitong pagkakamali kaya naghiganti siya. Pero nang malaman niya kung gaano kahalaga ang gitara kay Jaehyun, nagsisi siya.

Isang araw nakita nyang malungkot parin si jaehyun dahil sa nagawa niya sakanya, nang maguwian hinintay nyang makauwi si jaehyun dahil may inutos pa ang teacher sakanila bago maguwian. Nang dumating sila jaehyun dun sya nanghingi ng tawad. Pinatawad ni Jaehyun si Gab pero may kapalit.

Ang kwento nila ay isang kwento ng pagbabago, isang kwento ng isang babaeng matapang na natutong magmahal at magtiwala. Isang kwento na nagsimula sa isang away, at natapos sa isang pagiibigan.

The Campus Crush and The Cold Transferee Stories to obsess over. Discover now