Chapter 40.2

71.4K 1K 77
                                    

"Sophia Ysabelle." Mariin na muling tawag sa kanya ni Zach. Tumawa muli si Tyler at alam niyang nang aasar na lamang ito. Nang bitawan siya nito ay agad niyang nahampas ang balikat nito.

"Vous êtes bébé si doux" (You're so sweet baby.) Nanlaki ang mata niya sa narinig kay Tyler kasabay niyon ang pag akbay nito sa kanya. Nang lingunin niya si Zach ay madilim na ang tingin nito sa kanilang dalawa. Hindi siya sigurado kung ang tingin na iyon ay para sa pag akbay ni Tyler o sa sinabi nito. Habang ang kanilang anak naman ay tahimik lamang na nakahawak sa kamay ng kanyang ama.

"Z~zach." May pag aalinlangan sa boses ni Sophia.

"Hey Monsieur, le milliardaire." (Hey Mister, billionaire.) Ngiti nitong nakakaloko at sinabayan pa ng pagsaludo. Ni hindi man lamang tinapunan ni Zach ng tingin si Tyler.

"I am taking my son out for lunch." Alam niyang hindi nagpapaalam si Zach. Hindi nito hinintay ang sasabihin niya. Agad din nitong tinungo ang daan palabas habang hila ang kanilang anak. Mabagal ang lakad nito na tila tinatamad. Ang isa nitong kamay ay nasa loob ng bulsa ng kanyang pantalon Napa iling na lamang si Sophia.

"Wait, can we come?" tanong ni Tyler. Napahinto si Zach ngunit hindi ito lumingon sa kanila. Si Ellis ang sumagot sa tanong nito.

"Oui monsieur, Mangeons tous ensemble!" (Yes sir, Let's eat all together!) Masayang pahayag nito sa kanya. Alam niyang labag sa loob ni Zach ang gusto ni Tyler. Lalapitan niya sana ito ng magsalita ito ngunit hindi nag abalang ibaling ang paningin sa kanila.

"I'll see you in the car." Mabilis din itong nawala sa paningin nila. Si Ellis ay tumakbo pasunod sa kanyang ama.

"Papa, wait for me!." Malakas ang sigaw nito at mabilis na tumakbo palabas.

"Oh Merde!, He is so mad and jealous. " (Oh Sh*t) Malakas na tawa nito. Connard! (as*holes). Tanging naibulalas ni Sophia sa kanyang isip. Tsaka lamang nila naisipan kumilos ng marinig nila ang sunod-sunod na busina. Ikinagulat pa nila iyon ni Tyler. Ngunit agad din naman silang tumalima.

Narating nila ang bukana ng mansyon at nasa harapan na ang sasakyan na minamaneho ni Zach. Bubuksan na sana ni Sophia ang unahang pintuan ng sasakyan para doon siya maupo ngunit hinila siya ni Tyler at mabilis na tinulak sa likuran ng sasakyan. Si Eillis ay tahimik na naglalaro sa kanyang ipad at hindi man lang sila pinansin.

Nang tumingin siya sa rear view ng sasakyan ay kunot na kunot ang noo ni Zach na nakamasid sa kilos nilang dalawa ni Tyler.

Nang pilit siyang pinaiisod ni Tyler ay sinamaan niya ito ng tingin. Isang kindat ang ibinigay nito sa kanya. Bigla na lang humarurot ang sasakyan nila. Halos muntikan na silang mapunta sa harapan. Mabuti na lamang at naka seatbelt si Ellis. Alam niyang nagtitimpi na lamang si Zach.

"Are we in a hurry Mr. Billionaire?" Nakangising tanong nito kay Zach.

Sinilip naman ni Zach si Tyler sa salamin. Sinuklian niya din ito ng mas nakakalokong ngiti.

"No sir, I'm just too hungry that I want top eat, right now."

"Ohh!" kasunod noon ay tawa. Alam niyang iba na ang iniisip ni Zach kanina pa ito nakasimangot sa mga pinag gagawa ni Tyler.

"Where do you want to go baby?" Tanong ni Zach. Nalilito si Sophia kung para kanino ang tanong na iyon. Sa huli ay nagpasya din naman siyang sagutin ito.

"Anywhere Zach, maybe french restaurant?" Mahinang sagot niya. Hindi man lang siya sinagot ni Zach pabalik.

Naramdaman niya na lamang ang pag akbay ni Tyler sa kanya. At sinabay siya sa pagsandal sa upuan ng sasakyan. Siniko niya ang lalaki ngunit ngumisi lamang ito. Ano bang problema nito ni Tyler. Nakikisabay pa.

"Ellis, I am asking where do you want to eat." Muling tanong ni Zach, nakaramdam siya ng hiya. Ang anak pala nila ang tinatanong nito kanina.

"NIU, I want their stake. Papa." Hindi naman sumagot pa si Zach. Tahimik lamang nitong tinungo ang daan papunta sa restaurant na iyon. Maging si Sophia ay tumahimik na lamang kahit naka akbay sa kanya si Tyler ay hinayaan na lamang din niya. Pasipol sipol pa si Tyler sa loob ng kotse.

Nang marating nila ang restaurant ay mabilis na ipinarada ni Zach ang sasakyan. Nagmamadali din itong umibis ng kotse at binuksan ang likurang pintuan. Si Ellis ang inasikaso nito. Pilit hinuhuli ni Sophia ang mga mata ng asawa. Ngunit bigo siya dahil kahit isang sulyap lamang ay hindi nito ginawa.

"Come on, Just bring your Ipad inside and play there while waiting for food. We'll wait inside." Hinagis nito ang susi sa mga binti niya. Alam niyang para sa kanila ang huling sinabi nito. Inalalayan nito ang kanilang anak at malakas na sinara ang pinto ng kotse.

"Whooaah!" Iyon ang tanging naibulalas ni Tyler.

"Let's go? I don't want him to wait." Anyaya niya kay Tyler. Hindi naman ito sumagot at binuksan na lamang ang pinto. Umibis ito at hinintay siyang makababa. Kinuha nito ang susi sa kanya at ito na mismo ang nag lock ng sasakyan. Wala sa sariling naglakad na siya papasok ng restaurant.

"Mademoiselle, désolé." Napatigil naman siya. Bakit naman humihingi ng tawad ito.

"Pourquoi?" tanong niya kay Tyler.

"Because I don't want to get hurt again. But I want to see what he would do if he sees you being intimate with someone else aside from him." Paliwanag nito.

"Oh Tyler, he's really mad now. I know he's just controlling himself." Buntong hininga ni Sophia.

"I know, I'll let the monster inside him, come out Sophia." Ngisi nito sa kanya.

"Tyler..." Tawag nito sa kausap.

"Alright, i'm sorry. I know what you've been through. Remember? I was the one with you? That's why I want to know if he's ready to take care of you this time. If he's willing to fight for you even if, it will cause him total damage." Malungkot ang mata nitong tinitigan siya.

"But I am willing to get hurt again. We can't avoid that, right? Maybe this is the right time for us." paliwanag niya kay Tyler.

"I know, Sophia. You are like a sister to me. No, you are the little sister I never had. Vous êtes précieux pour moi" (You are precious to me.) Hinila nito ang ulo niya at kinintalan siya ng halik sa kanyang noo.

"Thank you. Vous aussi" (you too.)

"That's why he should prove to you that he's really worth it. Come on let's go inside. J'ai faim" (I'm hungry). Hindi na siya kumontra pa dahil naramdaman niya na din ang gutom. Mabilis din naman nilang nakita kung saan pumwesto ang mag ama niya.

May mga pagkain ng nakahain doon. At ng makita niya ay kumakain na ang kanyang anak.

"Monsieur, Mama. sorry I'm too hungry I ate already. But papa, wait for you so you could eat together." Tila hinaplos naman ang puso ni Sophia. Nang lingunin niya si Zach ay nag iwas ito ng tingin at sinimulan damputin ang sariling kubyertos.

"If you want something else. Please, feel free to call the waiter. Get anything you want, sweetheart." Malumanay nitong sabi at agad din napakagat ng mariin sa labi. Hindi napigilan ni Sophia ang mapanguso. Alam niyang nadulas ito sa sinabi. Bigla naman tumikhim si Tyler.

"Time to eat Sophia. What do you want mademoiselle?" Tanong nito. Hays ito na naman si Tyler.

"I can get my food, eat Tyler. please Monsieur." Sinimulan na din nitong kumaen at sinadukan pa siya ng kanin sa plato. Alam niyang napatingin si Zach sa kanila. Kaya napatuwid siya ng pagkakaupo.

"Mademoiselle, we need to pick the wedding dress later." Wala sa sariling sabi nito.

"Yes, we will." Magsasalita pa sana si Tyler ng malakas na nag ingay ang kubyertos sa harap nila. Next time they know, Zach left the table.


***

Enjoy!

The Ruthless  BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon